Thursday, July 26, 2007

nakita ko kahapon...

nakita ko kahapon na pinuntahan niya ang multiply site ko. and she read my blog. malamang nabasa niya ang mahabang entry na sinulat ko about you. at kung totoo man iyong sinabi mo dati na wala siyang alam about "us" ay siguradong alam na niya ngayon na we had a thing. and siguro gets niya na ikaw iyong tinutukoy ko dun. assuming na okay ang kanyang reading comprehension skills.

***

nakita kita kahapon.

since april, lagi akong late kung umalis ng opisina. umiiwas lang ako na makasalubong ka or something dahil alam ko maaga ka umuuwi. pero kahapon, kailangan ko umalis ng maaga kasi i had to be at gateway before 7.

kaka-text ko lang sa kaibigan ko na baka ma-late ako dahil mahirap sumakay at nagko-contemplate ako kung magta-taxi ba ako o mag-e-mrt nung may nakita akong kamukha mo. nakatalikod sa akin at naglalakad palayo, nag-aabang din ng sasakyan. hindi ako sigurado kung ikaw nga ba iyun pero, height mo, buhok mo, mukha mo, at may damit kang ganun...

pero just the same, natigilan ako. ikaw ba iyun o kamukha mo lang? lumingon ka. tapos umiwas ng tingin. naglakad ng konti palayo at nakihalo ka sa maraming tao. tapos lumingon uli sa akin. nakita mo ba ako kaya ka nagtago sa maraming tao? pinilit kong tingnan kang mabuti, naniniguro kung ikaw nga iyun. sa side view, ikaw na ikaw. for the third time, lumingon ka uli sa akin, opportunity ko na para masiguro kung ikaw nga iyun o hindi pero umiwas ako ng tingin. kung ikaw nga iyun, ayoko isipin mo na nakita kita. ayoko malaman mo na tinitingnan kita. hindi na ako muling tumingin sa iyo, sa kalsada na lang ako nakatingin, nag-aabang ng sasakyan. kunwari hindi affected. hanggang sa may dumaang jeep at kahit wa poise ay tumakbo ako at nakipag-gitgitan sa maraming tao para lang makasakay agad.

"putangna, nakita ko si ______," nag-text agad ako pagkasakay ko ng jeep. nanginginig pa ang daliri ko nun. friends immediately replied to say "kaya mo yan." "wag mo pakita sa kanya na affected ka" and "anong nangyari? nakita ka niya?"

araw-araw, sa tuwing naglalakad ako sa ayala o kahit saang lugar na alam kong pinupuntahan mo, sinasabi ko, "lord, sana hindi ko makita si sb." kung sakaling tadhana na magkasama man tayo sa isang lugar at the same time, sana, ako lang ang makita mo at di kita makita. hindi ko kasi alam kung ano ang magiging reaction ko.

ayan na nga, the inevitable happened. nakita kita.

pero sabi ko, ayoko magpa-apekto. kaya mula kagabi, iniisip ko na hindi ikaw iyun. kamukha mo lang. kamukha mo lang na nagkataong nagtago at lumingon sa akin ng tatlong beses.

***

nakita ko na kagabi ang harry potter and the order of phoenix. nagustuhan ko siya. wala na masyadong tao sa gateway noong nanood kami ni kareen. pero naaliw ako sa movie. better than 1 and 2. better than hp 4. pero favorite ko pa rin so far ang hp3 na movie. siguro kasi iyun din ang pinakagusto kong libro, ang prizoner of azkaban

***

after the movie, i told kareen na gusto ko uminom. we went to cafe havana. i loved their chocolada. so umorder ako ng dalawa. ginawa ko lang daw juice sabi ni kareen. ang chocolada ay kahlua, hersheys brown cow saka tanduay rhum. pag-uwi ko sa bahay, nakita ko uli ang ininom ko na chocolada. habang sumusuka, naisip ko, "shet, sayang. ang mahal nito!"

naalala ko tuloy iyong kuwento tungkol sa isang big star ng network. kaya daw niya umubos ng isang buong lechon de leche. one time, after niya kumain ng lechon, nasuka siya. sabi niya, "naku, sayang iyong lechon na kinain ko..."

***

kanina, magkausap kami ng friend kong si rio. he asked me kung ano daw iyong chocolada. so sinabi ko what it's made of, at sinabi ko rin ang epekto sa akin -- sumuka ako pagdating ng bahay at sira ang tiyan kinabukasan.

"pero masarap," sabi ko. he said para daw palang bawal na pag-ibig ang chocolada. masarap pero bad for you...


song of the moment: and i'm so sick of love songs / so tired of tears / so done with wishing you were still here / said i'm so sick of love songs so sad and slow / so why can't i turn off the radio? - so sick by ne-yo

quote for the day: "... things we lose have a way of coming back to us in the end if not always in the way we expect," sabi ni luna lovegood sa harry potter 5. (tama ka, kareen, qotd ko nga ito! hehehe)

what i learned recently: madugo pala ang gumawa ng soap/teleserye. but am not complaining! ;)

4 comments:

kHitee` said...

Ate ur making a soap na? WOW! CONGRATS! Lets us know more about that ha? At ung ke SB.. Hmmm.. Tama kamukha lang niya un. Keri mo yan. Smile. ΓΌ

Anonymous said...

sis, sinu nga ba ung nagdeny kay JEsus ng 3 times?..hehehe..welll..ikaw na bahala magkumpleto ng comment ko...pero..sabi ni cecille, si san pedro daw un, kahit deny nya c Jesus ng 3 times, sa kanya pa rin nauwi ang susi ng kalangitan...sayo ba, sya pa rin ba ang may hawak ng susi ng heaven mO?..anyways..keep it up, kaya mo yan..dito lang kame, wait ng chocolada treat mo..hehehe
-sallybabes/cecille-

noreen said...

salamat, KT. sana matuloy. sa ngayon, conceptualization stage pa lang kami eh. minsan, kahit nalatag na buong season, di pa rin natutuloy. :)

SALLY at CESIL, tama bang may biblical reference pa? hehehe at "susi ng langit?" parang iba ata dating...malamang si cesil may hirit nyan, no? hehe

kiyoko said...

maganda ngang qotd yun ni Luna Lovegood.

sabi ko naman sayo - time lang kailangan nyan. at tama ka rin, mas madali kung hindi mo sya nakikita. ako pag nakita ko na yung ex ko ngayon i wouldn't know how i would react. siguro taasan ko lang ng kilay, sabay ngarat. hahahaha.

anyhoo, kaya mo yan mare.