Sunday, July 1, 2007

the big night

yeah, i was there in araneta for the big night. i wasn't expecting it. i texted my friend fudge (who works in pbb) around noon to ask kung may ticket sya, at kung puwede ako humingi. she said hindi daw niya mapa-promise.

nakauwi ako sa bahay ng 5pm. at kahit wala pang lunch (buffet kasi ako ng breakfast sa discovery suites kaya di na ako nag lunch), natulog muna ako. sabi ko, para di ako antukin habang nanonood ng pbb sa tv kasi im sure, tambak ng commercial iyan.

nagising ako noong may nagtext sa akin. pero dedma lang ako. tulog uli. after how many minutes, sunod-sunod na ang text na nakuha ko. so napilitan akong bumangon. 7pm na pala. when i checked my phone, si fudge, nagtext para sabihin na may ticket daw siya at magkita kami sa araneta. i asked her kung pwede ako magdala ng kasama, sabi niya, di pa raw sure. isa lang daw mapapangako niya.

ang ending, thirty minutes before the show, nasa labas ako ng araneta, may tatlong extra ticket at naghahanap at nagtetext sa mga tao kung sino gusto manood dahil meron akong tatlong extra ticket. si clarissa, at dalawang kaibigan niya, ang masusuwerteng nabigyan ng tickets. sobrang ginto ng tickets na un. ang daming strangers na nagmamakaawa at nakikiusap sa amin ni fudge na ibigay na lang sa kanila iyong ticket.

neweys, sobrang saya sa loob ng araneta. bilang mabuting kaibigan, minu-minuto ako kung magbigay ng update sa mga taong adik din sa pbb. naka isang daang text ata ako noong gabing iyun lang.

ninety percent ata ng mga nasa araneta ay anti-wendy. sa tuwing pinapakita si wendy sa screen ay nagbo-boo ang mga tao. pero sobrang natuwa iyong buong araneta iyong pinakita ang VTR na nadulas si wendy noong naka-two piece sya.

sobrang saya nung spoof dun sa big four pero di masyado malinaw iyong audio. sabi ko hahanapin ko na lang sa you tube.

noong natapos na ang botohan at malapit na i-announce kung sino ang 4th place, biglang naglipana ang mga bouncers/security. parang nagkanya-kanyang puwesto sila sa araneta. alam ata nila ang balak ng mga tao kung sakaling lumabas na si wendy. handa sila na magkaroon ng riot.

noong i-announce na si gee-ann ang pang-apat, nag-boo ang buong araneta dahil ang expect namin na lalabas ay si wendy. pero biglang naglabasan ang mga banners para kay wendy. aba, may fans din pala siya sa araneta. natakot lang.

during commercial break, may mga sumigaw ng "luto! luto!" and honestly, kinabahan ako. paano kung si wendy nga ang manalo? putsa, riot na talaga ito. dami nag text sa akin to say na mag-ingat ako sa araneta. si direk din, pinapauwi na ako at baka magka-gulo. bago tawagin ang 3rd placer, sobrang kinabahan ako.

di ko ma-describe kung gaano ka saya ang buong araneta noong tinawag ang pangalan ni wendita. namaos ako kakasigaw. lalo naman mga fans ni bea. "mickeeeeeeeeeeeey!" lang ang sinisigaw ko. shet, may pag-asa si mickey!!!

nung lumabas si wendy, grabe, binoo siya ng buong araneta. di na marinig ang sinabi niya pero sobra ang pag-boo sa kanya.

bago sabihin kung sino ang 2nd and 1st place, nakita ko na may pinapalabas ang security mula dun sa front row. mukhang mga family/relatives ni wendy. siguro pinalabas na sila at baka mabugbog sila. hehe

neweys, si bea na nga ang nanalo. since day one, mickey na ang gusto ko na maging big winner. ang saya sana kung siya ang nanalo pero... sige na nga, mas kailangan ni bea.

ala una na natapos ang event. dun ko na-realize na hindi pala ako nakapag lunch at dinner. except for anim na pirasong sushi na nasa ref. kaya pala nahihilo ako. nagyaya pa si fudge ng gimik sa libis with other pbb staff pero nag-pass na ako.

yun lang muna. alas tres pasado na pala ng umaga. sobrang na-excite lang ako sa big night. haaaay ang saya. nung pda grand finals nung december, di ko masyado na-enjoy eh kasi 11pm ako dumating galing party tapos umalis pa ako ng 1130 para sunduin parents ko sa airport. itong big night na ito, na-enjoy ko talaga ng todo! sayang nga lang at di kami nakadala ng digicam. sobrang biglaan kasi eh. ang lapit pa naman sana namin sa stage. sayang oh well.

sana pwede akong sumama sa pbb party bukas (ay mamaya na pala)... sabi ni fudge, titingnan daw niya kung kaya niya ako ipuslit. puwede pa ako magdala ng kasama. yey! makikita ko si mickey!

1 comment:

caffeinejunkie said...

miss noreen! nandun ka pala. sayang, sana nagsabi ako sa iyo na i-boo si wendita for me, then sumigaw ng ich liebe mickey!

(actually, yung inis at asar ko kay wendy e napapalitan na ng unti-unti ng awa dahil mukhang wala na syang silbi paglabas ng bahay. alam naman natin kung gaano sya kinamuhian sa loob ng bahay. damaged goods na sya kung gayon. well, fault naman nya e!)

okay lang na si bea ang big winner, but it'll be fun kung si mickey nga. at least first male winner sya. oh well, at least mas mataas ang placing nya kay wendita. eheheh...

kung nakapasok ka man sa party ng pbb, ihalik mo na lang din ako kay mickey. ehehehe...