Monday, April 23, 2007

puwede kaya?

puwede bang matulog ako ng matagal tapos pag-gising ko okay na lahat? iyan ang YM status ko kaninang umaga. kakatawag lang kasi ng EP ng show... akala ko tapos na ako kay john lloyd. hay, di pa pala. bukas ng umaga deadline ko. sana puwedeng matulog lang ako tapos dun na ako gumawa ng script sa panaginip ko, para pag-gising ko, isa-submit ko na lang. puwede kaya yun?

***

today is april 23. exactly 10 years ago, nag-break kami ng boyfriend ko, kasi sabi niya, "may aayusin lang ako." he also told me, "babalikan kita, di pa tayo tapos." ang siste, nakabuntis pala ng iba ang hindot! so ayun, kinasal siya at oo, binabalikan nga niya ako pero hello? anu iyun? gusto niya ako gawing kerida?

last year, inaway ko si sb... first away namin. galing kaming cavite nun. april 23 din un. dun pa lang eh, malinaw na senyales na hindi talaga siya para sa akin, makulit lang ako.

tapos, this year, ayun, "inaayos niya rin ang buhay niya." di nga lang ako ang kasama niya...

ang galing... kasi ang boyfriend ko at si sb... pareho ng pangalan. pati spelling. sabi nga sa akin ni bespren bim, malas sa akin ang pangalang iyun. sa susunod siguro na may makilala akong ganon ang pangalan, tatakbo na ako palayo.

***

grabe, nine years old na ang anak ng first boyfriend ko! grabeee! ako, pakiramdam ko, malapit na sumurender ang matris ko. gusto ko kumanta muna ng "dont give up on us, baby..."

***

tinanong ako ng writer ko kung sumali ako sa palanca this year. sabi ko, hindi kasi wala akong time. "dapat sumali ka kasi ang dami mong pain ngayon... ang tindi ng emosyon mo." sabi ko, "next year na lang, iipunin ko iyan..."


***

"minsan, gusto ko matulog ng matagal tapos pag-gising ko, sana patay na siya," ito naman ang sabi sa akin ng isang kaibigan tungkol sa ex boyfriend niya. tinanong niya ako kung naranasan ko na bang magmahal ng sobra na gusto ko na patayin iyong lalaki. sabi ko hindi pa naman.

pareho kami ng pinagdadaanan lately nitong kaibigan ko na ito. parellel lives. magte-text kami sa isa't isa kapag kailangan namin ng support.

sya: miss ko na siya. gusto ko siya i-hug.
me: wag na. hamo siya, gago sya.
sya: oo nga, sana mamatay na siya...
me: wag ganyan, be positive dapat... wag kang magwi-wish ng masama.
sya: o sige, sana mabuhay siya pero miserable naman...


me: alam mo, ang karma ngayon, naka-fed ex na, mabilis
sya: sana ang karma parang western union, pwedeng ipadala online...
me: sana nga, no? pwede kaya yun?

***

walang kwenta ang entry na ito. kailangan ko lang i-commemorate... 10 years ago, my ex boyfriend broke my heart. after 10 years, isang kapangalan niya, na hindi ko naman boyfriend, ang nagpaiyak na naman sa akin. pero kahit hindi naging kami ni sb, pagsama-samahin man ang ibang lalaking dumating since 1997 (si N, tapos si D, tapos si E, tapos si M, tapos isa pang M...) in the span of 10 years, walang papantay sa sakit na pinagdadaanan ko ngayon.

pero, i'll get by. ako pa. si noringai ata 'to... atapang na tao. :) alam ko, i am on my way to recovery na. it's just a matter of time.

6 comments:

rina said...

kaya pa ng matris mo yan, noringai! wag kang magg-give up!

wala rin kwentang comment, ha ha! patulan na kasi si duval e :D

Anonymous said...

just call me lujille kim... sinubaybayan ko story mo... since last year... parallel stories natin even how it ended. i hope we could talk can we be virtual friends thru YM?

waterfowl said...

noringai!
hug kita!!
mishu na, lola.
wish ko lang makapagkape talaga tayo minsan.

noreen said...

RINA, tse! tigilan na kasi iyang panunukso.:P

LUJILLE, leave your email addy and i will drop you a note ;)

ROSE, mishu na rin, grabe!

Vanessa Carla said...

never give up...
eto po, isang hug para sa inyo.

alam mo, i feel marami rin akong maikwento sa iyo. marami ring tanong na bumabagabag sa akin...feeling ko ikaw yung makakaintindi...

but in any case, marami ka pa rin napapasaya with your writing. keep it up!

-vani

P.S. don't mind the long name ha. that's my google acct. ayoko pang palitan kasi medyo may special memory yan eh. hehehe.

Anonymous said...

lujille here... wahhhh! bad day today. sana ndi ko na lng sya makita. alam mo un. eto ka trying to move forward, trying to be ok and hell! u'll see him... with someone else. :( its been almost 12 agonizing months... when will this end. where is our happy ending?