Friday, June 15, 2007

sweep

While editing articles for our website this morning, I’d check NBA’s site to see the update on game four between Spurs and Cavs. Of course by now we all know Spurs won the championship. Sweep! The Spurs joined Celtics, Lakers and Chicago as the only teams who bagged four NBA crowns. This is Spurs’ third crown in five years. Di naman ako sobrang fan niyan, no.

After ko malaman ang results ng game, tinext ko agad ang tatay at kuya ko, pati ang ate ko. Lahat kasi kami, maka-Spurs. Ang kuya ko may Ginobili na jersey, ang ate saka parents ko, ilang beses na nakapanood ng game ng Spurs sa San Antonio.

Bihira lang kami magkasundo ng team sa basketball. Natatandaan ko, noong high school ako, lahat kami sa pamilya, iba-iba ang gusto na team. Iyong tatay ko maka-San Miguel dahil kay Samboy Lim at Mon Fernandez, ang Nanay ko maka-Purefoods dahil kay Alvin Patrimonio (gusto kasi ng Nanay ko nun si Kris eh nali-link si Kris kay Alvin that time), iyong ate ko, maka-Añejo (dahil kay Dondon Ampalayo), iyong kuya ko maka Presto Tivoli (dahil kay Allan Caidic), iyong isang ate ko, maka-Shell (dahil kay Ronnie Magsanoc) at ako naman, maka-Alaska (dahil kay Jojo Lastimosa). So imagine kung gaano ka-gulo sa bahay kapag PBA ang palabas.

Sa NBA naman, maka-Pistons ako noong high school. Pistons at Lakers ang laging magkalaban nun sa Finals. Kaya nga natuwa ako noong naglaban uli ang Pistons at Lakers sa Finals a couple of years ago.

Pero grabe ako ka-fanatic sa PBA noon. Lalo na kay Jolas. May poster ako ni Jolas sa kwarto noon. Iniiyakan ko kapag natatalo ang team niya. At nakikipag-away ako sa kaklaseng ookray sa kanya. Hehehe

Ngayon, may alam pa rin naman ako konti sa PBA pero hindi ko na kilala iyong mga players. Hindi tulad noong high school na memoryado ko lahat ng members ng bawat team, pati mga moniker nila at jersey number. Natatandaan ko pa noong sinabi nilang “sinahod” daw ni Jolas si Samboy Lim kaya na-injure si Lim, eh good friends sila noon kaya alam ko di magagawa ni Jolas iyun. O iyong isang All-Star Game na nagkasama si Fernandez at Jaworski, at ang assist between them ang nagpanalo sa Veterans vs Rookies.

Nakaka-miss ang dating PBA. Bakit kaya ngayon, hindi na ganoon ka-sikat ang PBA? Kapag nati-tiyempuhan ko nga ang PBA sa TV, napapaisip ako, iyong mga high school ba na babae ngayon, fanatic din sa PBA at kinikinilig pa rin sa mga players? O baka may iba na silang kinalolokohan? Iyong anak ng kuya ko na 16-years old at 4th year high school sa Davao, crush niya si Chris Tiu, basketball player ng Ateneo. Pumunta pa siya ng Cagayan de Oro para makita si Chris na maglaro ng live. It runs in the family talaga! ;)

Song of the Moment: Akon's Don't Matter

Question for the Day: Kanino ka mas naniniwala, kay Ruffa o kay Yilmaz?

What I learned recently: Si Kobe ang nangunguna sa pinakamaraming sales ng jerseys sa NBA. May bodyguards na si Ruffa. Magkakaroon ng new talkshow si Kris at si Boy. Lilipat daw si Sarah sa GMA? And Direk J is not happy with the May Minamahal series. Friend ko ang writer ng May Minamahal ngayon pero I understand Direk's sentiments. He loved that film and very personal sa kanya iyun. Fave ko din ang movie na iyun kaya nasayangan ako when they had to include soap elements to stretch the series.

2 comments:

Anonymous said...

noringai,

OT pero sino mas mataas na tf? juday or claudine?

aouie said...

sobrang favorite ko rin yong may minamahal na movie (may VCD pa nga ko nun eh) pero although pinapanood ko yong TV series ngayon, hindi ko siya masyadong gusto. wala siya sa kalingkingan nung movie. parang feeling ko na-murder yong movie.