Wednesday, April 11, 2007

sorry

sorry kung masyado akong senti lately. we all have our ways of coping with depression. others resort to drugs and alcohol... while some seek comfort in anti-depressants. ako, i usually binge. or buy shoes. or sing in videoke. pero lately, mas effective ang mag-emote. magsulat sa blog at magpakasenti.

sorry kung isnabera ako minsan sa ym. because of my previous post, ang dami nagtatanong kung ano talaga nangyari. ang dami gustong malaman ang detalye. ayoko na muna pag-usapan. plus, busy lang din talaga ako.

sorry sa ibang blogger friends ko na hindi ko na nabibisita ang blog (dahil nasa blogcity ang link at di ko pa nalilipat dito). pero iyong iba naman, nababasa ko regularly blogs nyo. di nga lang ako makapag-leave ng comment (lalo na sa mga blogspot) pero updated naman ako sa nangyayari sa inyo.

at sorry, kung hindi ko masasagot ang ibang tanong niyo tungkol kay sb. at kung hindi malinaw kung ano talaga ang nangyari. magkukuwento na lang ako kapag handa na ako...

***

lately, hindi ako nakakatulog. nagiging insomniac na yata ako. toss and turn lagi. tapos, kung makakatulog man ako, magigising naman ako ng madaling araw, at di na makakatulog uli. the only time na nakakatulog ako ng mahimbing is whenever i cry myself to sleep. iiyak lang ako tapos, makakatulog na ako... at magigising na lang ako na umaga na.

last night, ka-text ko ang high school best friend kong si ching.

ching: sana makatulog ka ng maaga ngayon :)
me: may karugtong iyun... sana, makatulog ako ng maaga ng hindi ko na kailangan umiiyak.
ching: u think u'd cry urself to sleep tonight?
me: di mo naman masasabi iyun, eh. d b, it will just hit you. maiiyak ka na lang because you heard a song, or you remembered him, or saw something that reminded you of the good times.

a few hours after that text, nakatulog ako ng mahimbing... :

***
lunch time kanina, ka-YM ko na naman si ching.

me: ang sarap ng ulam ko... alimango!
ching: so yung alimango na dapat para kay sb, ikaw na lang kumakain?

sb loves alimango. and everytime galing ako davao, may dala akong alimango. dapat bibigyan ko siya pero hello? after what happened? hindi na siya makakatikim ng alimango ko! (oo, may unwholesome innuendo un. :P)

***
sorry sb... sabi ko, i'd stop writing about you na sa blog ko. ang dami na may alam kung sino ka, ang dami na nating common friends na nakakaalam sa kuwento natin at nagbabasa sila ng blog ko... pero, this is how i cope. this is how i cope with the pain you caused me...

sorry din kung nagsinungaling ako sa iyo the last time we talked. sabi ko okay lang ako. sabi ko, hindi na ako iyong same girl noong december. na tanggap ko na iyong nangyari. i lied. hindi ako okay. pero i know i will be... kaya sana, naiintindihan mo kung bakit hindi ako nagre-reply sa mga sms/ym mo...

2 comments:

blueskies said...

okay lang maging senti. sabi mo nga kanya-kanyang ways na lang din mag cope. kung ano nakakatulong, yun dapat gawin diba? :)

noreen said...

yup, it's actually therapeutic... nakakatulong talaga :)