Friday, June 22, 2007

parang pokpok

ginagawa nila akong pokpok. pakiramdam nila, whenever they need me, lagi akong available. it's been more than a year and they still havent given me what they promised. it seems na they can't commit to me. iyong iba, naka-advance na sa next level, kahit na nauna pa ako sa kanila. pero ako, mukhang hindi nila sineseryoso. pero hindi nila ako mapakawalan kasi kailangan nila ako.

kapag may kailangan silang ipagawa na madalian, iyong isang snap lang ng fingers ay nandiyan na, tatawagan nila ako. ako naman, bigay agad. pera din iyun. oo, ginagawa nila akong pokpok...at hinahayaan ko naman sila. bakit? kasi may nakukuha din naman ako.

naisip ko lang, kung nakakapag-deliver naman ako whenever they need me, at okay naman ang aming "relationship," bakit hindi nila mabigay sa akin iyong commitment na gusto ko? iyun lang naman habol nating lahat, di ba? iyong assurance na kahit anong mangyari, may pinanghahawakan ka. hindi iyong uncertain ka what will happen to you in the future. para naman itong pseudo relationship!

ano ba, iyun na nga ang nangyari sa akin sa personal life, pati ba naman sa career, hindi pa rin mabibigay sa akin iyong long-time commitment na kailangan ko? parang lugi naman ata. binibigay ko na lahat for them, pero hindi naman nila na-a-appreciate. or siguro, pinapakita nila iyong appreciation nila through pang-aabuso. ganun naman ata talaga. kapag hindi ka nagrereklamo, kapag tanggap ka lang ng tanggap, ang tendency ay maaabuso ka.

"sa lahat, ikaw na ang pinakamabilis...sasabit ako kapag hindi mo ito ginawa," sabi sa akin last night. gusto ko sabihin, kung ganoon pala ka-importante ang tingin niyo sa akin, bakit hindi nyo pa binibigay iyong dapat niyong ibigay? bakit sa iba, naibigay niyo? at bakit hindi sila ang ngaragin niyo? mas may karapatan kayo sa kanila kasi nakatali na sila sa inyo...


***

naalala ko tuloy ang linyang ito --> "i dont wanna lose you.... you mean so much to me..."

leche. kung ganon pala tingin mo sa akin, bakit hindi mo naibigay iyong gusto ko? tapos after how many months, ibibigay mo lang pala sa iba. wow. thanks for trampling on my feelings... and my ego!

***

parang abusive relationship din itong nangyayari sa akin ngayon eh. bakit hindi ako umaalis? kasi, kahit abusuhin man ako ng ibang tao, kahit na alam ko na tinatawagan lang nila ako kapag may "rush" o "urgent" o "madaliang output," may pumapasok naman na kung ilang libong piso sa atm ko. at, gusto ko din naman ang ginagawa ko. may fulfillment akong nakukuha kapag natatapos ko iyong pinapagawa nila.

at siguro, kaya hindi ako umaalis kasi umaasa ako na things will get better. na someday, they will realize my worth and give me the commitment that i need from them.

***

song of the moment: set me free why don't you babe/ get out my life why don't you babe/coz you don't really love me, you just keep me hanging on - lisa stanfield, keep me hanging on

quotes for the day: "alam mo kung ano pinagkaiba mo sa babaeng bayaran?" "ano?" "sa iyo, libre..." "arayko naman!!!"

what i learned recently: may male version pala ng irreplaceable ni beyonce. naaliw ako when i heard it this morning. favorite line: "cause the truth of the matter is, replacing you was done last year." --> arayko, parang patama ata sa akin ito! lol

personal pahabol: salamat sa mga nag-leave ng notes sa blogspot at sa multiply about my previous entry. salamat kay cel for sending me the e-card to brighten my day right after she read my blog. kay sally, kareen and lhen who sent me text messages and to my co-writer barcy who casually mentioned he read my latest blog entry and allowed me to rant about it. (shet, sana wala akong nakalimutan. nagiging makalimutin na ako lately. that will be another blog entry, iyong pagiging ulyanin ko...)

No comments: