Wednesday, August 29, 2007

closure?

gusto ko lang i-share ang dalawang eksena sa upcoming episode na sinulat ko.

-------------------------------------------------

7. INT. KUSINA, BAR - NIGHT

Nasa kitchen si Chinggay, naghahatid ng mga hugasan, darating si Lena, mukhang excited. Magkukuwento kay Chinggay.

LENA
Oist, nakita mo ba? Parang may LQ iyong dalawa kanina...

CHINGGAY
Sino? Si Tisoy at si Tisay?

LENA
Parang nag walk out si babae, tapos hinabol siya ni Harvey.

Magre-react si Chinggay, magbibiro.

CHINGGAY
Harvey? Close na kayo?

LENA
Sa gabi-gabi ba naman niyang pagre-request, nalaman ko na pangalan niya.
Ano kaya nangyari sa kanila?

Dreamy look from Lena, pipigilan siya ni Chinggay...

CHINGGAY
O, o, hinay-hinay lang, huwag umasa.

LENA
Ano ba pinagsasabi mo? Nagkukuwento lang naman ako, ano masama dun?

CHINGGAY
Eh bakit ganyan ang hitsura mo?
Para kang cartoon character na kumikislap-kislap ang mata...

Lena will deny.

LENA
Malisyosa ka lang!

Lalapitan ni Chinggay si Lena, aakbayan...

CHINGGAY
Lena, okay lang na magkagusto ka kay Tisoy. Gawin mo siyang inspirasyon...
Huwag ka lang umasa kasi, ang mga tulad niya, parang...

Makikita ni Chinggay ang sizzling plate sa tabi na may sisig.

CHINGGAY
...parang sisig!

Magugulat si Lena.

LENA
Sisig?

CHINGGAY
Masarap. Nakakapag-pasaya. Hindi mo matigilan.
Pero, kapag nasobrahan, sakit sa puso ang aabutin mo.
Para siyang sisig, bad for the heart...

Iismiran ni Lena si Chinggay, pero mapapaisip sa sinabi ng kaibigan.



19. INT. KUSINA, BAR - NIGHT

Bumubuga si Lena kay Chinggay, umiiyak.

CHINGGAY
Sinasabi ko na nga ba... Tsk tsk tsk

LENA
Hindi ko nga alam bakit ako nagseselos. Kung bakit ako natatakot na magkabalikan sila.
Hindi ko naman siya boyfriend, lalong hindi naman siya nanliligaw. ...
Pero bakit ako affected?

CHINGGAY
Kasi in love ka na sa kanya! Tsk Tsk Tsk

Iiling si Chinggay. Uupo si Lena sa tabi niya.

LENA
Chinggay, ang sakit...

CHINGGAY
Oo naman. Kasi, umasa ka.
Alam mo ba kung ano ang dahilan ng lahat ng sakit, galit at kalungkutan sa mundo?
Expectations.

LENA
Hindi naman ako nag-e-expect na mahalin niya rin ako. Pero nagwi-wish ako.

Maguguluhan si Chinggay.

CHINGGAY
Magkaiba ba iyun?

LENA
Oo. Iyong isa, nagbibigay ng hope. Iyong isa, nagdudulot ng pain ...

CHINGGAY
Ano ba nararamdaman mo ngayon, pag-asa o sakit?

Hindi sasagot si Lena. Kukuha si Chinggay ng isang pagkain at ilalapag sa harap ni Lena. Makikita ni Lena na sisig ito. Tatahimik na lang...


----------------------------------------------------------------------
finally, nagawan ko na rin ng paraan para maisingit ang sisig analogy sa script ko. the director liked it. nung nag-preprod meeting kami, he mentioned na gusto niya iyong "sisig" na eksena.

wala kaming closure ni sb. i mean, wala kaming usapan na di na kami magkikita or magkakausap uli. basta na lang nangyari. i stopped replying to his yms and text messages, deleted him in friendster and multiply, at di na rin naman siya nag-attempt na kausapin ako. basta bigla na lang na we stopped talking to each other, at di na uli kami nagkita.

using the sisig analogy in my script is a good closure. tingin mo, claring? :p

song of the moment:
i'm movin' on /at last i can see life has been patiently waiting for me / and i know there's no guarantees, but i'm not alone / there comes a time in everyone's life / when all you can see are the years passing by / and i have made up my mind that those days are gone - rascal flatts, im moving on.

quote of the day: "...some wounds are deeper than they first appear, and require more than just a quick fix. with some wounds, you have to rip of the band-aid, let them breathe and give them time to heal," meredith in grey's anatomy.

what i learned recently: may bagong anthology ng apo hiking songs, ang "kami na po muna uli." last week ko pa nakuha iyong cd, kasi iyun ang gagamitin naming songs for october sa show. si owen wilson daw, nag attempt magpakamatay dahil sa nag-break sila ni kate hudson.

4 comments:

Anonymous said...

nakakaloka ka noringai, hahaha! habang binabasa ko yung script, sabi ko parang pamilyar... kaya pala, hehe... kelan yang epi mo sa sino si tisoy at lena?

caffeinejunkie said...

miss noreen, announce mo kung kelan yan lalabas ha? aabangan ko yung sisig line na yan.

ayush ka sa closure ha..kaya lang baka me hingin na naman si sb na kapalit dahil ginagamit mo yung story ninyo sa mga scripts mo. kung ako ikaw, bibigyan ko sya ng suntok. o kaya sampal. mag asawa. yun bang matutuliro sya ng mga isang linggo. ganun.

(brutal ko no? lekat kasi yang si gloria. nasa bagong entry ko yun...)

Angela said...

tumambling ako sa mga dialogues. ang ganda!

kailan ito???

noreen said...

baka this sunday na ang episode. sam milby and sitti. one of my fave episodes. even the staff said they loved it. lalo pa at mukhang crush ni sam si sitti at mukhang like din ni sitti si sam kaya pareho silang kinikilig.

johann, naku, kapag may hilingin pa siyang kapalit, ipapasagasa ko na siya sa mga barkada ko. hehehe.