Monday, May 7, 2007

sabi nga ni spidey, we always have a choice

watched spider-man 3 with my friend K in gateway last friday. grabee, ang OA sa tao ha! lahat na ata ng sinehan sa gateway, puro spider-man, di pa kami nakakuha ng magandang seats. 7 kami nakabili ng ticket pero 9:20 na ang nakuha namin na screening.

after eating dinner at cafe ten titas, K and i decided to have coffee sa coffeebean kasi maaga pa naman. kaso ang daming taong nakatambay na hindi naman customer ng coffeebean. so when finally nagkaroon ng bakanteng table, nilagyan ng barista ng reserved iyong table para sa amin, while K and i went sa counter to order.

after a couple of minutes, may babaeng umupo dun sa table kung saan naka-reserve para sa amin. K teased the barista, "sige, paalisin mo iyan ngayon," as the barista gave a shy smile. ako naman, i went to the girl and told her, "excuse me, naka-reserve na sa amin ito," sabay turo sa reserved na sign as if saying, "di mo ba nakikita?"

the girl said, "ay, sorry," then she stood up. noong tumayo lang siya, doon ko na-realize kung sino siya... isa siyang sikat na artista sa network namin!

***

kahiya. i know her. in fact, isa siya sa pinakagusto ko sa mga young stars ng abs kasi napaka- down to earth niya. kapag nagme-meeting kami noon sa cork (restaurant sa abs-cbn) at dumaan siya, iisa-isahin niya kaming babatiin at hahalikan. kahit hindi niya kilala personally.

sabi ko nga kay K, "shit, si ____ pala iyun! hindi ko siya nakilala, grabe." tinawanan lang niya ako. pati iyong barista, natawa sa akin. buti di ako tinarayan noong artista at sinabing, "hindi mo ba ako kilala!"

isang baranggay pa naman ata kasama niya at manonood din sila ng spider-man.

***

when bluekessa asked me kung maganda ba ang spider-man, di ako nakasagot agad... ang sabi ko lang, "entertaining!" kasi K and i were laughing and giggling most of the time. ang daming bading moments! tapos ang daming ang kokorni ng linya. napapatingin na lang kami sa isa't isa and natatawa. entertaining din iyong mga tao sa paligid naman... you'd expect na since nasa gateway kami, wala ng dugyot. ewan, madami pa rin. lalo na iyong nasa likod namin na akala yata nila nasa sariling sala sila at kung mag-abutan ng pagkain at magkuwentuhan ay parang nabili na nila ang buong sinehan.

***

pero alang kwenta ang movie. well, sige, pwede na iyong ibang effects pero na-disappoint ako. not worth my money. buti na lang di ko ito pinanood sa IMAX o sa globe platinum ng gateway. sobrang not worth it.

kaya nga when jan and dan invited me to watch spidey with them again last saturday, di na ako pumayag.

***

"we always have a choice," sabi ni spiderman sa movie. yan ang mantra ko ngayon... we always have a choice. we always have a choice. we always have a choice.

when i heard mass last friday noon, the priest said something that got me thinking. he said life is short to be living with bitterness and anger in our hearts. he also said, "happiness is a choice." adding that if we let go of the resentments, then we will be happy...

haaay its difficult to let go of the resentments sa mga taong nakasakit sa atin pero... one step at a time. we always have a choice. i choose to be happy this time. i choose to let go of bitterness and anger... susubukan ko lang. ;) tama nga naman ang pari, masyado maikli ang buhay to dwell on painful experiences.

2 comments:

rina said...

aynako, hindi lang buong gateway, buong metro manila spiderman ang palabas! pero tama ka, hindi sya maganda!

Anonymous said...

oist naalala mo yung sinabi ni spidey kay harry (when he was badly hurt and mj was cradling his head):
"you...came" with matching googly eyes for Harry...

yan ang magiging kaagaw natin sa mga tunay na lalake. at wala tayong laban dahil me super powers sila. ahahaha.

- K