Monday, July 9, 2007

at the end of the day...

kung direct contact kita sa multiply, malamang alam mo na ang nangyari noong weekend. ambilis ng mga pangyayari. isang araw, napatalon ako sa tuwa dahil sa unexpected news, the next day, parang gusto ko pumatay ng tao. mabuti na lang talaga, hindi for public viewing ang blog entry na iyun. nakakahiya. pero at least natuto na ako... huwag muna magba-blog tungkol sa mga magagandang pangyayari at baka maudlot. ambilis nga naudlot nung sa akin eh. the next day, binawi agad. kainis. oh well...

***

natuwa ako sa episode ko kahapon. ang ganda ng pagka-gawa ni direk joyce bernal. kahit hindi ko gusto si enchong, kinilig ako sa kanya. some friends texted me din to say na kinikilig sila kay enchong. hello, pati si clarissa na hindi mahilig sa bata, ayun, gusto na hintaying mag 18 si enchong. ewan ano balak nya. bwahahaha.

i had to text direk joyce to thank her at maganda ang pagkagawa niya sa script ko. masuwerte ka kung na-execute ng director ng maayos iyong gusto mong mangyari sa script mo. at kay direk joyce, wala akong reklamo. im so lucky nakatrabaho ko siya bago sya lumipat sa kabilang station.

naalala ko when i met her for the first time, she was so nice and friendly. nakikipagbiruan muna siya sa staff, and then we talked about my script. she said she liked the first draft more than the second draft. may hinirit siya na natawa talaga ako. tapos, she gave suggestions na nakaganda sa script ko.

basta sobrang saya ko at maganda kinalabasan nung episode. isa na ito sa favorite episodes ko dahil buo iyong kuwento.

pero wala pa ring tatalo sa "someday" ni kimerald. favorite ko din iyong angelica-carlo na "can't let you go," hindi lang dahil sa it was my first script for your song, but also because i liked the dialogues.

***

kahapon, pumunta ako ng salon para magpa-manicure/pedicure. dun lang sa suki ko sa tapat ng condo namin. kilala ko na lahat ng mga attendants dun.

kasalukuyang nilalagyan ng red nail polish iyong kuko ko nang tinanong ako nung hair stylist tungkol kay sb. nakita kasi niya kami ni sb na magkasama. tapos, iyong manager ng salon, nakita rin niya kami na nag-aabang ng taxi sa labas ng condo namin.

"kumusta na iyong kasama mong gwapo dati?" the hair stylist asked. muntik ko na sagutin, "patay na." pero buti napigilan ko sarili ko. ngumiti na lang ako at sinabing, "ayun..." and then i talked to the manicurista about the color of my nail polish.

haaaay. naalala ko din a few weeks ago, may nag-text sa akin na kaibigan. nagyayayang lumabas. he said, "inuman tayo. isama mo si _____ (name of sb)." sagot ko, "sige, one day."

masyado na kasi magulo kung ikukuwento ko pa na "hindi na kami nagkikita. hindi na rin kami nag-uusap. kaya hindi ko alam kung kumusta na siya o anu na nangyari sa kanya."

kasi kapag sinagot ko pa, may mga follow up questions pa iyan eh. kaya sa ngayon, tamang sagot na iyong "ayun..." saka "sige..."

***

dvd marathon kami ngayon ni clarissa ng third season ng grey's anatomy. ewan ko kung anong meron sa grey's at halos every episode na lang, umiiyak ako. ganung-ganun ang nangyari last year sa season 1 and 2.

dun pa lang ako sa part na namatay tatay ni .... (baka may di pa nakakaalam).

may tinext ako kay ching tungkol sa mag-asawa na iyong husband, gusto maging babae. tinanong ni meredith iyong wife kung bakit she stood by him/her gayung gusto na ng husband na maging babae. the wife said, "at the end of the day, it's still him. even if he hurts me. even if i hate him..."

naiyak ako. claring turned to me and said, "hindi ka naman nakaka-relate di ba? di ba?"

tinext ko na lang si ching at kinuwento ko iyong eksenang iyun. told her na naiyak ako.

