Tuesday, July 31, 2007

ang kuwento ng elevator at pulang kuko


kakasimula lang ng meeting namin with direk j nang bigla siyang natigilan at napatingin sa kuko ko sabay sigaw, "ano iyan???"

apparently, sa tagal namin na magkasama, ngayon niya lang ako nakitang naka red nail polish. tinalakan ako ni direk saying na mukha akong "burikak" (whatever that means) at naglitanya na siya tungkol sa pulang kuko ko.

"pero maganda siya," i reasoned out, as i stretched my arm to marvel at my newly-manicured nails.

"i don't like it!" he shouted. "tanggalin mo iyaaaaaaan!"

my close friends know na i started wearing red nail polish several years ago. napanood ko sa pelikula ni gelli de belen at jomari yllana na pangit ang tingin ng mga tao sa babaeng pula ang kulay ng kuko. impression nila, masamang babae. pero kebs ko.

may phase ako na red or fuschia ang kulay ng kuko ko. minsan nga, pinuna ng isang kaklase ko sa workshop ang kulay ng kuko ko at sinabi kong "hindi kasi makulay ang mundo ko ngayon kaya dinadaan ko na lang sa nail polish."

pero last year, medyo nag-lie low ako sa makukulay na kuko and i opted for french tip manicure. "feeling demure" sabi ko sa kanila.

this year, i went back to wearing red nail polish. di lang siya basta red. "puta red" siya. sanayan lang iyan. kebs na lang kung talakan uli ako ni direk j pag nagkita kami uli. :D

***

last sunday, palabas na ako ng bahay para magpa-manicure nung biglang nag brown out. tapos nagka-ilaw, tapos namatay uli. in short, nag-fa-fluctuate ang kuryente.

ilang segundo ako nakatayo sa harap ng elevator ng building namin. nakita ko na patay-sindi din ang ilaw sa elevator. sa ganitong panahon, riding an elevator is not a good idea. puwede naman ako mag-stairs kasi 11 floors lang naman at nagawa ko na dati iyun. or puwede ako maghintay hanggang sa mag-normalize ang kuryente.

pero matigas ang ulo ko.

pinindot ko ang DOWN na button. umilaw. tapos tumigil sa isang floor at namatay uli ang ilaw. pinindot ko uli.

katangahan ang sumakay sa elevator na alam mong maaaring tumigil any moment dahil sa brown out. puwede ka ma-stuck dun ng kung ilang oras, or worst, pwede bumulusok pababa at ikamatay mo.

pero that day, i was brave enough to ride it. i was ready for the consequence -- kung ma-stuck man ako, keri lang. i have my cellphone with me. kung mamamatay ako.... i shuddered at the thought pero inisip ko, if it's time, it's time.

before entering the elevator, i made a sign of the cross and said, "lord, bahala na kayo." natakot ako kasi mag-isa lang ako pero hinanda ko na ang sarili ko sa mangyayari. then i went to the corner at humawak ng maigi sa handle, para kapag bumulusok man pababa ang elevator ay nakahawak naman ako ng mabuti.

grabe ang kabog ng dibdib ko nung bumababa ang elevator. nakarating naman ako sa ground floor ng matiwasay. and honestly, it felt good to do something na nakakatakot. kung hindi ako nag-dare sumakay ng elevator, either naghihintay pa ako sa taas or tumatagaktak ang pawis na bumababa sa fire exit.

sabi ko nga sa writer ko kahapon, i felt so brave. alam kong hindi stable ang kuryente at patay-sindi ang elevator pero sumakay pa rin ako. pero handa naman kasi ako ma-stuck sa elevator, at nag-rely ako na when i said, "lord, bahala na kayo," di ako pababayaan ni lord.

when you feel like doing something na walang kasiguraduhan, just be ready for the worst, say a little prayer, and then plunge... if it turns out okay in the end, hindi mo ma-explain ang saya. at least, nasubukan mo... at walang "what if" at "what could have been" na magha-haunt sa iyo until you grow old.

in my career, i am about to do just that... do something that seems stupid for others, prepare myself for the worst case scenario, utter a "lord, bahala na kayo" prayer and then plunge into the unknown...


song of the moment: what if we were wrong about each other. what if you were really made for me, what if we're supposed to be together, does that not mean anything? -- baby face, what if

quote of the day: "smile when in pain, smile when troubles pour like rain. smile when someone hurts your feelings coz you know what, smiling always starts the healing," isang korning forwarded text message na nagpangiti sa akin kaninang umaga.

what i learned recently: minsan, kapag may gusto ka gawin, kailangan mo harapin ang fear of the unknown. basta ba handa ka sa worst na mangyayari sa iyo, at naniniwala ka na hindi ka pababayaan ni lord, you will be okay.


16 comments:

rina said...

naku aalis ka na dyan, hindi pa tayo nagkakape man lang!

resty said...

Ayoko yung naka-nail polish more so yung pula. Mas maganda talaga yung natural na kulay ng kuko.

Anyway, pansin ko lang hindi ka gumagamit ng 'nang' kahit dapat mo ng gamitin wehehe.

caffeinejunkie said...

sabi ng nanay ko, burikak daw is a babaeng pakawala. ganun.

well, okay lang naman sa akin ang pulang nail polish. mej nakakaharass nga lang ng onti heheheh. i don't wear nail polish anyway, kasi parang di ko sya kayang imaintain.

alam mo, sa lahat ng bagay na ginagawa ko ngayon, bukambibig ko yang Lord, bahala ka na. naloloka na rin ako sa takbo ng buhay ko e...

noreen said...

Rina, eh uber busy ka ata lagi :P

Resty, i reread my blog entry and i didnt find an item where i used "ng" instead of "nang." i also noticed you didnt us "nang" in your reply when you were supposed to write "dapat mo nang gamitin."

:P

makahirit lang, no? :D tagal mo di nagparamdam tapos mag-e-edit ka lang ng post? :P na-miss mo ako, no?

Johann, un pala ang burikak? hehe ayan, i learned something new today. :D

btw, ano ba nakakalokang nangyayari sa buhay mo ngayon? dapat kasi nagpapakita ka na sa ONO eh :P

resty said...

Noreen: Hindi ako basta humirit ikaw talaga =P

Ok, like this one "ground floor ng matiwasay." It should be "nang" di ba? We use "nang" when it precedes an adverb, don't we? Or mali ako? Yung sinasabi mo na dapat gumamit ako ng "nang" instead of "ng" parang mali. Dunno. Tingin ko lang talaga. Somebody enlighten me on this please hehe.

May pagkamasuningit ka pa rin ano? Hindi ko ineedit, sinasabi ko lang. Eh kung ako ang mali, eh di makokorek mo =P

noreen said...

Resty...

it should be nakababa NG matiwasay. we use NG before an adverd, an adjective, a noun, or a pronoun. NANG is used before a verb like "nang bumaba ako" or "nang tumahimik ang paligid." kaya kinorek kita na it should have been "dapat mo NANG gamitin."

yun ang natatandaan ko na tinuro sa amin nung elementary. sana tama ang pagkaalala ko. matagal na kasi un eh.

di ako super sure ha. i have to consult my friends who are Filipino editors for textbooks and magazines to be sure.

noreen said...

at PS, di ako masungit. ganito na talaga ako. di ka lang nasanay sa akin. :)

Anonymous said...

to resty:

sana ndi kana nag comment kung un lang napansin mo. parang napaka perfect mong mag sulat. pwe! mahiya ka nga. c ate noreen pa ung kinorek mo.

ireview mo n lang ung filipino vocabulary mo para matahimik ka. tapos, mag comment k sa lahat ng blogs.

kalawit said...

noreen, tama si resty. dapat "nakarating naman ako sa ground floor NANG matiwasay" kasi dine-describe mo kung paano ka nakarating sa ground floor. kung "nakarating naman ako sa ground floor NG matiwasay" ang gagamitin mo, lalabas na nakarating ka sa ground floor portion ng isang lugar na ang tawag ay matiwasay (building, complex, condo?)...

Anonymous said...

pucha... lake ng problema nyo!

"ng".. "nang"... nahirapan ba kaung intindihin ung gustong sabihin don?

pwe!

ate noreen... wag mo ng patulan mga problema ng mga taeng ito.

noreen said...

thanks for the info. at least may natutunan ako ngayon. but i cant promise to use NANG and NG correctly in my blog because last i checked, ok lang to write kahit ano in the blog. :P

some people have misspelled words and grammatical errors in their blogs but still get away with it.

i believe it doesnt matter HOW you say it, just as long as you have SOMETHING to say. hindi naman siguro importante ang NANG and NG di ba, ang mahalaga, may sense ang sinusulat ko at tama naman ang grammar.

ayan, salamat sa pagpuna. at least alam ko na ngayon. pero since im comfortable with how i use NG and NANG, i will stick to it. :)ayoko naman ma-conscious ako sa tamang pag-gamit ng NG and NANG tapos wala na pala kuwenta iyong sinusulat ko.

bti nga d me gamit txt lingo n wat i ryt O kAYa gAniTo mAgSuLat KaSi MaSyado MasAkit sa mata at nakakairita. :D

kiyoko said...

kawawang resty nag comment pa kasi ng ganun. galit ang bloggers sa mga ganyan na comments po. :)

pero tama sya dun sa "nang matiwasay" (hala sumali daw ako!!!) peace!

mare, ako hindi sasakay sa elevator pag fluctuating ang kuryente. minsan nga na-trap ako sa elevator eh, grabe takot ko!!! tumigil pa kami in between floors! akala ko hindi na kami makakalabas ulit. wag ka dare dare dyan ke lord, better be safe than sorry ;-)

kalawit said...

aaayyy, nagtampo ang noringai... wag magtampururot... uuuy, sige na, wag na magtampo...

Anonymous said...

Ate Norin, tama sila, deadma na sa mga comments nang mga taong 'yan. (hala, ako rin iko-correct)

Basta you rocks and you rules pa rin!

(please don't keel me dahil nag-Ate ako sa 'yo... hayup ano ang ginagawa ko't nagko-comment ako rito? 12.30am na, at 5am dapat gising na ako. ayoko naaaah)

Claring

Resty said...

Hi again, Noreen.

Wala ako kahit katiting na intensyong maka-offend ng tao lalo't ikaw. Hindi ko rin alam na ite-take yung sinabi ko na parang isang krimen ng ibang readers mo at kung anu-ano pang sasabihin. At ikaw, although hindi mo sinabi, implied na na-offend ka nga. Kilala mo naman ako kahit paano. Nasabi ko yung comment na yun dahil sayo ang blog na 'to. Case lang siguro yun ng "being too close for comfort."

Tama ka. Wala yun sa grammar, nasa content yun.

Am sorry. Tahimik na lang ako.

*Thanks kalawit.*

*kiyoko: Wag ka maawa saken. I don't need it. Parang yun lang eh.*

noreen said...

resty, oo naman kilala na kita and i know kaya ka nag-comment kasi nga "close" na tayo (sabi mo nga, too close for comfort) pero i hope u understand din kung bakit ako na-offend. im not perfect, i know that. although i try my best na walang mapuna ang mga readers sa sinusulat ko in terms of grammar kasi nakakahiya dahil naturingan akong writer-editor tapos hindi ko ma-distinguish ang NG from NANG ng tama. pero sabi ko naman di ba, salamat at na-point out un dahil at least ngayon, alam ko na.

as for the the readers' comments, they are entitled to their own opinion. tulad mo, they can write want they want to write.

to KALAWIT, hindi ako nagtatampo, don't worry. naman, ako pa! my friends know na madali akong magreact on certain things pero madali rin ako makalimot. :)

and to ANONYMOUS, salamat for your comments... kahit hindi kita kilala, i can sense na you are a very protective friend. thanks again. :)

KIYOKO and CLARING... ayan, nakigulo pa kasi kayo. :P dinagdagan niyo pa. hehehehe o joke lang ha. baka kayong dalawa naman ma-offend sa comment ko. :D