Tuesday, August 21, 2007

"you must be the husband..."

while the people in the cinema were amused when maricel said the line "you must be the husband," i was teary-eyed. at gaya nga ng comment ko sa blog entry ni mama lhen, umiiyak na ako mula sa eksena na iyun hanggang sa cubicle scene.

may pinaghuhugutan kasi. alam na alam ko ang pakiramdam kung paano mag-pretend na wala lang, okay lang ang lahat, habang kaharap mo ang lalake at ang legal na dyowa, pero kapag mag-isa ka na, doon ka na lang ngangawa.

oo, tandang-tanda ko pa ang eksenang iyun one night in march. i was asking her kung okay lang siya, kung gusto niya ng tubig or ng kahit anong maiinom, pero nung umalis na sila, dun na gumuho iyong pader.

***

"parang napaka-insensitive naman ni harvey kung hahayaan niyang makita siya ni lena with the girl after nila mag-usap," ito ang comment sa akin nung director ng next episode ko after niya mabasa ang script last friday.

di siya makapaniwalang may mga ganun ka-insensitive na lalake, na kahit alam nilang mahal sila noong girl, sinama pa niya ang girlfriend niya para makilala nito.

gusto ko sabihing may mga ganyang tao. may kakilala ako...

***

i was supposed to be part of this afternoon shop that stars one of the network's drama princesses. bukod pa ito sa primetime soap ng one of the network's queens. pero conflict sa schedule at something came up kaya sabi sa akin, huwag na lang daw muna ako sumama dun sa princess. ok lang, basta ba sigurado na kasama talaga ako dun sa reyna... pero lagi ko sinasabi, hanggat hindi pa na-a-air, walang kasiguraduhan ang lahat.

***

sensya na po, hindi ako suplada pero hindi talaga ako nag-a-accept ng friendster o multiply invitation ng mga taong hindi ko kilala. hindi ko kilala lahat ng nasa multiply ko pero at least, they managed to send a line or two to introduce themselves. ganun din sa friendster. kaya ina-accept ko sila.

sensya na po uli, di ako suplada. mabait talaga ako sa personal, pramis.

***

nagpa-rebond na ako ng buhok last weekend. ayun, nakantyawan ako sa opisina dahil dun. "igalang niyo si noreen, unat na siya ngayon," sabi nila.



song of the moment: when the sun shines we'll shine together/ told you i'll be here forever - umbrella, rihanna

quote for the day
: "lahat ng tama, mahirap sa simula," sabi ni maricel sa a love story.

what i learned recently: ang original na title ng movie na "a love story" ay i don't want you to go. bukas na magpapa-CS ang barkada kong si manilagirl/jan. excited na kaming lahat. :) ang ganda ng trailer ng lastikman, parang pelikula. at syempre, excited din ako dahil andun si pareng jomar aka jairus aquino. :D

6 comments:

ppermint said...

'lahat ng tama, mahirap sa simula"..hanggang sa huli, mahirap pa rin..(unless maging lalaki ka rin at maging insensitive tulad nila)..kaya natin toh..fight..fight..fight!!!

noreen said...

salamat, ppermint (di ko sure kung gusto mo ipabanggit ang tunay mo na pangalan eh :p )

caffeinejunkie said...

haynaku, there are more worse guys--most of them i met dahil ex sila ng mga kaibigan ko. at nasa listahan din sila ng mga uupakan ko when i get the chance--brutal ba?

suwerte pala ako, inapprove mo ako sa multiply at friendster kahit di pa tayo nagkikita personally. pramis, miss noreen, within the year na me ONO, magkikita din tayo!

onga, masaya yung lastikman. super bagay kasi si vhong for the title role. di ba me super inggo book 2 din? siguro mas malaki dun ang role ni pareng jomar--baka dun na lalabas yung conflict na sya yung anak ni POD...oops, tama na, baka me nahulaan na ko...:D

noreen said...

eh johann, kasi naman, "kilala" na kita thru peyups at ilang taon na rin tayo "nag-uusap" dun kaya syempre, approved ka agad sa friendster at multiply.

as for pareng jomar, nyahahha, may tama ka....

at labs ko kaya si vhong kaya excited ako sa lastikman.

noreen said...

pahabol, JOHANN...tungkol dun sa mga lalake... hmmm, kapag nagkita tayo, kuwento ko sa iyo iyong ginawa nung "kakilala" ko, tingnan natin kung may hihigit pa dun. lahat ng kaibigan ko, di makapaniwalang kaya niya gawin un pero... oh well... ganyan talaga. akala mo mabait, anak pala ng demonyo. nyehehehe

di naman ako bitter, no? lol

kHitee` said...

Bat ganun hanggang ngayon nde ko padin mapanuod yan. Nacucuriousan na tuloy ako sa movie na yan. Makapanuod na nga. =)