Tuesday, November 10, 2009

the magic is here...





at enchanted kingdom!

Saturday, November 07, 2009

c for congratulations!

last week ko pa nalaman pero di ko na-blog. ang saya ko lang... kasi nominated ang tatlong shows ko sa Star Awards for best mini-series...

heto ang teaser/trailer ng YOUR SONG PRESENTS: MY ONLY HOPE



heto naman ang music video ng MY ONLY HOPE.



tapos heto ang full trailer ng YOUR SONG PRESENTS: BOYSTOWN



iyong isa pang show, iyong YOUR SONG PRESENTS: SOMEONE LIKE YOU. Pero hindi ko masyado nagustuhan iyun... kahit na sobrang nagre-rave iyong mga boss sa scripts namin.

kahit hindi manalo, ma-nominate lang, okay na. but i want MOH to win... kasi i love that show. i love my co-writers. sobrang grabe ang pinagdaanan namin diyan especially iyong one-week lock in namin sa imperial...

kung hindi man ang MOH, ang Boystown na lang... para kay Direk Lino at sa hirap niya para sa show. Plus, sa Boystown ko minahal ang Gigger Boys.

Tuesday, November 03, 2009

c for chos!

a high school batchmated chatted with me on fb last week

him: uy, malapit na ang birthday ng high school dyowa mo
me: (patay-malisya) ha? sino?
him: si C.
me: hahaha. dyowa talaga... oo nga no. november na...
him: nakalimutan mo na?
me: (nagkukunwari) naman... how many years ago na iyun.... antagal na nun
him: buti ka pa nakapag-move on na. ako hindi pa.
me: hahahaha... kanino?
him: sa iyo...
me: HAHAHAHAHAHA!

kung alam lang niya, chos lang iyun. kunwari nakalimutan ko pero naman, kahit ibitin ako patiwarik, di ko malilimutan ang birthday ni C. keri lang, alam ko din naman na nang-e-echosan lang kami...

ang point lang talaga ng entry na ito ay para bumati... happy birthday, C!

Sunday, November 01, 2009

pleasure vs happiness

sa homily ng pari kanina, sinabi niya kung ano ang difference ng pleasure sa happiness. "pleasure is momentary. happiness is lasting."

pero ewan ko, parang mas appealing sa akin ang pleasure kahit na panandalian lang siya. kasi mas madaling ma-achieve ang pleasure kesa sa happiness.

ikaw, ano ba pipiliin mo: pleasure o happiness?

doon ka ba sa fleeting pero ang dali lang makuha? o dun ka sa tumatagal nga, pero parang ang hirap ma-experience.

nanowrimo

i wrote my first english novel when i was 13. actually, my first and only novel. and it was handwritten.

bumili ako ng isang notebook, tapos, sinulatan ko siya ng novel. because my influence then was sweet dreams, so ang style ng pagkaka-sulat ko, sweet dreams. and, medyo semi-autobiographical siya. so ang name ng bidang babae was irene, kasi, sounds like noreen.

ang tagal-tagal na noon. years after, i read it again and napa-cringe ako. ampanget. wrong grammar. daming misspelled words. tapos ang predictable ng kuwento. walang plot points. ang boring.

pero okay lang... 13 lang ako noon eh. effective lang ako sa short stories and poetry. iyun, patok sa mga classmates ko. as in pinag-aagawan pa nila iyong mga short stories ko noon. tapos every issue ng school paper namin, meron akong essay or short story or poem na napa-publish. pati iyong mga stage plays ko noong high school, medyo okay naman... pero novel -- di ko keri.

several years ago, noong editor na ako sa isang kompanya, my writer melanie told me about nanowrimo. i got interested. pero hanggang title lang ata ang naisulat ko...

now, i'm trying it again... ang goal lang naman sa nanowrimo, makasulat ka ng novel in thirty days. kebs na kung maganda o hindi, basta makasulat ka.... at matapos mo in 30 days... kaya nga november is nanowrimo month.

wala pa akong malinaw na kuwento. hindi ko pa alam kung ano at sino ang protagonist ko. but i signed up and joined... that's a start....

i've tried writing scripts. short stories. poetry. stage plays. personal essays. i even tried business writing, copywriting, technical writing, magazine writing.

although nakasulat na ako ng novel before, that doesn't count. kasi it sucks.

kaya this month, through nanowrimo, sisimulan ko na ang pagsusulat ng novel.

sana lang di ako masyadong toxic sa work. at sana, di ako masyadong mahirapan. ang tagal na mula noong nagsulat ako ng english literature... mga three years ago... at isang article pa yata sa peyups iyun (under an alternick, of course).

kaya heto... umpisa na ng project: noringai's novel. :)

try nyo din, malay nyo...

this is it.

wish me luck!!!

