Wednesday, March 28, 2007

ang mansanas at si noringai

(cross-posting lang from my multiply)
ang picture na ito ay kuha noong wala kaming magawa sa opisina at napag-diskitahan ang digicam. actually, marami kami dapat ginagawa pero nagkataon lang na sabay-sabay kaming tinamad at nag-decide na hindi na magtrabaho noong hapon na iyun. game naman ang lahat ng nasa department namin, lalo na iyong mga artists namin. at heto, game din na kinuha ko ang P60,000 worth na mansanas na naka-display sa opisina namin. ambigat niya, ha, pero kunwari kayang-kaya ko. buti di nalaglag kasi kulang pa ang isang buwang sweldo ko pambayad. :D
***
kapag pala bumili ka ng muriatic acid sa mercury drug ay hahanapan ka ng ID. ito dapat ang ilalagay ko sa "what i have learned recently" sa blog ko. nagpabili kasi ang housemate kong si bluekessa noong friday dahil nag-clog iyong kitchen sink namin at hindi dumating iyong plumber. so noong nagtanong na ako sa mercury drug, hinanapan muna ako ng ID. dalawa lang iyan eh: iniisip ba nila lalaklakin ko iyun at magpapakamatay ako o baka aattend ako ng kasal at isasaboy ko iyong asido sa mukha ng bride? wow. nasobrahan na yata ako sa pagbasa ng komiks noong bata ako at ito ang naiisip ko.
so may umiinom ba talaga ng muriatic acid? eh noong binuhos namin sa lababo, medyo umusok pa nga ata iyong lababo eh. pramis.
***
kakatawag lang sa akin ni direk J. may movie daw kasi na inoffer sa kanya ang star cinema. confused daw siya tuloy, kasi nga gagawa din ata siya ng movie sa gma films. sabi ko ang haba ng buhok niya, pinag-aagawan siya ng dalawang kompanya. meron pa yata sa regal at sa isa pa. binalita niya rin na masaya ang lovelife niya. sabi ko, buti naman at pinagpapala sya ngayon. dati kasi, medyo nalulungkot siya kasi feeling niya walang nangyayari sa career niya at di na-a-appreciate ang mga ginagawa niya. ngayon, bumubuhos ang grasya sa kanya. imagine, isa na siyang award-winning director pero ganyan pa rin ang nararamdaman niya. how much more ang isang baguhan at di sikat na scriptwriter na tulad ko? basta isipin ko na lang, darating din ang time ko. bubuhos din ang grasya sa akin!
***
siguro alam na ng iba sa inyo na naudlot na iyong bagong show ko. hindi naman talaga siya bago. matagal na siyang nandoon pero inoffer lang sa akin na makasama sa writing pool. kaya bago para sa akin. ewan anong nangyari, basta na lang kinuha sa akin iyong episode na dapat isusulat ko at ayun, ipapalabas na siya sa april. iba na ang nagsulat, syempre.
di naman ako bitter-bitteran. isipin ko na lang na may mas magandang darating... haaaay. sabi nga ni direk j kanina, "be positive. pag-gising sa umaga, magpasalamat for all the blessings, and think that it would be a beautiful day. and bago matulog, magpasalamat uli... kapag positive ang ginagawa at iniisip mo, you will attract positive things. iyan ang nasa libro at dvd na THE SECRET."
***
i just wrote a script for your song. wow, binigyan uli ako after two months. di nga kasi ako binigyan ng assignment para daw mag-concentrate ako dun sa show na hindi naman natuloy ang pagbigay sa akin. basta ginawa ko na lang ang best ko na mapaganda ang episode ko na iyon. at inspired ako dahil favorite actor ko ang bida! :) tapos, ang ganda pa ng song. salamat sa barkada kong si edward sa pag-send sa akin ng mp3 noong kanta. may utang akong kape sa iyo!
***
may ino-offer na singing lessons ang kompanya namin. part ng summer workshop. "discovering your singing voice" ang title ng workshop, 18 sessions tapos P6,000 ang fee. pwedeng salary deduction ang bayad. i am so tempted... sabi ko kasi, kapag kumakanta ako sa videoke, dinadaan ko lang sa confidence, hindi sa boses. gusto ko naman matutong kumanta... hehehe
***
baka di na muna ako makakasulat sa blog ko. uwi ako ng davao sa friday. ten days ako doon. asa pa na magkakaroon ako ng time na mag-internet at mag-blog. unless may super exciting event na mangyari...

3 comments:

rina said...

dito sa katabi naming building may dance studio. tempting, pero sa kasamaang-palad e wala talaga kong talent sa performing arts whatsoever. come to think of it, hindi ko alam kung anong talento ko, he he

Anonymous said...

wow... i really miss davao, and penongs! hahah..balik ako ng oct don.. wheheh... ubos talga ang mga VLs..

yngats and enjoy!-lushlips

Tiradauno said...

Gusto mo ba ng online work?
Earn while you enjoy time with your Family & Lovedones!
Email me: tirada_uno_23@yahoo.com / tiradauno@gmail.com / n.helphelphelp@gmail.com
Contact Number: 09465046302
For more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/