Wednesday, July 18, 2007

huling pagsesenti

warning: this entry is super senti. if you hate mush, stop reading. baka masuka kayo... you have been warned.

a few weeks ago, my writer asked me kung nami-miss ba kita and walang kaabog-abog kong sinagot na "hindi."

it was a lie. because even if i deny it to other people, i can't deny it to myself that i am missing you. so much.

when we stopped talking and seeing each other, that didn't mean i stopped thinking about you. that didn't mean i no longer cry myself to sleep. because the truth is, even if i decided to cut ties with you, you didn't leave me completely.

madalas pa rin kitang naaalala. nung isang araw lang, my officemate played frio's alive in her winamp and that set me staring into a blank space and thinking of you. that was just one of the songs that we listened to together. one of the several songs that we both loved.

i remember we were inside the taxi when we first heard that song. hindi pa natin alam sino kumanta at anong title. after how many days, you saw it sa myx. you immediately called me up and we watched the mtv together. mula noon, everytime naririnig mo sa radyo, sasabihan mo agad ako at sabay nating papakinggan.

now im wondering, kapag naririnig mo ba ang mga kanta na pinapakinggan natin ng sabay noon sa radyo habang nagwa-YM, naaalala mo kaya ako? nakikinig ka pa ba ng radyo ngayon? pinapatugtog mo pa rin ba sa mp3 player mo ang mga songs na pinapadala ko sa iyo? kasi ako, andito pa rin iyong mga songs na sine-send mo sa akin. at pinapakinggan ko pa rin sila ng madalas.

nung isang araw, naglinis ako ng inbox. at ang dami ko palang emails na nakuha from you. hindi lang mga mp3s at forwarded emails, pati na iyong mga pictures na kuha sa digicam mo. nakatago pa kaya sa iyo yun o dinelete mo na sila lahat?

kahit binura ko na lahat ng number at text messages mo sa cell phone ko, pati na iyong mga pictures natin together na andun; at kahit wala ka na sa contact ko sa multiply, sa YM list ko at sa friendster ko, hindi pa rin kita nakakalimutan...

sabi nga sa grey's anatomy, parang alon lang iyan. akala mo, wala na, and then, it hits you again. ganung-ganon. may mga araw na hindi na kita naiisip, mga araw na kaya ko na makinig sa mga songs that remind me of you and then there are days, such as today, na may makikita akong insignificant na bagay na magpapaalala sa akin sa iyo. kahit simpleng mamon lang from goldilocks, kasi favorite mo iyun.

so heto ako, nagsesenti dahil naaalala kita, habang ikaw... ano nga ba ginagawa mo ngayon? ano na nga ba nangyayari sa buhay mo? wala na akong alam. hindi tulad noon, alam ko lahat ng nangyayari sa iyo, ultimo ulam mo for lunch, alam ko.

and it pains me to think na may iba ka na sinasabihan ngayon kung ano ulam mo for lunch, kung ano ang music na pinapakinggan mo, kung ano ang ginawa mo sa opisina ngayong araw na ito.

pero tanong lang, sa apat na buwan natin na hindi nagkita, nagkausap at nagkasama... did you, even for a second, think of me and miss me?

kapag naghahanda ka araw-araw papuntang opisina at ginagamit mo ang christmas gift ko sa iyo, naiisip mo ba ako?

kapag dumudungaw ka ba sa bintana ng office niyo at nakikita mo ang starbucks sa tapat, naaalala mo ba iyong mga hapon na nagkakape tayo dun? iyong mga oras na nilagi natin doon kapag inaantok na tayo sa opisina, o kaya wala tayong magawa at gusto nating magkita at magkausap...

may mga panahon ba na naaalala mo iyong araw-araw nating pagcha-chat? iyong mga gud mornings mo sa akin at mga buzz, iyong mga "inaantok ako" na message natin sa isa't isa, mga "kape tayo" at "lunch tayo..."

kahit iyong kuwentuhan natin about sa mga TV shows, na kapag hindi ko napapanood ang episode ay ikaw ang nag-a-update sa akin. kapag ba nakikita mo sa TV iyong show ko, o iyong mga artistang nakasama natin sa gimik, naiisip mo rin ba ako?

simple lang naman ang tanong ko eh... na-mi-miss mo kaya ako gaya ng pagka-miss ko sa iyo? kasi sobrang miss na miss kita. lalo na ngayong magbi-birthday ka na naman.

last year, gitna ng linggo ang birthday mo kaya ang haba ng selebrasyon natin, di ba? the weekend before your birthday, nanood tayo ng pirates sa globe platinum sa gateway, tapos nagsimba, tapos nilibre mo ako sa isang indian restaurant. noong mismong birthday mo, nagpadala ako ng cake sa office niyo.

