Wednesday, August 8, 2007

almost there...

i am down to the last three chapters of the final installment of the harry potter series. for someone who's supposed to be really busy (because of the good news that i got in the previous entry), nakakahanap pa rin ako ng time to read the book.

slept at 2 am because i just couldn't put the book down. pero three chapters na lang, sinukuan ko pa... my writer said kung siya yun, tinapos na niya. sabi ko naman, ayoko muna tapusin. mamaya na lang. nakakalungkot lang na kapag natapos na ako sa book na ito... wala na.

ako lang ba or do you also get that feeling of sadness kapag alam mong matatapos ka na sa libro na binabasa mo? ilang days mo siya binabasa, kilala mo na ang mga characters and involved ka na sa kuwento and then... makikita mo na matatapos na ito.

ganyang-ganyan ang naramdaman ko when i was reading diane setterfield's "the thirteenth tale." it was direk j's christmas gift to me and now, it's one of my fave books. ang galing nung twist sa huli.

with harry potter, as i am down to my last three chapters, nalulungkot ako dahil matatapos na ang kuwento ni harry. ilang years ko din sinubaybayan un. ako lang ba or may naiyak din dun nung namatay si ehem?


***

mamaya, i am going to submit my resignation letter... un lang. scary. grabe, tatalikuran ko ang kompanyang bumuhay sa akin ng more than four years, ang kompanyang nung bago pa lang ako ay sabi ko, dito na ako tatanda. itatapon ko ang security and stability ng isang malaking kompanya para sa unstable na career sa telebisyon. pero, this is it... the sign and the answer prayer arrived last saturday. ito na iyun... pikit-mata na akong tatalon. sasakay na ako ng elevator kahit di ko alam kung anytime ay titigil ito at masta-stuck ako. basta lord, bahala na kayo sa akin...

sabi ng barkada kong si dan, take the risk. yun naman na talaga ang gagawin ko -- take a risk. hindi lahat ay nabibigyan ng ganitong chance. so grab na agad ako. and, this has been my dream.

two years ago, when i was starting in the network, sabi ko, "pangarap ko magkaroon ng soap sa primetime." heto na, binigay na sa akin... salamat, lord, grabe.

***

"masokista ka talaga!" sabi nung writer ko sa akin when she caught me checking on something i shouldn't be looking at anymore.

hindi ako masokista. gusto ko lang ma-desensitize ako. gusto ko dumating sa point na kapag may nakita ako or nalaman or narinig, wala na akong maramdaman. kung sa tingin nila, pagiging masokista iyon, sa akin naman, desensitizing ang tawag dun. kanya-kanyang perspective lang iyan.

it's the same reason why certain songs keep on playing in my player right now. paulit-ulit. gusto ko lang ma-desensitize.

song of the moment: it’s really over / you made your stand /you got me crying as was your plan / but when my loneliness is through / i’m gonna find another you - john mayer

quote for the day: "if you keep on looking on what you've left behind, you will never see what lies ahead," chef gusteau, ratatouille (salamat sa text, leslie!)

what i learned recently: walang pasok sa august 20 and august 27. long weekend!

1 comment:

rina said...

anuba, ngayon mo lang nalaman ang mga long weekend na yan? matagal na yang naka-marka sa kalendaryo ko! :)

no major travel plans, though. i've decided na magtitipid na lang ako for a batanes trip early next year, he he

congratulations and God bless on your leap of faith. let me know kung hanggan kelan ka para makapag-kape man lang tayo, he he