Sunday, July 15, 2007

kuwentong sabit

paano mo i-english-in ang "bawal sumabit sa jeep?"

naalala ko lang kasi iyong kuwento nung nasa UP pa ako. bawal sumabit sa jeep kapag nasa loob ka ng campus. kapag may sumabit, mahuhuli iyong driver. so minsan, puno na ang jeep at may amerikano na sumabit sa may vinzon's hall. hindi makaalis iyong jeep. iyong driver, panay ang iling at kinakampas niya ang kamay niya, his way of saying na hindi puwedeng sumabit. siguro, hindi alam noong driver kung paano sasabihin sa kano.

dahil hindi makaalis iyong jeep, at nagmamadali na ang mga pasahero, naglakas loob na ang kaibigan kong si L1 na kausapin ang kano. she said, "sir, you are not allowed to hang on the jeep." sagot nung kano, complete with accent, "why not?" hindi makasagot si L1, kaya si L2 ang sumalo. "because it is forbidden."

na-gets naman nung kano at bumaba siya ng jeep.

***

"ang tunay na pag-ibig, madalang lang ang biyahe niyan. kaya pag dumaan sa iyo, parahin mo, sumakay ka, kasi baka di na bumalik iyun, siguro nga, babalik pa, pero pano kung may sakay ng iba, sasabit ka na lang ba?"

finorward ito sa akin two years ago. hanggang ngayon, naka-save pa rin siya sa akin sa cellphone ko.

hindi ako sumasabit sa jeep pero last year, pinilit kong sumakay kahit na alam kong may nauna na sa akin. puno na ang sasakyan pero nagpumilit ako. baka lang kasi maka-puwesto ako. baka kasi mag-decide iyong driver na pababain iyong pasahero na nauna sa akin at ako na ang piliin.

for 14 months, i had a colorful ride, kahit na hindi ako sigurado kung ano mangyayari sa akin. basta masaya ako, that's what matters. di bale na nauuntog ako o nahihirapan dahil sa pakikipagsiksikan sa nauna na sa akin. di bale na kung maraming beses na syempre, dahil sabit lang ako, hindi ako ang priority ng driver. nag-kasya na ako sa hanggang san niya lang ako puwede ihatid, o kung gaano kaliit na space lang ang puwede niya mabigay sa akin. di ako puwede mag-reklamo kasi, pinili ko iyun. magtiis dapat ako.

pwede naman kasi ako bumaba at maghanap ng iba, pero hindi...kasi, umaasa kasi ako na baka magbago ang ihip ng hangin.

pero habang tumatagal, naiinip na ako. hanggang kelan ba ako sasabit? tapos, nalaman ko, aba, hindi pala ako nag-iisa. may kasama pala ako sa paghihintay na bumaba iyong isang pasahero. kaya na-threaten ako. and i decided na hindi puwedeng magsawalang-kibo na lang ako.

kaya nung tumagal-tagal, nagiging demanding na ako. na gusto ko, ako lagi nasusunod. sabit nga lang ako pero ako ang lagi nagde-decide kung san kami pupunta. tapos, nagagalit kapag hindi ko nakukuha ang gusto ko.

ang ending, dahil sa pagpupumilit kong sumakay, nahulog ako... nasaktan. pero ang mas masakit, iyong driver, pinababa ang pasaherong nauna sa akin, pero may iba naman na pinasakay. hindi iyong kasabay kong naghintay. iba pa! sabi, nauna daw sa amin iyong bagong pasahero. hindi ko lang napansin kasi nakasakay siya dati sa ibang jeep, lumipat lang.

pero ngayon, naisip ko, magaan kasi siya kaya siya ang pinili. para hindi mahirapan ang driver sa pag-pasada. leche. ako daw kasi, literally at figuratively, mabigat dalhin.

minsan nga naisip ko, sana, nung una pa lang, nilaglag na lang niya ako. sana hindi na umabot ng ilang buwan. di na sana ako pinaasa na ako lang ang magiging pasahero niya until the end. eh di sana, di nasayang ang oras ko. di sana, nakahanap ako ng ibang jeep na masasakyan. eh di sana, hindi ako masyadong nasaktan.

pero on the other hand, dahil sa nangyari, natuto ako na hindi na ako sasabit kahit kailan. maghihintay na lang ako ng bakanteng jeep. kung walang dumating, puwede naman mag bus o magtaxi, o kaya maglakad mag-isa.

sabi nga ng kanta ni carrie underwood, "there's mistakes that i have made... some roads i never should've taken... but it don't make no difference, the past can't be rewritten... but there were lessons learned."

heto ang complete lyrics...

Lessons Learned
by Carrie Underwood

There's some things that I regret,
Some words I wish had gone unsaid,
Some starts that had some better endings,
Been some bad times I've been through,
Damage I cannot undo,
Some things, I wish I could do all all over again,
But it don't really matter,
Life gets that much harder,
It makes you that much stronger,
Oh, some pages turned,
Some bridges burned,
But there were,
Lessons learned.

And every tear that had to fall from my eyes,
Everyday I wonder how I get through the night,
Every change, life has thrown me,
I'm thankful, for every break in my heart,
I'm grateful, for everytime,
Some pages turned,
Some bridges burned,
But there were lessons learned.

There's mistakes that I have made,
Some chances I just threw away,
Some roads, I never should've taken,
Been some signs I shouldn't see,
Hearts that I hurt needlessly,
Some roads, That I wish I could have one more chance to make,
But it don't make no difference,
The past can't be rewritten,
You get the life you're given,
Oh, some pages turned,
Some bridges burned,
But there were, Lessons learned.

And all the things that break you,
All the things that make you strong,
You can't change the past,
Cause it's gone,
And nothing's gotta go,
Because they are gone,
Lessons learned.

3 comments:

rina said...

my gulay, talagang pinanindigan ang jeep analogy!

at syempre unti-unting lumalantad sa akin ang istorya. all this time ang akala ko binalikan nya yung dating, um, pasahero, yun pala nagsakay ng iba! haynako, bawal kasi ang overloading!

ppermint said...

hahaha..grabeh po! Nurin, you are the best! sobrang galing mo talaga magsulat..no wonder, may gusto gumaya sa yo.IDOL!!!

caffeinejunkie said...

ibang level ka talaga, miss noreen! i kinda agree with you. minsan kasi, we hang on because of necessity (dahil iyon ang pinakamadaling paraan to survive) or adventurism (what can life be hanging on) or wala lang. minsan we risk life and limb, pero ganun talaga. sumasabit tayo sa jeep several times in our lives.

alam mo, me gusto akong ipitch na storyline sa iyo. di ko lang alam kung magugustuhan mo...