Wednesday, May 9, 2007

ang bedmates ni noringai





yup, i sleep with all of them, plus the four fluffy pillows. since december, tinambak ko silang lahat sa kama ko so i wont feel the void and miss someone. at dahil sa umaapaw ang kama ko with these, madalas, one or two of them would end up on the floor tuwing umaga.

so i have four garfields -- isang cowboy garfield, dalawang masungit garfield at isang ulo lang ni garfield.
iyang teddy bear na iyan, bigay yan sa akin ng nanay ko kasi teddy bear daw niya iyan noong nasa US sya (ang labo ng nanay ko, may teddy bear!) at pinasa na niya sa akin. puti siya dati eh, pero dahil sa four years ko na siyang yakap-yakap, ayan, naging grey na siya. recently ko lang na-realize na wala pala siyang pangalan so bininyagan ko na lang siya ng -- greys. parang meredith grey. hehe

iyang pink na baboy, si baby anonas (kasi sa anonas ko siya nakita) pero ang tawag ko, baba. two months pa lang siya sa akin.

at siyempre, sinong di nakakakilala kay teddy? bigay siya sa akin ng friends ko from abs. at dahil siya ang pinakamaliit sa lahat ng bedmates ko, siya ang kasama ko mamaya hanggang sabado, kung saan makikitulog ako sa hotel na tinutuluyan ng high school friend ko from davao.

na-miss ko bigla si olabs, iyong kauna-unahang stuffed toy na natanggap ko. isa siyang palaka. kaya olabs kasi ang nagbigay noon ay dating boylet, si o. tapos, dinagdagan ng mga kaibigan ko ng my labs ... ayun, naging olabs.

hindi ko na alam kung nasan na si olabs ngayon, kasi naman, iyong nagbigay nun, dapat ng kinakalimutan... (di naman ako bitter niyan!)

***

was chatting with my barkada, allen, a while ago. kinumusta niya ako. i proudly told him na more than three months na akong di nagyoyosi...

"ayan, pwede ka na uli magyosi," he said.
"ayoko, bagong buhay na ako..."
"three months pa lang naman eh. dati nga, almost a year, balik ka rin sa pagyoyosi..."
napaka-supportive talaga ng mga kaibigan ko, grabe!

***

muntik na akong bumili ng laptop kagabi... muntik! pano, may bago akong card. haha. shet, mababaon na ako sa utang nito.
sabi sa akin ni dan, tandang-tanda pa daw niya noong nasa shakeys kami nina jan, tapos first time kong gagamitin nun ang kauna-unahang card ko. ngayon, shet... tatlo na sila, tapos ang daming tumatawag para mag-offer pa ng additional cards. nyehehe
natatandaan ko din noong panahong nag-a-apply ako ng card tapos nirereject ako. tatlong beses ata ako na-reject noon, di ko alam kung bakit eh okay naman na suweldo ko nun. ngayon, sunod-sunod na sila kung dumating.
sabi ko nga sa isang kaibigan, ang credit card, parang pag ibig. mahirap talagang makakuha sa umpisa pero kapag andyan na, magsusunuran na ang iba... haaay, wish!
wala na naman akong matinong entry. just taking a break from editing. ayan, may gana na uli ako magtrabaho... back to work na. :)
(ym status ko: i wanna be sedated... paulit-ulit ko pinapakinggan ang kanta na yan ng ramones. shet, i really want to be sedated... lol)
(pahabol: parang magkaibang tao ang nagsulat ng entry na ito at noong previous entry na senti, no? pero sanay na mga kaibigan ko diyan. alam nilang marami akong personalities...)

5 comments:

Anonymous said...

Naku,isang card lang dapat ang kunin mo. Wag kang magpaloko sa mga credit card companies na 'yan. Dahil may tatlong cards din ako dati (nung nandyan pa ako sa Pinas) at halos magkanda-kuba lang naman ako sa pagbayad. Pero nasa sayo na rin yan. Oo nga pala, anong yahoo IM ID mo? Puwede kitang i-add sa list ko?
:)Mabel

kHitee` said...

Oi i like that PINK Pig Stuff u have! ΓΌ

noreen said...

hello, MABEL. leave mo na lang ym mo at ako magwa-YM sa iyo. :) sorry ha, maarte ako eh. hehehehe

KHITEE, ako din paborito ko ngayon iyong pink baboy na yan. ;)

rocelyn said...
This comment has been removed by the author.
rocelyn said...

ayeee... cute2x ni Garfield. ^-^