Tuesday, June 26, 2007

noong minsang nahampas niya ng unan ang mukha ko...

"one time, habang nagkukulitan kami, nahampas niya ng unan ang mukha ko. sabi ko sa kanya, ganyan ka, nananakit ka na. dati, sinasaktan mo lang ako emotionally, ngayon nagiging physical ka na... "

"ano sabi nya?"

"tumawa lang..."

"na-gets kaya nya un?"

"oo naman! dinedma lang niya! lagi namang in denial ang lalakeng iyun eh."

tawanan.

"minsan naman, may inaarbor ako sa kanya tapos ayaw niya ibigay, biniro ko, sabi ko, sige ka, iiyak na naman ako niyan mamaya. paiiyakin mo na naman ako... tapos sabi niya, sige lang, kasama mo naman ngayon si (name of our common friend)..."

"alam mo, mukhang naka-move on ka na talaga. mukhang you're over him na. kasi ngayon, nakaka-kuwento ka na tungkol sa kanya ng walang bitterness."

wala na nga ba? o magaling lang siguro akong mag-panggap? too early to tell. i expect for relapse to happen. pero, sa ngayon, okay na iyong kaya ko na makipagbiruan with my friends about him without the twinge of hurt or bitterness.

***

"dapat binabayaran mo ako kasi ginagamit mo ako sa mga script mo," biro niya sa akin several months ago.

"kulang pa iyan na kabayaran sa pananakit mo sa akin..."

"ganun?"

looking back, napagkakitaan ko na rin naman ang mga experiences na dinanas ko sa kanya. i have to admit, iyong more than a year naming magkasama, ang dami ko rin nagamit dun para sa mga eksena ko sa script. pati dialogues. kaya sige, ngayon ako naniniwala na lahat ng painful experiences sa buhay ng isang tao, may dahilan. at maaari mo ring pagkakitaan.

sabi ng national artist na si franz arcellana noon sa poetry class namin sa diliman, iyong mga depressed daw at broken-hearted, sila iyong magagaling na poets. so kung sawi ka, sige lang, gamitin mo iyan, malay mo, baka ikayaman mo iyan, o ikapanalo ng award...

hmmm... makasali nga sa contest...

Song of the Moment: i was the last to know you knew exactly what you would do... they may believe you but i never will... never again will i hear you / never again will i miss you / never again will i fall to you - Never Again, Kelly Clarkson

Quotes for the day: "pain is there for a reason," sabi sa isang episode ng grey's na napanood ko... "i wish there are pills to protect you from heartbreak (or something to that effect, tinatamad akong hanapin sa net eh...)," sabi ni susan/teri hatcher sa anak niya sa desperate housewives kagabi.

What I learned recently: As of yesterday, si Bodie daw ang leading sa PBB. Pinakyaw na daw kasi ng pamilya ni Tirso ang mga vote cards. BB Mickey! Naka-50 pesos ako na boto kagabi para kay Mickey. Mamaya uli... At, blue moon na naman sa June 30. At kung sino daw kasama mo ng blue moon, "siya na!" as if! :P

4 comments:

rina said...

hello, baka magkaroon ng relapse pero pwede bang wag naman mag-look forward to it? :D

at tama yan, pagkakitaan! lakas naman ng loob nyang manumbat pa no. emotional capital mo kaya yung nilaspag-laspag nya. hmp.

caffeinejunkie said...

dapat lang na pagkakitaan mo sya no! di pa sapat yun sa mga sakit ng ulo na binigay nya sa yo. sabi nga nila, dapat daw nilalabas ang mga ganyang bagay. at least ikaw creative (sa mga scripts)--di ka nagwawala o nagbabato ng mga gamit no?

(syensya na po, di ko lang makayanan yung nababasa ko sa peyups tungkol kay wendita. buti na lang at di ako nanood kagabi ng pbb).

noreen said...

RINA, mabuti na iyong handa sa relapse kesa hindi ko inaasahan, biglang ayan...mawindang pa ako. :)

JOHANN, kung mga kinita ko from writing scripts about him, naubos lang din sa pag-shopping to get over the depression. kaya ganun din. hehe

sky said...

pinagkakitaan ko rin yan.

nakakasama lang ng loob kasi feeling nung taong yun eh sya ang sumisikat, at lagi mo syang iniisip kaya nagagawa mo yun.

pag sinusulat mo parang nire-relive mo na naman yung sakit. gusto mong magpatiwakal, gusto mong magsarili, gusto mong lamunin ka ng kumot, comforter o duvet mo.