Wednesday, May 16, 2007

ang pagbabalik

a couple of weekends ago, my friends and i decided to go back to UP. wala lang, na-miss lang namin ang mang jimmy's. kaya dumayo kami sa diliman para mag-lunch. after namin magpakabundat sa tapa mix, sisig, pusit at tuna, we went here... kung saan nagwala si noringai at nagpa-picture. kung di lang masyado mainit, handa akong gumala sa campus. kaso, hindi makatao ang sikat ng araw. i miss UP ... grabe...


***
mula ng bumalik si wendy sa bahay ni kuya ay di na ako nanonood ng pbb. samantalang dati, hooked ako doon. ngayon, hanggat andyan si wendy, ibo-boycott ko muna ang show ni kuya. i told direk how i am hating the show na, and prodded him to write an article about it. ayan na nga, kahapon, he told me that he already submitted an article sa newspaper. "this is all your fault," he said noong tinawagan niya ako. he sent me the article last night, before he submitted it online. kaloka ang article! sana ma-publish na this week. lagot si kuya!


***
napansin ng blog buddy, textmate at stalker (nyahahaha) ko na si michiepie na nawawala na ang song of the moment, quote for the day at what i learned recently sa mga blog entry ko. mula kasi ng lumipat ako sa blogger, hindi ko na sinasama iyun. kaya sige na nga, heto, ibabalik ko na...

Song of the Moment: If I could escape, and recreate a place that's my own world / And I could be your favorite girl, perfectly together, and tell me boy now wouldn't that be sweet - Sweet Escape by Gwen Stefani

Quote for the Day: "Sometimes, you have to try not to care no matter how much you do. Because sometimes you can mean nothing to someone who means everything to you," forwarded text message sa akin ng HS best friend ko. (may gusto ka sabihin, ching? :P )

What I learned Recently: Si Mark Twain ang kauna-unahang American writer na nagsulat ng novel gamit ang typewriter. Karamihan sa mga writers noon, gamit ang longhand. Hindi pa man lumalabas, may mga naka-plano ng shows para sa ibang housemates sa PBB. May spoiler akong nalaman sa Heroes... namatay na daw si ... yun! :D

7 comments:

johann said...

ako, kahit every thursday evening at whole day saturday dahil sa grad classes, nakakamiss pa rin ang UP. iba talaga ang hatak ng peyups.

ako din, natutulog na lang ako ng maaga. damned wendy! siguro narealize ng dos na walang silbi ito sa labas kaya pinasok na lang ulit. utang na loob, pinalabas na nga, binabalik pa nila. ayan tuloy, sumasama na ang tingin ng madami kay direk lauren!

btw, miss noreen, nakita ko si john lloyd sa astoria (ka-street lang kasi ng aking workplace ang astoria plaza). naka-bmw sya tapos mukhang me hinatid--kamukha ng girlfriend nya. una akala ko di sya, pero sabi ng officemate ko, sya daw yun. ayun, skl.

sige, buyuin mo pa si direk joey *evilgrin*. dapat me makarating talaga kay kuya. tapos post mo dito sa blog mo!

btw, am transferring blogs. caffeinejunkie-xp.blogspot.com na po ako.

(grabe, mahal ko na ang blogspot once i learned na pwede kang magpost ng pictures straight from your computer. di mo na kailangang iupload sa photobucket!)

kHitee` said...

I miss UP din. Hehe.. I mean b4 kasi lagi ang nakikigamit ng library dun e. Once ko kasing pinangarap magaral dun. LOL. ü

Hmmm i wonder kung about san ang article. Kahit ako sobrang nabwisit ng magbalik si Wendy. Sobrang ayaw ko sa babaeng un. Ewan ko ba! Cant wait to read it. Haha.. ü

Uu nga e. Kamiss na ung mga "song of the moment mo", "Quote for the day", at "what ive learned this day". Buti binalik mo.

Anonymous said...

anong paper lumalabas ang column ni direk?

noreen said...

JOHANN, hay oo, si JLC nga un! tsinita ung GF? :) regarding the article, pang-ookray sa PBB un. lagot talaga si kuya. :D

KHITEE, kairita talaga si wendy. as in. three days na ako di watch PBB. (at oo, you can link me sa blog mo. ano url mo?)

ANON, lalabas bukas sa INQ ang article... abangan! :)

Anonymous said...

Naku, bigla kong na-miss ang UP nang mabasa ko ang blog mo. Last time ko sa UP ay nung UP Fair'05 (first fair ko considering na 7 years akong nasa UP- undergrad at grad).

Ngayong hanggang pictures na lang ako... Hay buhay!

:) Mabel

p.s. sinimulan na ba nila yung UP Centennial Walk? Ang mahal naman kasi nung donation (pag dollars- $400).

miann said...

Hi po. About Wendy, di po kayo nag-iisa.. Marami pong nawawalan ng gana sa pagbalik n Wendita.. Sawang sawa na kami sa kanya.. We were so happy na na-out siya tapos ibababalik nanaman? Naku. Tapos over-exposed na si Wendy. I mean every episode hindi siya nawawalan ng moment.. Hello Big Brother? Hindi ka pa ba nagsasawa? Kami sawang-sawa na. Nagiging PBB: Weindita Edition na ito. >(

btw,nabasa na po namin yung article ni Direk Joey (it was posted on a forum) and we are so happy na at least may nagsalita narin about sa mga kina-aayawan namin sa PBB.

Thank you po and God Bless.

noreen said...

MABEL, ay di ko alam ung centennial walk although i heard about it na, di ko alam kung nasimulan na... di ko napansin :)

MIANN, peyups forum ba ang tinutukoy mo? ;)