Friday, April 27, 2007

nagpaparamdam

exactly a month after we last saw each other, nagparamdam ka.

kung bakit naman kasi dinelete na kita sa ym pero di kita blinock. kaya ayun, nakuha ko iyong ym mo. pwede ko naman dedmahin, gaya ng ginawa ko noong huling araw na nag ym ka at di ako nagreply pero i opted to send a reply. kasi, the night before ka nagparamdam uli, i was planning to send you an email. i was going to tell you na i wanted my dvds and my shirt back, and was going to ask you how i could get them.

so i replied. kahit labag sa loob ko, i chatted with you.

"nagtatampo ka na naman..." ang una mong sinabi. parang gusto ko pumasok sa screen at kutusan ka. hello, don't you get it??? tampo? it was more than tampo. oo, alam ko madalas akong magtampo at madalas kitang awayin dahil sa simpleng bagay, tulad ng di mo pag-reply sa text message, o di natutuloy ang plano natin, o kapag di ko nakukuha ang gusto ko, pero itong nangyayari sa akin ngayon, hindi lang pagtatampo ito. hindi mo ba gets? i am actually trying to live my life without you.

"doesn't he get it na i need to detach myself from him to stop hurting?" tanong ko sa isang malapit na kaibigan. buti nga hindi ka niya inaway uli tulad ng ginawa niya sa iyo noong december, when she confronted you about our situation. sabi ko kasi sa kanya tama na, wag ka na awayin. alam ko sobrang nasaktan ka nun sa mga sinabi niya at ayoko maulit iyun. tingnan mo, ang gaga ko talaga, iniisip ko pa rin na wag ka masaktan, kahit na ako itong sobrang lugmok na sa mga nangyari sa atin...

nag-wa-ym ka na parang walang nangyari. you are taking it so casually. habang ako, malapit na madehydrate kakaiyak. hindi mo ba gets yun? or ayaw mo lang aminin sa sarili mo na sobrang sakit ang nadulot mo sa akin? ayaw mo lang lumabas na bad guy.

"para sa akin, friends pa rin kami...ewan ko lang kay noreen," sabi mo sa kaibigan ko. how can i be friends with someone who caused me tremendous pain? with someone who took away my laughter? with someone who almost ruined my life, kung naging mahina-hina lang ako? hindi mo pa ba gets kung bakit ko pinadala sa iyo dati ang mp3 ni nina na "i dont wanna be your friend?" kailangan ko pa ba maglagay ng billboard sa tapat ng bahay niyo to make my message clear?

please... ayoko na umiyak. pagod na ako. i am missing my old bubbly self. i miss hearing my laughter (iyong totoong tawa at hindi puro pretensions). i am tired of this pathetic noreen na wala ng ginawa kundi mag-senti, at magsulat tungkol sa iyo. gusto ko na uli mabuhay ng normal.

oo, i admit, madalas, nami-miss kita. and that part of me hopes na sana, makasama kita uli just like before. kaya nga may mga times na gusto ko iuntog ang ulo ko sa pader o kaya salubungin ang bus sa ayala para lang di na kita maisip at ma-miss. may mga times na gusto ko matulog ng sampung araw tapos pag gising ko, nabura na lahat ng alaala ko sa iyo, babalik ako dun sa panahon na hindi pa kita nakilala.

pero sabi ko nga, we cant help what we're feeling, but it's how we deal with these feelings that matters. wala na ako magagawa kung mamiss man kita, nandiyan na iyan eh. basta ba alam ko na hanggang doon na lang. kaya ko naman pigilan eh. kaya ko sabihin sa sarili ko na hindi tama na nalulungkot ako sa pagkawala mo. sinasabi ko na lang, mas magiging miserable ako kung ipagpapatuloy ko pa ang pakikipagkita sa iyo. mas masasaktan lang ako...

so ano point ng entry ng ito? wala, gusto ko lang ilabas lahat ng sentiments ko kasi ambigat sa loob eh. baka sakaling mabasa mo ito at ma-realize mo na mas matutulungan mo ako mag move on, kung hindi ka na magpaparamdam. pero, bago iyon, soli mo na muna iyong t-shirt at mga dvd ko na hiniram mo.

