Friday, July 20, 2007

kerengkeng






happiness is ... being with friends and having fun behaving like children.

my writer celebrated her 24th birthday at the office today. she mentioned she never had a children's party when she was a kid kaya heto, nag-children's party kami. and although konti na lang kami sa department namin, masaya naman. ang kukulit.

***
had an initial meeting with direk j and three other writers for this new show. pero di ako umaasa. ilang beses na ba ako nagkaroon ng "new show" tapos naudlot lang? tatlo. tatlong new shows na ang "nawawala" sa akin. iyong una, adult sitcom na na-shelved. iyong pangalawa, di ata ako type nung headwriter kaya after two meetings, hindi na ako sinama at di nabigyan ng assignment. iyong pangatlo... hanggang ngayon, wala pang binibigay sa akin. so itong new show na ito, hindi na ako sobrang umaasa. i mean, oo, hopeful ako na maipalabas ito pero i-ready ko na lang ang sarili ko.

***

magsusulat sana ako tungkol sa kung paano ako napagod, napuyat at natuyuan ng dugo kay wendy at bruce pero dun na lang sa multiply para contacts ko lang makakabasa, hehe. saka, may interesting kuwento si direk tungkol dun eh. not for public consumption. *mambitin ba*

***

while in a meeting yesterday, direk j told us the title of his latest movie. "waiting for love," he said.

then like a blushing teenager, he started to sing, "and it seems, i've spent my whole life, waiting for love..."

naki-kanta na rin ako at nag-duet kami, "but when it comes, i always run away..."

we laughed and then direk j turned to one of my co-writers to ask, "G, sa tingin mo, magkaka-boyfriend pa itong si noreen?"

before my co-writer could answer, direk j casually said, "magaling iyang chumupa!"

i shrieked, "direeeeeeeeeeek!"

then they talked na gawan daw nila ako ng sex video para tumaas ang market value ko. tapos i-upload nila sa you tube para sumikat ako. kung mag-kuwentuhan sila, parang wala ako doon.

grabe. may mga hirit talaga si direk na nakakaloka. akala ko immune na ako sa mga biro niya, may mga hirit pa rin siya na hindi ko kayang i-take.

pero bumawi naman siya. noong nakita niyang gusto ko na magtago sa ilalim ng mesa sa kahihiyan, he said, "pero mahal ko iyang putanginang iyan."

oo, ganyan siya magmahal. hehe. kaya love na love ko iyan.

Song of the Moment: And it seems, I've spent my whole life, waiting for love. And when it comes, I always run away - Waiting for love, Sergio Mendes
Quote for the Day: "Kahit nasasaktan ang isang tao, pinipili pa rin niya magmahal. Bakit? Siyempre, kerengkeng!" isang forwarded message.
What I learned Recently: Puwede para magkaroon ng kambal na magkaiba ng tatay. Nasagap ko lang somewhere noong nagkukuwentuhan ang mga barkada ko. Tapos may napanood akong episode sa Grey's tungkol dito.

6 comments:

Anonymous said...

miss noreen, di ba may gf si bruce quebral na taga-UP din? gimik lang ba ang relasyon chuchu nila ni wendy? ang nakakainis lang talaga sa abs-cbn eh masyadong obvious na fake lang naman ang mga "relationship" ng love teams nila unlike gma-7 na medyo totohanan talaga.

Anonymous said...

heteropaternal superfecundation: kambal na magkaiba tatay; pwede din yung parehong tatay, bale fraternal twin lalabas pero sa magkaibang instance ng pagtatalik nabuo yung bata within the same mentrual cycle... to make things even worse, pwede ding magkaroon ng twins ang isang babae from a different menstrual cycle, tipong isang buwan ang agwat ng pagkakabuo nung twins... nakakaloka noh?!

digress lang, re wendy: pa'no naman kaming loyal readers mo pero hindi mo contact sa multiply? ganun na lang yun, kanya-kanya na? di bale na loyalty? :D

noreen said...

anonymous1, break na si bruce at ung GF nya na taga-UP. i think ito iyong hiniwalayan ni bruce on national TV, while ha was inside PBB house. am not so sure, though...

anonymous2, naks, talagang nag-research ah! hehehe oi, i learned something new today... pwede pala ung dalawang menstrual cycle??? wow. amazing. :D

as for brendy, hehe, nag-iingat lang ako. at least sa multiply, alam ko lang sino nakakabasa unlike dito sa blogspot, di ko alam kung sino nakakabasa nung mga "classified info" na sinusulat ko. hehehe

caffeinejunkie said...

aylab direk jjr! grabe. ansarap sigurong maging mahal nya no, miss noreen?

henyway, you got my PM? korni ng story no?

ayush talaga ang dos, milking brendy for all its worth. oh well, baka alam nila na madali ding malalaos yung dalawa!

(ayan tuloy, magbabasa na ko ng multiply! buti na lang contact mo ko...)

Anonymous said...

noringai: hinde naman, na-curious lang kasi ako sa subject nung napanood ko yung in the womb series sa national geographic. yung instance nga dun triplets yung mga bata: isang pair in identical twins at yung pangatlo ay product ng superfecundation (same father naman, awa ng diyos).

hmf! tampo pa rin ako sa yo. ayaw mo pa rin mag-share!

noreen said...

JOHANN, ay oo, kung labs ka ni direk, uulanin ka ng okray pero iyun ang way nya to show his affections. hehe

and yup yup nabasa ko na. sige ipi-pitch ko yan sa headwriter ko :D thanks

ANONYMOUS, oi napanood ko din yung in the womb na un. triplets nga din ata. dun ko ata nakuha iyong sabi ng mga barkada ko na pwede nga magkaiba tatay ng kambal...

pakilala ka muna at mag-multiply, ishe-share ko sa iyo iyong info :P hehe