noong weekend after your birthday, niyaya mo ako na mag lunch sa bahay niyo dahil sabi mo, magluluto ka. apat or limang putahe nga ang niluto mo noon. tapos nag-simba tayo sa greenbelt. ang lakas ng ulan noon at basang-basa tayo noong mineet natin iyong dalawang kaibigan natin for dinner at nanlibre ka. tapos, kahit may pasok kinabukasan, nag-inuman pa tayo at madaling araw na nakauwi sa bahay. medyo di nga lang tayo okay nun kasi i confronted you about our "situation" and you evaded the issue. kaya di kita kinikibo hanggang sa umalis ka na ng bahay. tapos nalaman ko na nadulas ka pagdating mo sa bahay niyo. pinakita mo pa nga sa akin iyong scar mo.

sabi ng mga kaibigan ko, grabe daw ang memory ko. kahit maliit na detalye tungkol sa mga nagyari 10, 20 or 25 years ago, naaalala ko pa. pano na kaya iyong mga nangyari several months ago pa lang?

nung nag-metrowalk kami last weekend, naalala ko iyong araw na tumawag ka sa bahay ng hatinggabi at nagkayayaan tayong mag-starbucks. kahit umuulan, sinundo mo ako sa condo. may bagyo pala nun kaya ang aga nag-sara ng starbucks sa shangrila. pumunta tayo sa podium, sa tektite at sa emerald avenue, pero sarado na rin silang lahat kaya nakarating tayo sa metrowalk. nagkape lang tayo dun hanggang alas dos ng madaling araw, tapos hinatid mo na rin ako sa amin.

dahil sa memory ko, lahat na yata ng lugar, na-a-associate ko sa iyo. mga malls na napuntahan natin, mga bar na ginimikan natin. nung unang punta ko ng mall of asia na hindi ikaw ang kasama ko, gusto kong umiyak. pero nakaya ko naman, bumalik pa nga ako eh. nung bumalik ako sa esquinita this year, bumalik din iyong lahat ng nangyari sa atin dun last december. pero i appeared unaffacted when i was drinking with my friends, kunwari dedma. noong nanood ako sa araneta ng big night, naalala din kita. pero agad ko dinismiss ang thought na iyun sa utak ko.

grabe, sa mga ganitong panahon, parang cursed ata magkaroon ng photographic memory. lahat ng detalye, naiisip ko. lahat. pati iyong mga hindi ko na dapat naaalala.

i know i shouldn't be missing you. di na dapat ako nagsesenti. para ano pa? hindi naman ako umaasa na bumalik tayo sa dati. after what you did to me? ang gaga ko naman kung hanggang ngayon, mahal pa rin kita. pero... wala lang, may mga instances lang talaga na hindi ko mapigilan na hindi ka ma-miss.

nung isang araw, ka-YM ko iyong isang common friend natin. sinabi mo sa kanya na nami-miss mo na ako pero ayaw mo muna ako kausapin o kontakin para makalimutan na kita... "even if it takes years," sabi mo.

naiyak ako noong magka-YM kami. tinawagan ako nung friend natin at nag-sorry sya kasi pinaalala ka niya sa akin. umiiyak ako habang 15 minutes kami nag-usap sa cell phone. naiyak ako noong nasa bus na ako pauwi. naiiyak na naman ako habang sinusulat ito.

grabe, ilang beses na ba ako umiyak dahil sa iyo? oo, umiiyak na naman ako. kung mababasa mo lang ito, alam ko, kukunot na naman noo mo at iisiping "heto na naman tayo..." pero sorry ka, talagang senti ako. talagang iyakin ako. wala na tayong magagawa dun.

sabi mo noon, special ako for you kaya hind ka gagawa ng bagay na makakasakit sa akin. that you will always be there for me. na whatever happens, andyan ka lang para sa akin... "i won't do things to offend you... love you, nor," text mo sa akin noong november.

ang tagal naka-save sa phone ko ng text message na iyun. pero dinelete ko agad noong nalaman ko na nagsisinungaling ka na pala sa akin. kung hindi pa kita tinanong ng harapan, di mo pa aaminin ang totoo. pero naiintindihan ko, kasi sabi mo, di mo sinabi agad kasi ayaw mo masaktan ako...

i could have stayed and remained to be "your friend" and you would still be here with me, and we would still be doing things we used to do pero i decided to let go. kahit mahirap.

a few entries ago, i was hinting na okay na ako. naman, minumura na nga kita kapag nakikipag-usap ako sa mga kaibigan ko. kaya ko na mag-kuwento tungkol sa iyo ng hindi ako naiiyak.

pero magkaiba pala ang letting go at moving on. nakapag-let go na ako sa iyo pero moving on doesn't happen overnight. ang daming beses na akala ko, okay na ako... hindi pa pala.