12 comments:

Anonymous said...

Naku Noreen, sana maka-move on ka na nga. Ano ba yang sisig na yan, makulit at medyo may pagka-dense din ano (inalipusta ba?). Pero, tulad nga ng sinabi mo, you should know better. Kung ako sa'yo, wag mo nang kunin yung DVDs at shirt mo. Gagawin mo lang excuse 'yon para magkita kayo. Gayahin mo na lang si Ugly Betty nung sinabi nya sa ka-MU niya na, " They can't be friends anymore." Take care, Mabel

rina said...

nampucha ang dense naman nya... pick somebody smarter next time no!

at honga, hayaan mo na yung DVDs sa kanya, marami nyan sa makati square.unless it's some hard to find one like, let's say, the BBC mini-series of Pride and Prejudice, in which case I say, why did you even let it out of your sight, you silly, silly girl??

Vanessa Carla said...

hey, sige lang ilabas yang sama ng loob...pero wag mo na kunin mga stuff mo sa kanya...por favor.


he is really bad to your health. need to cold turkey this time. or kungpwede nga, rehab ka na sa kanya.

Anonymous said...

be strong.stay away :) STAY AWAY. time heals all wounds indeed. after reading this entry i was also enlightened on my own plight.we would never understand how someone could hurt people that much no? it's amazing...maybe because we let them hurt us :) let's not ;) pray alot.it helps..it really does help..trust me on this one...have some pride and everything will be alright...

Anonymous said...

definitely same status tayo... maybe try more on 'mind over matter'... forgive and forget! be strong... - lujille kim

noreen said...

MABEL, hay naku, sinabi mo! soooobrang dense! sayang kasi iyong shirt eh -- Nike un, hehehehe

RINA, tatlong pirated DVDS at may dalawang original na VCD dun eh. sayang :)

VAN CARLA, hanubayan, lahat kayo, sinasabi wag ko na kunin iyong gamit ko. waaaah, sayang kasi eh. :(

ANONYMOUS, kilala ba kita? isa ka ba sa kaibigan ko na same ang pinagdadaanan sa sitwasyon ko? para kasing iyong sinabi mo, parang sinabi sa akin ng C at ni S. :)

L KIM, mind over matter nga lang iyan.. haaaay

Anonymous said...

miss noreen, awayin mo siya! tama na ang pagkamartyr. girl power lang!

loraine said...

isipin mo na lng na yung dvds at shirt ay parang si SB mismo - "sayang pero kailangang i-let go".

marami paraan para magkaroon ng bagong SB este shirt at DVDs. =)

Anonymous said...

ate noreen, isipin mo lahat ng ginawa nyang panget sau. lahat!

wag mong isipin na kawawa sha pag inaway sha ng fwends mo, concerned cla sau at ayaw k nilang masaktan. cla ang tagapagtanggol mo.

always keep ur self busy... maganda ang career pag walang istorbo sa love life :)

stay happy.

- lushlips

Anonymous said...

- lushlips ulet... add kita sa mulitply ha...

mwuah!

noreen said...

ANON, hahaha... kung pwede ko nga lang awayin, gnawa ko na, kaso... hwag muna ngayon :)

LORAINE, sge tatambay na lang ako sa quiapo, baka maraming dvd dun...

LUSHLIPS, surely, invite mo ako, accept kita :)

Anonymous said...

miss noreen, bakit mo tinanggal yung bastos na entries! aliw pa naman. btw, i think i know kung sino ka dun. bad ka ha! obvious kasi you actually wrote about it in one of your entries so alam kong ikaw un! -- KALAN