Friday, August 3, 2007

love triangle

"i love him na," the caller said the moment i answered my cell phone. alam ko na agad sino tinutukoy niya.

"pano nangyari iyun?" i asked. "akala ko ba friend kita???"

"sorry ha. i met him and i talked to him and now... i love him na," kinikilig pa siya na nagkukuwento.

"but he's mine! di mo siya puwedeng agawin sa akin..."

"tingnan natin..."

tapos sinabi na niya kung paano sila nagkakilala, nagkausap at kung ano pinag-usapan nila. kinikilig nga siya, parang 16 years old uli.

"sige na nga, sa iyo na siya," i conceded. "kailangan ko magparaya sa nakakatanda."

"puta kaaaaaaaaaaaaaa!" the person on the other line shrieked. and we both laughed na.

my caller was no other than direk j. and we were talking about PBB's mickey perz. hehehe

***

my friend gitz showed me an interesting article... why do people have sex? heto ang link. natawa ako sa mga sagot. pero pinaka-nakakawindang na sagot? "i want to feel closer to God."

***

lumabas na kahapon ang results ng board exam for pt. my friend edward passed and we celebrated it last night sa bahay ni allen sa muntinlupa. i went there with dan and jan, who's due to give birth in three weeks! masaya naman kahit lima lang kami.

nung pauwi na, i told dan and jan na sa market market na lang nila ako ibaba at dun ako sasakay ng taxi.

nung dumaan ang taxi sa the fort, a certain memory suddenly haunted me. it was one of the first places sb and i went to. nag-iinuman kasi that time sina dan, jan, allen and edward at sumunod kami ni sb. iyun ang first time na napakilala ko si sb sa mga barkada ko, na harap-harapan kung manukso. incidentally, they were the same people na kasama ko kagabi.

at habang dumadaan kami sa bar kung san kami uminom dati, and i was trying to relive the experience, pinatugtog sa radyo ang broken vow ni lara fabian.

tell me her name i want to know / the way she looks and where you go / i need to see her face i need to understand / why you and i came to an end...

and as if on cue, naiyak na naman akesh. crayola ever pero silently lang naman. tapos bigla akong kinausap ng driver. he asked, "sa crossing ba tayo dadaan?" and then i instructed him kung san siya dadaan at san siya liliko.

at natapos ang senti moment ko. :)

sabi ko kay claring kagabi pag-uwi ko, those senti moments happen even if you don't want to. it's part of the process, di ba? it's not okay, but it's normal.


song of the moment: i close my eyes and dream of you and i and then i realize there's more to life than only bitterness and lies - lara fabian, broken vow

quote for the day: there is always some madness in love. but there is also always some reason in madness - friedrich nietzsche

what i learned recently: magkakaroon daw ng sitcom si pacquiao! at, masarap pala kapag pinaghalo ang apple juice at grand matador brandy. yun ang ininom namin kagabi eh. :)

2 comments:

caffeinejunkie said...

ayush, first comment ako!

lam mo, miss noreen, malapit lang ang bahay namin sa the fort. kaya kong lakarin yun mula sa bahay namin. siguro one hour walk from my house ang market market. wala lang hehe!

nway, ganun?!? marami na pala tayong nagmamahal kay mickey! oh well, lovable naman talaga si papabear mickey e.

yung gusto kong broken vow, yung version ni josh groban. pero di ko masyadong pinapakinggan yun, kasi mas lalo akong naiinlove kay josh e (ayush, feeling close, ano?).

blueskies said...

nakakaloko yung mga reasons sa article pero kanya kanya lang siguro talaga. hehehe.

normal nga lang senti moments. sa ngayon nakakaiyak pa talaga, pero pag tumagal na rin ang panahon, pwede na ulit ngumiti na lang sa mga memories. :)