Saturday, September 29, 2007

isang buwan na lang...

they say it takes half the total time you went out with someone to get over him. meaning, if you were together for two years, it would take you one year to forget him. today, it's been six months. exactly six months. kung totoo man ang theory na iyun, isang buwan na lang ang hihintayin ko.

***

hindi ko na alam anu status nung primetime soap ng isang "reyna" na kino-conceptualize namin. gusto ko man manghinayang dahil iyong isang soap na tinanggihan ko ay ipapalabas na pero, keri lang. got a good news the other day. isa lang ang masasabi ko diyan... blentungan na!!!

***

watched chuck and larry with claring and mira. i havent laughed like that in a while. ang saya! kung hindi niyo pa napapanood, at gusto nyo ng movie na hindi niyo kailangan mag-isip, iyong gusto niyo ma-entertain at humalakhak, you have to watch chuck and larry!

***

went to baguio last sept 22 with kareen, gitz and kristhian. posted some pics in friendster. meron din dito. natuwa ako sa PM sa akin ng college barkada kong si larlyn. ang ganda ko daw sa mga pics ko sa baguio. in love daw ba ako uli. bwahahahaha. ang sagot ko, happy lang ako. finally, masasabi ko na happy na uli ako. :D

***

mula nung lumipat si angel sa dos, tinatanong ako ng mga tao kung nakita ko na siya, kung mabait ba siya at kung tunay ba ang boobs nya. sagot ko, di ko pa siya nakikita. kahapon, nakasalubong ko siya sa 3rd floor. palabas ako ng elevator at papasok naman siya. i was talking to someone on my phone when i saw her. she smiled at me, napangiti na rin ako. oo maganda siya, mabait, palangiti. pero, true kaya iyun or chorva lang?

***

matagal ko na gustong mag enrol ng boxing. merong elorde na malapit sa condo namin. bumili na nga ako ng gloves last week sa toby's para ma-motivate na ako. pero leche, super dami ko gagawin. next week lang, apat na sunod-sunod na araw ang meeting ko para sa bagong show. tapos may three-day lock-in kami after that. apektado ang dalawang araw ng workshop. oh well, madalas sabihin sa akin ng bespren kong si bim noon, "mahirap talaga kapag may pangarap."

***

had lunch at casaa kanina with clarissa. then nag dinner naman kami sa rodics sa sc. sobrang saya bumalik sa up. sayang di natuloy ang chocolate kiss dinner namin ni claring with rose and michiko. di bale, may next time pa naman. gusto ko rin mag beach house saka mag mang jimmy's. yey.

***

julia fordham has a new album. no, it's not really new kasi mga lumang songs ang nandoon pero... it's a collection of her hit songs. i love julia fordham. lalo na iyong girlfriend. college pa lang ako, gusto ko na iyong girlfriend. haaay. prophetic ba? don't tell your girlfriend about me. 'coz your girlfriend won't like girls like me... naalala ko tuloy iyong sinabi i carrie sa sex and the city noon: i want someone who can commit, not someone who is committed.

isa pang quotable quote from satc, "twenty-something girls are just fabulous until you see one with the man who broke your heart."

hayaan niyo na ako maging senti... isang buwan na lang, matatapos na ito.

***

lubos-lubusin ko na. affected ako sa text message na ito: "the worst feeling isn't being lonely. it's knowing you'll never be remembered by the person you'll never forget."

ouch!

song of the moment: at kahit na anong gawin, di mo na mapilit at madaya/ aminin sa sarili mo na wala ka ng mabubuga - tuyo na'ng damdamin, silent sanctuary

quote for the day: "the worst feeling isn't being lonely. it's knowing you'll never be remembered by the person you'll never forget," isang text message sa akin.

what i learned recently: dapat daw pala, papatayin si pareng jomar sa week 4 ng super inggo noon. eh nag-hit siya, so ayun, nagkaroon pa tuloy ng "twist" ang role nya.

7 comments:

Anonymous said...

Hello, Noreen!

matagal tagal na din akong naglulurk dito sa blog mo. shinare kasi sakin ng friend ko na may friend na friend mo. in short, three degrees of separation. anyway, ngayon feel ko lang magcomment kasi sa tingin ko napapanahon na..

hay super relate ako lalo na kung nagsesenti ka. super din kasi ako mainlove and hirap akong mag move on at maglet go. and i also vent through writing but of course im not half as good as you.

narinig ko yung kasabihan na sinabi mo, pero ang balita ko 1/3 the time daw! diba mas masaya..mas mabilis...ako, dumoble na nga hindi pa din over.

at nasaktan ako sa quote of the day mo. so true...keep writing! para kahit sa mga sulat mo man lang, ma-empower ako..

K.

Angelo said...

hi, friend.

#1: ibig sabihin, isang taon pa ang hihintayin ko bago ko siya tuluyang makalimutan. parang hindi ata totoo ang teorya na iyan ah.

#2: ako din, gusto kong mag-boxing. sana sinabihan mo kong bibili ka ng gloves para nakasabay na ko.

#3: hay, nakaka-miss talaga ang up. kahit na bali-baliktarin mo man siya, masarap siyang balik balikan.

ingats!

rina said...

ayos! so at least pag nakita ka nya, maganda ka! just don't make the mistake of going to pieces right in front of him, he he. stay strong noreen!

caffeinejunkie said...

sige, miss noreen, mang jimmy's tayo next thursday! miss ko na din ang mang jimmy's (sisig! tapa mix! lengua! unlimited rice!), kahit madalas ako sa UP for gradclass.

(sana lang e pareho tayong di busy ehehehe...)

ako din, gusto kong magboxing, kaya lang wala din akong oras (at pera. ayush no?). buti na lang at me aerodance at yoga dito sa office.

Anonymous said...

sige ipahula mo na kung kelan ka ulit magkaka-sexlife - saka na yang love na yan. hahahaha.
-kiyoko

BabyPink said...

ai, nakakaloka! ibig sabihin, mahigit dalawang taon pa ang hihintayin ko?! aba, ayoko na! naging manhid na ako.

noreen said...

K, so sino ang friend ko na friend ng friend mo? hehe

lam mo mas gusto ko nga iyong mga nag-co-comment at nagpaparamdam para at least, alam ko kung sino ang nagbabasa ng blog ko. :D

ANGELO, tara, samahan kitang bumili ng gloves sa toby's. sabihin mo lang when...:D

RINA, mishu na girl. di man lang tayo nakapag starbucks. :D

JOHANN, so ONO na ba tayo sa Mang Jimmy's?

KAREEN, loko-loko!:P

BABYPINK, ganun ka tagal??? aw, shet... hehe