Saturday, June 30, 2007

baka di pa kayo pinapanganak nung kinunan ang litratong ito...

this picture was taken in 1981 or 1982. not really sure. 25 years ago??? grabe... ito ang grad pic ko noong kinder ako. bungal pa si noringai. nyeheheh. pero straight pa ang buhok. may bangs. at syempre, cute. (walang aangal, blog ko ito!) may isang nagbiro, mukha daw ako lalake. sobra ata pagka-pony tail ng buhok ko niyan.

was with my high school friend, che che, for two nights. kagabi, we were talking about our elementary days. told her something that most of my friends don't know... third honor ako noong grade one.

nakakagulat iyun kasi it meant top 3 ako out of 200 pupils in our batch, and i was never in the honors' list since grade three. che che was our first honor from grade four until fourth year. valedictorian siya noong elem at high school.

the only award i got in high school was loyalty award. che che told me mas matalino pa daw ako kesa sa dun sa isa sa top 4 noong batch namin sa HS. to think na close friend niya yun. sabi ko, "tamad kasi ako eh. puro laro lang noong elementary." so hanggang high school, di ko na sineseryoso studies ko. plus di rin naman ako prine-pressure ng parents ko na maging honor student. suwerte nga nakapag-UP pa ako. hehehe

isa iyun sa frustrations ko... isa yun sa mga could have beens ng student life ko. pano kung naging seryoso ako with my studies? pano kung nasa top 5 ako ng batch mula elem hanggang high school?

***

was shopping with che che at tiendesitas last night. when we passed by the stall that sells kids clothes, che mentioned "kung nag-asawa tayo agad, siguro bumibili na tayo ng mga ganyan." told her, "siguro may anak na tayo sa elementary..."

she quickly added, "pero hindi tayo makakabili ng mga ganito," at tinaas niya ang isang plastik ng blouse na binili niya worth more than a thousand pesos. korek. at sa loob-loob ko, di tayo makakapag-bangkok o HK, o mag-splurge sa mga damit, sapatos at bag.

ang tawag dyan, trade-offs.

tinatamad akong mag song of the moment, quote for the day at what i learned recently. saka na lang... :)

4 comments:

Anonymous said...

Ayoko ng title mo! Nakaka-offend sa mga tulad ko! Buti na lang magka-batch tayo kaya damay ka haha. Palitan mo 'yan!

P.S. Kung ma-ospital ako sa sobrang shock after finding out na nag-third honor ka nung grade 1 ka, bisitahin mo na lang ako ha. Totoo ba ito? nyahaha

- CLARING

rina said...

overrated din yang pagiging honor student, kung minsan ibig sabihin lang masipag ka mag-memorize saka malapit ka sa teachers. at least, this is the biased opinion of someone who was an honor student in elementary tapos naging pasaway na from high school onwards, mwa ha!

Anonymous said...

ate noreen! hello po! i thought you're one of the smartest in your batch... i still believe that... title lang yong mga nakukuhang honors nong nag-aaral pa tayo... ang importante ano ka ngayon as a person, as a friend, as a daughter, etc...

don po sa regret mo, pwede tayo magkwentuhan... will tell you how it felt to be at the top (class) and EVERYBODY's looking at you... sobrang pressure... sobrang nakakalungkot minsan... drama!

keep on blogging! mwah!

Pango

P.S.

since wala kang quote for the day, ako na lang magbigay... di ko alam kung nabasa ko ito o narinig ko na... pero definitely nasabi ko na...

"it is so easy to love you... but it is so damn hard to stay in love with you"

loraine said...

hi... may pagkakapareho na naman tayo (aside sa pag-ibig natin pareho kay garfield, pareho pala tayong may frustrations nung high school).

i graduated as valeditorian nung elementary... may pressure talaga from my parents na mag aral noon eh.. nung mag high school na, i told my mom na gusto ko sa ibang school naman ako mag- aral... (meron ding kasing highschool ung elementary school ko)..at sabi ko, pag sa ibang school na, no pressure na dapat... hehe..i love extra curricular activities talaga eh.. theater guild, writers' guild pati CAT kinareer ko.. kaya mas madalas na outside the classroom ako..hehe goodbye lessons ang d rama ko. =)

pero narealize ko... mas ok pa din un..kahit nag graduate akong walang honors nung highschool,one among the few UPCAT passers pa din naman ako..naenjoy ko pa highschool life ko..hehe

am sure ganun ka din=)

mygaseous.livejournal.com