Sunday, May 20, 2007

all i really need to know, i learned from facial...

if youve been following my column in peyups, then maybe you are familiar with the things i learned from kakikayan and lessons learned from shoes. pati na rin iyong entry ko na lessons i learned from taxi in my previous blog.

last weekend, i learned something new again... this time, from that painful derma procedure called... facial.

pinakamasakit sa ilong

for someone na mataas ang threshold sa pain at sanay na supposedly sa facial, hindi ko alam kung bakit extra sakit ang pagfa-facial na ginawa sa akin noong sabado. lalo na sa parte ng ilong, kung saan pinakamasakit, in my opinion. sa ilang taon ko pagpapa-facial, noong sabado ko lang na-experience iyong gusto ko na sumuko.

i told my attendant, "hwag mo na lang tanggalin iyun sa ilong!"

"ano ka ba, dun nga marami eh," she snapped. (oo, close na kami noong attendant at kaya niya akong pagalitan.)

i uttered a mild cry and said, "masakit eh..."

she then said, "mam, kapag di natin tinanggal iyan ngayon, lalalim iyan at mahihirapan tayong tanggalin sa susunod. mas masasaktan ka..."

hindi na ako nakasagot. i knew she was talking about the white heads in my face pero ewan, parang iba ang dating sa akin. oo, may konek sa something... several months ago, i refused to let go of someone because it was painful but i never realized that holding on would only make things more difficult. "mas mahihirap tanggalin kasi lumalim na. mas masasaktan ka..." kung bumitiw na agad ako noong april pa lang last year, noong naramdaman ko na that the thing with this person was going nowhere, sana hindi na lumala ang lahat. alam ko naman na sooner or later, i had to let go, pinatagal ko pa. mas nahirapan tuloy ako.

lesson learned: kung alam mo na that you have to get rid of something or someone, huwag mo na patagalin pa. kahit na masakit, gawin mo. kasi, kapag pinatagal mo, mas lalo ka lang mahihirapan mag-let go at mas lalo ka lang masasaktan. don't prolong the agony. do it now. oo, masakit man, pero alam mo naman na either way, masasaktan ka lang kaya wag mo na patagalin.

kapag nakaya mo sa ilong, kaya mo na lahat...

kahit na sobrang sakit na iyong sa bandang ilong, at kahit tumutulo na luha ko sa sakit, tiniis ko. inisip ko na lang, "matatapos din ito." at noong natapos nga ang sa ilong at prini-prick na nya iyong sa chin at cheek ko, hindi na ako masyado nasaktan. iniisip ko na lang, "kung iyung sa ilong nga, nakaya ko.... wala ito."

lesson learned: totoo pala na you really do get stronger kapag nalampasan mo ang isang bagay na you never thought you'd get through. kasi maiisip mo, "ive been through worse, i can handle this..."


time heals the pain

a day after ako nagpa-facial, wala na iyong kirot. okay na ako uli. ready na uli ako magpa-facial next month. ganun lang naman talaga ang buhay di ba. kung gusto mo gumanda, kung gusto mo ng malinis na mukha, then tiisin mo ang sakit. ginusto mo iyan eh. pero may kapalit naman ang sakit na iyun. ilang araw lang, okay ka na uli. at handa ka na magpa-facial uli.

lesson learned: iyong nangyayari sa akin ngayon, para lang akong fina-facial. sa ngayon, para akong tinatanggalan ng white heads sa ilong. masakit. naiiyak ako at gusto ko na mag-give up pero kinakaya ko. iniisip ko na lang, lilipas din ito. kapag nalampasan ko ito, i will be stronger. and i will be okay. then i will be ready to fall in love again.

4 comments:

kHitee` said...

Awww.. Pagkokonek nga naman. Galing. Uu nga ate, u just have to bare the pain. Tutal in the end magbubunga un. Hai i wonder kung masakit din pag nagpafacial ako. LOL.. ΓΌ

omlet said...

lupit ng koneksyon! ;o i so enjoy reading ur blog na minsan eh ayoko ng buksan dahil sa mga koneksyon?! nyahahahaha, thanks for sharing some "personal" stuffs.. God bless

ppermint said...

masakit po talaga sa ilong ..PRAMIS!!!well, that's right, endure the pain today, tomorrow will be a better and more beautiful nose..este...you..or morning..ah, basta..i do hope u r OK :)mwah

Anonymous said...

hi noreen, frequent visitor ako ng blog mo.
natutuwa ako lagi at natuto.

panalo ang post na ito. nasaktan din ako pero eventually, naging Ok din.

Cheers!

alaL