Wednesday, May 2, 2007

may kabastusan

(eight hours after na-post ang entry na ito, dinelete ko siya kasi sabi ng isang kaibigan, ambastos daw ng dating. kaso, iyong ibang nakabasa na, they wanted to have this entry back. kasi nga, fun naman daw. at aliw. sabi pa ng isa, para naman may ibang twist ang blog ko, kaya heto, binabalik ko na... pasintabi na lang sa mga conservative. hehehe)

sinasabi sa scriptwriting workshop na isang elemento ng magandang eksena ay ang dialogues. dapat ay natural ang linya. iyong kumakagat. iyong kahit simple lang, or one-liner lang, tatagos na.

may mga panahon na puwedeng pang-TV o pelikula ang mga pakikipag-usap ko sa mga kaibigan, katrabaho at kasamahan sa loob at labas ng network. o kahit iyong mga naririnig ko lang sa ibang tao.

at dahil sa likas akong writer, ang iba sa mga real conversations ay sinulat ko sa journal ko. wala lang, baka lang magamit ko one of these days. who knows, di ba?

so heto, ishe-share ko lang ang mga tunay na usapan na naranasan ko o narinig ko lang sa iba. medyo may kabastusan at maselan iyong ibang lines, kaya hindi ko na sasabihin kung sino ang mga nandoon. di ko na rin sasabihin kung kelan nangyari ang mga ito, basta... :) (sensya na sa mga kaibigan ko na napasama sa koleksyon na ito... hidden naman identities nyo eh)

***

while waiting for the meeting to start, nag-uusap kami nina co-writer 1 at co-writer 2.
co-writer 1 asked co-writer 2, "anong ginawa mo noong holy week?"
sagot ni co-writer 2, "chumupa!"
at naloka si noringai!

after three hours of meeting, co-writer 3 asked co-writer 1, "san ka noong holy week?"
co-writer 1 answered, "sa bahay lang, nagbati!"
noringai screamed, "ano ba!!! kakatapos lang ng semana santa!"

***

a girl was telling her friends na hanggang make out lang sila nung ka-MU niya at hindi pa nag-a-all the way.

friend 1: eh bakit ganun?
girl: ewan, sabi niya nirerespeto daw niya ako eh. gusto ko nga sabihin, wag mo na lang ako i-respeto.
friend 2: parang gusto mo na siyang abutan ng post-it na may nakasulat na, "babuyin mo ako!"

***

a girl was comforting her friend who was broken-hearted.

girl: isipin mo na lang walang nawala sa iyo...
friend: oo nga, hymen ko lang ang nawala... pero hindi iyong self-respect ko. saka pagkatao ko. hmp, im sure, hahanap-hanapin niya ang blow job ko.

girl was lost for words...

***

clueless girl: ang cyber sex ba, considered na as cheating?
friend: nag-ejaculate siya para sa ibang babae. tinigasan siya para sa ibang babae. ano sa tingin mo?

***

while driving, a girl was listening to her friend talk about her experience with her high school crush.

girl 1: humingi siya ng boob flash...
friend: (shocked at galit) gago iyun ah! ano sinabi mo?
girl 1: (nahihiya) ginawa ko.
friend: (di makaimik) aaaah....


***

three female friends talking...

friend 1: eh di ba ang sexual peak ng babae, late 20s to early 30s
friend 2: hindi ah!
friend 3: 40 ang sexual peak ng babae.
friend 1: hindi pa peak ito???

***

four friends met years after high school graduation.

girl 1: you mean, virgin ka pa ?
girl 2: oo, hindi kasi ako bumubukaka eh, ngumanganga lang ako

girl 3 and 4 laughed.

***

two friends bumped into each other years after college...

friend 1 : oi, kumusta ka na?
friend 2: (casually) heto, virgin na uli.

***

two writers smoking while taking a break from their production meeting

writer 1: kayo na ba?
writer 2: hindi pa
writer 1: ano un, fubu lang?
writer 2: HAHAHA (sabay hithit ng yosi)
writer 1: ay, tinawanan lang ako, ayaw sumagot...

dedma na si writer 2, hithit na lang uli ng yosi...

***

friend was ranting kasi pinagpalit siya ng ex-boyfriend niya of three years.

friend 1: college drop out ang pinalit niya sa akin!
friend 2: baka willing siya mag-BJ. kaw kasi, ayaw mo eh...
friend 1: sabi nga nila, baka magaling kumanta ng walang mic.


***

two friends sa harap ng salamin

friend 1: waaaah, nagsa-sag na ang boobs ko, dalawang lalake pa lang ang nakakakita niyan...
friend 2: hahaha

after a few seconds...

friend 2: teka, sino iyong isa????
friend 1: hahaha. sabi ko na nga ba, magre-react ka.

***

a girl texted her best friend na she lost her virginity the night before. best friend called her up and they talked about it. after putting the phone down, the best friend texted the girl.

best friend: so hindi ka na matatakot mag-armagedon kasi you wont die a virgin hehehe

***

three friends nasa cr ng mall. friend 1 was looking at a feminine wash ad. friend 2 came out of the cubicle.

friend 1: kinati ka na ba?

hindi makasagot si friend 2, humagalpak naman sa tawa si friend 3.

***

girl 1 (galing ng CR): dinatnan ako
girl 2: (nagbiro) ay, di ka buntis?
girl 1: (sineryoso ang biro...) di naman nakaka buntis ang cyber sex ah.

naloka si girl 2 sa kaprangkahan ni girl 1.

***

girl to her friend: bakit ba pakiramdam ko naisahan ako ni A? para akong nakipag-sex tapos hindi na tinawagan nung guy after.
friend: arent you glad hindi ka talaga nakipag-sex?

***

through YM, girl was telling her friend about her palawan adventure last holy week.

girl: ang saya doon, ang romantic. pang-honeymoon.
friend: (sensed something so decided to fish for info...) so sino naka-honeymoon mo dun?
girl: hindi mo kilala.
girl: at hindi ko rin kilala. hahaha!
friend: ngek, ano iyun, one night stand?
girl: hindi ah!
girl: two-night stand. hahaha!

***
bitter girl kasi may bagong girlfriend ang dyowa niya, "hay naku, magsama sila, they deserve each other... isang basura at isang basurera!"

***

alam ko marami-rami pa iyan eh, kaso, tinatamad na ako maghalungkat. pero sa susunod, ishe-share ko naman iyong mga tungkol sa love and relationships. may part 2 pa ito. :)

7 comments:

sarah said...

noringai! omg! this was a hoot! :) can i link you up to my new blog?

Anonymous said...

at natawa ako ha.
galing!

Anonymous said...

masakit ka sa ulo noringai.

alas-dos ng umaga dito, tulog lahat ng tao, hindi ako makatawa nang maayos, bwiset!

Anonymous said...

miss noreen, ikaw ung isa sa mga girls na nagbigay ng funny quotes. nasa journal mo un a year ago! hala, buking ka na! --KALAN

noreen said...

SARAH, surely! ano url mo? nag-e-error whenever i click your link eh.

ANONYMOUS 1, hehe.

ANONYMOUS 2, basahin mo na lang uli kapag gising na sila, tapos kunwari first time mo nabasa kaya pwede ka tumawa uli. :D

KALAN, ows, talaga? nalagay ko sa blog ko last year? alin dun? nyahaha... (aminado ako, at least tatlo dyan, kasama ako...either taga react or taga bigay ng nakakawindang na linya)

Anonymous said...

"babuyin mo ako!"


HAHAHHAAHA.



--kAlAn :-)

Anonymous said...

ahaha ahaha ahaha ahaha (tawa ala-mariel)