Tuesday, May 29, 2007

tagged

i was tagged by my friend, angelo. although i dont really do this in my blog even if ive been tagged by friends before, now lang ako sasagot... kasi prinessure nya ako. hehe so here goes...

the rule: each player of this game starts with 6 weird things about himself or herself. people who get tagged need to write a blog entry of their own as well as state the rule clearly. in the end, you need to tag 6 people and list their names. don’t forget to let them know they’ve been tagged!

1. i write what i wear every day. weird na kung weird pero since college, ive been recording my outfit in my planner. bakit? as someone who is sentimental, i want to remember what my shoes were the day something good or bad happened to me, what bag i was holding when i saw chad peralta in manila pen, or when i bumped into my high school obsession C in glorietta. even what i wore the night i had my first kiss, first date, etc. also, para alam ko na kung anong bag ang ginamit ko when i had this blouse, which shoes went well with these jeans. believe me, it saves a lot of time kapag nagpa-plano ako ng isusuot ko. i just go through my entries in the previous weeks and i will have an idea what to wear. :)

2. i have multiple personality disorder. gaya nga ng sabi ko sa article na ito, madalas akong binibiro ng mga kaibigan ko na may schizophrenia. nagsimula ang lahat noong nagme-meeting kami sa dati kong opisina. may tinanong sa akin ang boss ko at sinagot ko siya ng, “meron. meron nga ba? ay, wala yata… teka, meron. ay wala nga.” natawa na silang lahat sa meeting kasi para daw akong nakikipag-away sa sarili ko. pagkatapos noon, sa tuwing may meeting kami, sinasabi sa akin ng boss ko na patulugin ko daw muna iyong ibang sarili ko. minsan naman, bigla akong sumilip sa kwarto ng boss ko at sinabing. “tawag mo ako, ms. melds?” hindi daw niya ako tinawag. sabi ko narinig ko tinawag niya ako. mula nga noon, binibiro na ako ng mga kaibigan ko na “i am hearing voices.” at sanay na ako sa mga hirit nila na "sino sa mga personalities mo kausap namin ngayon" or "nakikipag-away ka naman sa mga sarili mo."

3. mahilig akong magbasa ng lumang horoscope. tapos iisipin ko kung nagkatotoo ba iyong hula sa akin. o iisipin ko kung tugma ba dun sa ginawa ko ang nakalagay sa horoscope. mas gusto ko iyong annual horoscope ng cosmopolitan. katabi ko pa ang journal/planner ko kapag nagbabasa ako. halimbawa, sinabi ng horoscope na may magandang mangyayari ng third week ng january 2006, babalikan ko ang journal ko at iche-check kung anong meron dun.

4. i hold the pen in a weird way. during reunions, classmates in elementary would remember me for the weird way i hold a pen. kinder ata ako noon or grade one, and ako lang ang naiiba sa mga kaklase ko. that was the first time i felt i was different. buong elementary, my classmates would tease me because weird daw ang paghawak ko ng ballpen. noong high school, nawala na iyong kasi hello, maganda kaya ang penmanship ko. so kebs na kung paano ako humawak ng ballpen di ba? :P

5. i collect playing cards. that's not weird, right? people collect different things. aside from garfield items, i enjoy collecting playing cards. hindi ko alam kung bakit, at kung san nagsimula ang fascination ko sa playing cards. basta, i love collecting them.

6. magaling akong stalker. while i was still obsessed with C, i had this way of getting his cellphone number no matter how many times he'd replace it. tapos, nahanap ko na rin sa net pati family picture nila (this was before friendster, okay!), pati contact number at personal details ng pamilya niya. basta magaling akong stalker. :)

since this will be posted in both blogspot and multiply, i will tag two different sets of people.

sa blog ko, i tag lhen, rose, rina, michiepie, gap, and kareen.

sa multiply contacts, i tag anyone who feels like answering this... pero first six... azielle, aye, coy, ching, pia, vans ;)

3 comments:

Angelo said...

di ba nag-c-collect ka din ng boys...

joke...

rina said...

ay, i-tag daw ba ko. porke ba't inaagiw na yung blog sa tagal ng update ganon??

noreen said...

ay ANGELO, magandang collection iyan. wish ko lang kaso... hindi eh. :)

RINA, oo no. election-related pa iyong last blog entry mo. :P