Thursday, March 29, 2007

handa na ba akong mag-sisig?

handa na ba akong mag-sisig?

iyan ang tanong ko sa sarili ko bago ako magpabili ng lunch sa messenger namin kanina. kasi, ang tagal ko na rin hindi nagsisisig. as in ilang linggo na. ang hirap ng tumatanda, dami mo na kailangan iwasan at bawasan.

ang tagal ko na rin hindi nagkakape. dati, araw-araw ako kung magkape. minsan nga twice a day pa kung may magyaya ng kape sa hapon. kaya ako nagpa-palpitate eh. pero kaninang umaga, wala lang, ang ganda kasi ng umaga ko eh. kakarating ko lang sa opisina, may magandang pangyayari na agad. so napakape ako. to celebrate. nyehehe.

so bago ako mag-decide kung ano kakainin ko for lunch, tinanong ko muna sarili ko. "nagkape na ako. tapos kakain ako ng sisig. kaya ko ba? handa na ba akong magsisig?"

malamang, pagsisisihan ko ang pagsisisig na ito. wow, tongue twister ah. sige nga. pagsisisihan ko ang pagsisisig na ito. pagsisisihan ko ang pagsisisig na ito.pagsisisihan ko ang pagsisisig na ito.

***

paalam, bukas ang alis ko
bukas na nga ang flight ko pauwi ng davao. hindi pa ako tapos mag-empake. kumusta naman iyun? may meeting ako tonight sa abs for my script. may meeting din ako bukas ng hapon for june episode. i need to be at the airport before 6pm. good luck talaga sa akin. haaay, kung puwede lang sana mag-leave sa opisina ng umaga. kaso, ngaragan ever. dami kailangan tapusin at ayusin bago ako umalis kasi 10 days din ako mawawala.

***

pagbalik ko ng office sa april, last day na noong isang writer ko. then after three days, effectivity naman ng resignation ng boss ko. iyong isa ko pang writer, nag-a-apply na rin sa iba. haaay, lahat na lang sila nag-aalisan. ako na matagal na gusto umalis, andito pa rin. may problema talaga ako sa pamamaalam. ang hirap gawin. haaaay talaga. malakas lang ang loob ko mag-goodbye kapag alam kong babalik din ako. pero iyong goodbye na wala ng balikan? iyong poreber sara na ng pinto, yun ang mahirap gawin for me...

***

one month na bukas... iyun lang, kailangan ko lang sabihin iyun. maaaring may idea kayo kung ano iyun, maaaring wala pero... one month na bukas. shet, nakaya ko.

***

matapos ang pagtitimpi at mahabang pag-iisip, nag-sisig din ako.

"akala ko ba ayaw mo na ng sisig?" tanong nung writer ko noong makita niyang sisig ang ulam ko.
sagot ko, "eh paborito ko ito eh. mahirap kalimutan ang bagay na nakasanayan mo. talagang hahanap-hanapin mo..."

sana hindi ko pagsisihan ang pagsisisig ko...

3 comments:

rina said...

congratulations sa one month! at sana literal na sisig lang ang pinag-uusapan natin dito, he he...

blueskies said...

sana makarating din ako sa davao. hanggang pictures na lang lagi eh.

one month, matagal na rin pala. ang mas maganda dun, nakayanan mo rin. :D

okay lang naman siguro kumaing ng sisig at mag kape basta ba in moderation lang. :)

lumipat na rin ako sa blogger. :D

waterfowl said...

kung matino akong friend sasabihin ko, wag ka na mag-sisig ever again. pero nage-gets kita eh. masarap mag-sisi, este, mag-sisig pala, the same way na masarap ang spanish sardines para sa 'kin. haha :)
basta, try din tayo ibang putahe whenever we can. pero ba't ganu'n, sinusubukan kong magtry ng iba pero parang olats pa rin? hinahanap ko tuloy yung nakasanayan.

na-miss lang kita, yun lang ang point ko. :)