buti nga kahit na magkatapat lang ang building natin, at ilang metro lang ang layo ng bahay niyo sa bahay namin ay hindi tayo nagkikita unexpectedly. di tulad nun na ilang beses din tayong nagkabangga sa ayala, at nagkita sa mall ng hindi inaasahan. siguro, nakikiuyon sa akin ang tadhana. huwag daw muna, hindi pa ako handa...

sinadya ko maging mahaba ang entry na ito. kasi gusto ko ibuhos lahat, para last na talaga. ayoko na magsulat tungkol sa iyo. pero writing helps alleviate the burden im carrying. ayoko na sana isipin ka at ma-miss pero we can't help what we feel. sana ang feelings parang switch na puwede natin i-on and off whenever we want to. kaso hindi, wala tayong control dun.

lagi ko sinasabi na we cant help what we feel. but its how we deal with our feelings that matters. hindi ko kaya pigilan kung ma-miss man kita. kahit na i shouldnt be thinking about you, i know that missing you doesn't make me less of a person. it makes me human.

pero may control naman ako kung paano ko iha-handle ang emptiness na nararamdaman ko ngayong wala ka na sa buhay ko. pwede ko lunukin ang pride ko at mag email sa iyo (dahil memoryado ko naman email address mo), at ipaalam sa iyo na okay na ako, na puwede na tayo mag-usap uli. pero kapag ginawa ko iyun, sarili ko lang ang pahihirapan ko... alam naman natin kung bakit, di ba? iba na ang sitwasyon mo ngayon.

kaya dito ko na lang sa blog i-a-acknowledge na nami-miss kita and everything that we did together -- iyong mga lakad at gimik nating dalawa, iyong mga gabing sinusundo mo ako kapag lasing ako, mga panahong andyan ka para patawanin ako, or iyong panunuyo mo sa akin kapag nagtatampo ako, o iyong pang-ookray mo sa buhok ko, iyong mga walang katapusang kuwentuhan natin tungkol sa kung anu-anong bagay. and your hugs... god, i miss them! i miss sleeping with your arms wrapped around me... pero hanggang dito na lang sa blog iyun. dito ko na lang nilalabas lahat ng kasentihan na nararamdaman ko kapag naiisip kita.

"hindi naman napapawi ang pagka-miss mo sa kanya kahit pa ilang blog entry ang isulat mo," sabi sa akin ng high school best friend kong si ching.

the feeling of missing you will never go away. i just have to learn to get used to it. i just have to find ways on how to deal with it. iyong nakatambak na kahon ng sapatos na di pa nagagamit at ang bills ko sa credit card ang nagpaalala sa akin on how i cope with my depression that you caused. hanap na lang ako ibang mas murang therapy para makalimutan ka at hindi ka ma-miss.

four months ago, i walked away for a reason. and although i really miss you and part of me wants to see you, talk to you and be with you, i am still staying away from you, for self-preservation.

and since i won't be able to greet you on your birthday, dito na lang... happy birthday! sana masaya ka. alam ko masaya ka. sabi mo when we last talked, masaya ka na with her, di ba? kita ko naman sa multiply mo (noong contact pa kita) na masaya ka nga with her.

hihintayin ko na lang iyong time na magiging masaya din ako. masaya naman ako ngayon. i have my family and friends. my career is doing well. pero, mas magiging masaya lang ako, kapag hindi na ako naaapektuhan sa mga memories mo... kapag hindi na ako nasesenti dahil sa iyo.

sana talaga, last pagsesenti na ito...

5 comments:

Anonymous said...

nurin, nobody should stop you from writing down all your feelings. this is how you cope up with your struggles and heartaches.nakikibasa lang sila,wlang pakialaman,hehehe. if i know,people enjoy reading your entries. sinusubaybayan pa nga nila di ba?

seriously, i am one of your avid readers and i do wish for your happiness. i would surely love to read an entry that would say that you are finally "HAPPY"..until then my friend.

--sallybabes--

Anonymous said...

sabi nga, the one who loves most is one who really suffers.

vent out lang dear.. hugz...

- lushlips -

Anonymous said...

Unsa man tawon na imong gugma, Inday. Grabe man! But you'll know when it's over when you get to relate to this famous OPM song by Joey Albert, " I remember the boy, but I don't remember the feeling anymore." For the meantime, "padayon sa, sa imong gibati."

Your fellow Bisdak and UPian,
Mabel

Anonymous said...

self-preservation is the word. :) i can totally relate to your entry mare lalo na yung quote mo sa Greys (coming and going of the feeling/s na akala mo wala na). so hang in there, malapit na yan :)
-Kiyoko

maroon said...

sasabihin ko ba na nakakarelate ako?hahaha... tama ka.. magkaiba ang letting go and moving on.. that's one of life's lesson I learned along the way.. moving on will not happen overnight.. pero sana dumating ka sa point na pag may makikita kang bagay na nakakapagpaalala sa kanya.. sana.. masasayang memories na lang ang maisip mo.. and not the pain you went through..

*hug*