Thursday, July 5, 2007

heto na naman ako...

here i am again, conflicted with the same problem i had a couple of years ago: should i stay or should i go?

i got the good news earlier. "tuloy ang ligaya," the text said. i asked, "daily po ba or weekly?" kung weekly, walang problema. it happened before, at nakaya ko. kaso, magiging daily. dusa nga daw, sabi nung ka-text ko.

the first person i called was my mother. she asked me about it last night and i told her, "di pa sigurado." pero ngayon, sigurado na. kaya ako naguguluhan.

kung ako lang, i will plunge into the world of uncertainty. kebs na kung ano mangyayari in the future. itatapon na ang more than four years ng inispend ko dito, dahil kung tutuusin, wala akong nakikitang growth para sa career ko.

pero my parents don't want me to let go. "sayang, ang tagal mo na diyan" saka "sigurado na iyan" ang madalas nilang sabihin. my eldest sister thinks otherwise. "kung san ka mas masaya, dun ka. don't think about the stability or the money... "

what to do? what to do? naalala ko iyong isang text message na nakuha ko: if you keep doing what you've always done, you'll always get what you always got. so the logic is, when you want something you never had, you've got to do something you've never done...

noong finorward ko ito sa mga friends ko kahapon, ang tanong sa akin ni dan, "so ano ang gusto mo makuha at ano gagawin mo para dito?"

sagot ko, "sumikat at yumaman. at susunod na iyong lovelife..."

"hindi mo sinagot ang second question ko..."

wala kasi ako masagot eh. pero ngayong araw, nakuha ko ang sagot ko: hindi pa ako nag-reresign sa trabaho para i-pursue ang ambisyong sumikat at yumaman sa pagsusulat sa tv.

hmmm...

Song of the Moment: Three months and I'm still standing here/ Three months and I'm getting better... Three months and it's still harder now/ Three months I've been living here without you now... Three months yeah, three months... - Sober by Kelly Clarkson. Naalala ko lang, it has been three months since I last saw him. Three months and still counting!

Quote for the Day: "If you keep doing what you've always done, you'll always get what you always got. So the logic is, when you want something you never had, you've got to do something you've never done..."

What I learned Recently: Si Marco Antonio Barrera ang makakalaban ni Manny Pacquiao sa October 6. Aalis na daw si Angel Locsin sa GMA? Baka sa August pa mapo-proclaim ang 12th senator.

3 comments:

Anonymous said...

follow your dreams.

baka magsisi ka sa huli sa mga what-ifs ng buhay. take the risk.

Anonymous said...

Hey friend! Congrats again on the nice "Your Song" ep. Galing, friend. But I'm still frustrated na walang Enchong-Dino angle.

Hahaha!

- 0:-)

noreen said...

anonymous 1, yeah, i might do that. tinitingnan ko lang muna kung gaano na ka-certain iyong pupuntahan ko.

anonymous 2, FRIEND!!! thanks for watching. 'lam ko, di ka nanonood ng local shows pero you watched it for me... ay for enchong pala. :P