Monday, June 4, 2007

blue moon bonding




getting drunk was certainly not in my plans when i met up with friends from the network that friday night.

di nga dapat matutuloy because june 1 was a blue moon and lhen mentioned here why it was crucial to be with a dyowa instead of friends. she wanted to bail out of the planned dinner pero nakonsensya ata noong tinarayan ko na "hmp, ipagpapalit mo lang kami sa lalake!" besides, it has been months since we last saw each other.

we were just supposed to have dinner lang kasi, lhen, art and alma had to leave home early. di na namin mahihintay si fudge, whose shift in pbb ends at 11pm.

ang ending? lhen and i, together with fudge and otap, were drinking in esquinita till 4 am and cooled down at starbucks until 6 am.

text ko nga sa mga kaibigan ko, ngayon lang uli nangyari sa akin na umuwi ng bahay ng umaga na... at lasing!

***

hindi ako alcoholic pero nakaka-miss iyong feeling na lasing ka, na wala kang pakialam sa mga sinasabi at ginagawa mo. i needed that kind of feeling.

the last time i got drunk was last december, also in esquinita. kaya nga noong nagpa-plano kami kung saan uminom, ayoko sana sa esquinita because of what happened last december. pero dun din kami nauwi.

ang saya lang to bitch about our respective lives and curse the persons who broke our hearts. fudge was hurt and angry, lhen was confused and scared and otap was nagpapaka-joe d'mango with his positive views on love. palibhasa kasi in love, hehe.

kawawang otap, siguro pinagsisisihan niya ang pagsama niya sa amin dahil sa mga girltalk na narinig niya from us. but then, pwede niyang magamit sa mga scripts nya iyun... unahan na lang kaming lahat sa mga quotable quotes as dialogues. hehehe

***

noong dinner pa lang, lhen commented na parang ang saya ko. walang trace ng depression. magaling lang siguro akong mag-tago. pero somehow, talking about what i went through helped alleviate the pain. ganun daw iyun di ba? kapag lagi mo kinukwento ang isang painful experience, darating ang time na hindi ka na magiging affected kasi sanay ka na.

"the pain doesnt go away, we just get used to it and learn to deal with it..." sabi ko kay fudge.

ang dami ko natutunan sa inuman bonding na iyun sa esquinita but ang pinaka-narealize ko, lahat tayo may pinagdadaanan. lahat tayo may kanya-kanyang hurt. and just when you think na ikaw na ang pinaka-miserableng tao sa mundo, along came someone who'd let you realize na this person is going through something worse.
(btw, for more pics, check my multiply...)

song of the moment: why were you holding her hand? is that the way we stand? were you lying all the time? was it just a game to you? but im in so deep. you know im such a fool for you - linger, cranberries

quote for the day: *tingin sa taas*

what i learned recently: ang dami eh. lalo na tungkol sa tsisimis sa mga artista. nyeheheh. isang advantage whenever im with my friends from the network, ang daming tsismis na nasasagap. dont worry, mama fudge, my lips are sealed... especially that tsismis that you shared in starbucks... hahaha

No comments: