Tuesday, July 3, 2007

ang soundtrack ng buhay mo...

kung ma-a-approve nila, ang next episode na isusulat ko ay "i can't make you love me" ni nina. actually, pinaglaban ko ito sa meeting namin. talagang naghanap ako ng kuwento na bagay dito. at kaninong kuwento pa ba ipi-pitch ko? lalayo pa ba ako?

natatandaan ko last year, pinaglaban ko rin ang song na 241 ng rivermaya. dapat for heart-derek ep sya pero di available ang rivermaya for taping kaya napalitan iyong kanta. pero di ako tumigil. pinilit kong gawan ng bagong kuwento. swak naman. kuwento ko ang ginamit ko, except for hindi ako mekanika. :)

early this year, bigla akong tinawagan para sa isang rush na script. "someday" ni nina ang gagamitin. mabuti na lang at ilang buwan ko na paborito iyun. di na mahirap gumawa ng kuwento. pati dialogues, ginamit ko lang iyong sinabi ko sa totoong buhay. pati nga supporting characters eh!

ngayon, kung matutuloy ang "i can't make you love me," sana hayaan nila ako na kuwento ko uli ang pagbabasehan. at sana di nila mahalata na si jason sa 241, si gerald sa someday at kung sino man gaganap dito sa next episode ko ay based sa iisang lalake sa totoong buhay.

episode ko na pala ang ipapalabas this weekend. isa ito sa favorite ko na episodes, kahit na malayo naman siya sa buhay ko. favorite ko kasi ang director... watch kayo ha!

btw, pasaway itong isang bagong banda ha. ayaw ipagamit ang sikat nila na song sa show. hello? eh dadalawa pa lang naman hit nila na song, kung mag-inarte na sila, akala mo kung sino silang sikat. namomroblema tuloy kami ngayon...

***

ano kaya nangyari kanina sa network? *ngatog* di ako nakapunta kasi dami work sa office. pero confident naman ako sa mga kasama ko. sana maganda ang resulta. oist, kayong dalawa, alam ko nababasa niyo ito, ano na balita?



Song of the Moment: "I’ll close my eyes, then I won’t see / The love you don’t feel when you’re holding me / Morning will come and I’ll do what’s right / Just give me till then to give up this fight / And I will give up this fight ... cause I can’t make you love me if you don’t" - Nina

Quote for the Day: "Those nights when you can't sleep, it might be because you're awake in someone else's dreams," tinext lang sa akin.

What I learned Recently: Ang "I don't wanna be your friend" pala ay hindi original song ni Nina. Revival lang ito ng song ni Cyndi Lauper. UAAP na sa Sabado! La Salle vs UP sa first game.

2 comments:

Anonymous said...

sino yung pasaway na bandang iyan?

oist.. gawan mo naman ng your song yung kanta ni chad.. song for you! sige na!!!!

papadalhan kita ng mp3 tsaka ng lyrics mamaya.. :)

- ellyn

Anonymous said...

oist, sana yung George Michael version na lang ng song. ampangit nung kay Nina eh

kelan na tayo kita? 3 months na pala? :)

-Kiyoko