Sunday, October 25, 2009

kung bakit ako naiyak sa 500 days of summer

this is a blog entry about 500 days of summer.
kung di mo pa napapanood, huwag mo na ituloy ang pagbabasa. ang daming spoiler. balikan mo na lang kung nakanood ka na...

pero kung napanood mo na, keri lang, tuloy mo lang...

ang akala ko, typical romance movie lang siya. pero nababasa ko sa twitter at sa facebook na people were raving about it. so i told ilai manood kami sa sabado. hindi kami natuloy kasi nag videoke na lang kami. and then i got a text message from direk joey. "tangina. ang ganda ganda ganda ng (500) days of summer." kaya ayun, the next day, nanood na kami ni ilai.

the movie is about tom and summer. tom was in love with summer. summer didn't believe in love and relationships. pero they became friends, and they started hanging out... habang pinapakita ang mga nangyayari sa buhay nila (day 1, day 87, day 114, etc), unti-unti kong nakikita ang sarili ko -- kay tom. especially when he confronted summer to ask ano ba talaga sila? sabi ni summer, "we're friends." nagalit si tom. hindi daw kasi ganoon ang magkaibigan kasi they've been dating for months, they have sex, they tell each other stories they havent told anyone...

ang sabi ni summer, di naman nila kailangan ng label sa kung anong meron sila. basta masaya sila with each other. okay na iyun... eh si tom, ayaw daw niya irock yung boat. kaya kahit undefined ang relationship nila, umayon na lang siya. kesa mawala sa kanya si summer.

hanggang sa seven or eight months after (pati ako nagbibilang din ng buwan sa utak ko while watching), nagsisimula na sila magkaroon ng conflict. lagi na silang nag a-argue. parang nagkakaron na ng lamat iyong "friendship" nila. iyong mga things na they used to do together that they found amusing, hindi na nakakatuwa. kasi nga lagi na lang silang nag-tatalo.

until finally, summer said they should stop seeing each other. "you're still my best friend," she told him.

sobrang na-depress si tom, di niya kinaya. apektado ang trabaho niya. people were telling him to get over her. "i dont wanna get over her, i want to win her back."

pero hindi nangyari iyon. sinabihan siya, kaya siya hindi maka move on kasi puro magagandang memories lang ni summer nakikita niya. maybe he should look back and think of the painful things that summer gave him.

and then, a few weeks after they stopped seeing each other, he found out (sobrang spoiler na talaga ito) -- she was getting married to another guy. ganoon lang iyun. ilang weeks lang sila naghiwalay, she was getting married na.

sobrang na-depress si tom. di siya lumalabas ng bahay. naging bitter siya about love. pero eventually, he managed to crawl back from the pits of depression... dahil kay summer, he did what he always wanted to do... he followed his dream.

and then, nagkita sila uli. he asked her, bakit ganoon? parang, she didn't want to be his girlfriend pero now, she's someone else's wife. and she answered, "it just happened."

doon na ako sobrang naiyak. naiiyak na ako sa mga previous scene pero doon sa sinabi ni summer, doon talaga ako cry ng cry. kasi it happened to me... if you've been reading my blog especially two to three years ago -- you'd know why. kasi ako nga si tom. and i had my summer. ganoon-ganoon ang nangyari.

when i found out he has a new girlfriend and i asked him, "bakit ganoon?" his reply was, "di ko nga alam eh. basta nangyari na lang..."

ang ganda ng movie. hindi dahil sa naka-relate ako. kundi ang galing lang ng message na sinabi nito. and the movie gave me hope.

nagroroll na ang credits. nagtatayuan na ang mga tao at umaalis ng sinehan, iyak pa rin ako ng iyak...

i'm done with my summer. tagal na noon. naka-move on na ako. i am just waiting for my autumn...

500 Days of Summer

I love love the movie... wala ako masabi... kundi ang ganda. galing ng pagka-sulat. ganda ng pagkadirect. shet sana makagawa ako ng ganoon kagandang pelikula...

heto ang teaser...



heto ang full-length trailer...