"naka-relate ka?" ching asked the same thing.

"ikaw ba, hindi?" i asked her.

"i was too busy crying..." she replied.

***

a high school batchmate is having a church wedding this december. his wife told me i would have a part in the wedding. di ko na tinanong kung kasali ako sa entourage o taga-basa ako ng prayers of the faithful or emcee sa reception. pero pumayag na rin ako. shet. simula na naman ba ng diet ito?

***

haaaay. i know imitation is the best form of flattery pero... nakakabanas lang kapag may gumagaya sa blog mo. pati style ng pagsulat mo. alam ko mga sinulat ko kahit na ilang taon na ang nakakalipas. respeto lang sana... haaaaay...

song of the moment: let it go, let it roll right off your shoulder/ don’t you know the hardest part is over/ let it in, let your clarity define you/ in the end we will only just remember how it feels... all of my regret will wash away somehow/ but i can not forget the way i feel right now... - rob thomas, small wonders

quote for the day: "kung ang taong gusto mo ay mayroon ng iba, tandaan lang ang continental drift theory... kung ang pulo nga naghihiwalay, sila pa kaya..." forwarded text sa akin.

what i learned recently: we are indeed living in a world of uncertainties. akala mo in the bag na, di pa pala... may kakaibang twists and turns talaga na mangyayari para lang asarin ka ng tadhana. at the end of the day, wala kang choice kundi tanggapin na lang kung ano man ang nagyayari sa iyo. sabi nga ng isang forwarded text na nakuha ko, "fate is like getting raped. if you can't fight it, then just enjoy it... "

9 comments:

rina said...

hhm, curious naman ako sa nanggagayang yan, text mo nga sakin yung URL! at least may effort naman na gumawa ng sariling material kahit gaya. tipong one paramecium level higher sa dun sa mga nag-plagiarize na sayo before, he he

noreen said...

RINA, wag na, hayaan na lang natin. pero kuwento ko na lang sa iyo kung ano "entry" nya at ano ung "entry" ko several years ago. teka, kelan ba tayo magla-lunch out o kaya kape? i know may utang pa ako sa iyong starbucks para dun sa grey's soundtrack. :P

noreen said...

^ naku, bawiin ko. "entries" pala, hindi lang isa entry. well, i had to ask claring to check the blog muna, baka naman nago-overreact lang ako. sent her the link to the blog. shy ako sa iyo eh, baka sabihin mo rin na baka nagkataon lang na pareho kami ng "style" sa pagsulat...

aouie said...

uy, anong title nung grey's episode na pinanggalingan nung quote? thanks!

noreen said...

AOUIE, hindi ko alam eh. pero i think it's episode 11 or episode 12. or 10. hehehe. either 10 or 11 un. pero check mo na rin ang 12 to be sure.

aouie said...

thanks!

Anonymous said...

i've watched "your song" episode nung sunday..galing!

caffeinejunkie said...

miss noreen, sige na, message mo na lang sa multiply ko yung url ng nanggagaya sa yo...wait, ako ba yun? nyaku, syensya na po kung ako man yun. minsan kasi i read entries na nakakarelate ako, thus, naisusulat ko din na tulad sa kanya. kung gayon nga, my apologies....

btw, astig pa rin yung kimerald ep. swak yung mga linya. pero oks din yung ep nung sunday. sabi ko na nga ba ikaw nagsulat nun e. bagay si empress chaka si enchong. sila na ba ang binibuild-up ngayon ng dos?

noreen said...

naku, johann, hindi ikaw un. itong nanggaya sa akin, sobrang obvious. as in, hay naiinis na naman ako. empress-dino actually. si enchong lang ginawa ko bida sa episode na un, hehehe

anonymous, salamat po.