Monday, September 17, 2007

judy ann, pray for us...

sabi ng isang kaklase ko sa scriptwriting workshop, si judy ann daw ay patron saint ng mga overweight na walang lovelife... kaya laging sinasabi ng mga overweight loveless ang, "judy ann, pray for us!"

nawindang ako sa kuwento niya. para naman daw sa gustong mag-improve ang career, "angel locsin, pray for us."

nalaman ko sa writer ng dating show ni judy ann ang isang nakaka-aaaaaw na kuwento. di pa sure kung true pero masarap lang paniwalaan.

bago pa nagkaroon ng juday-ryan ay may isang gwapo at sosyal co-star si juday na may gusto daw sa kanya. this gwapo and sosyal co-star invited juday sa kanyang bday party, kung san ang mga bisita ay sosyal friends and guests na mostly ay galing sa sosyal school na member ng uaap.

so nong dumating si juday, the sosyal friends and guests were so snooty and all. eh itong baklang juday, nakabasag daw ng baso. at napasigaw ng "ay p*ke ng ina!" so nagtaasan ng kilay ang mga sosyal friends and nagbulungan, may halong pangungutya. ang ginawa ng sosyal and gwapo co-star, to the rescue kay juday sabay sigaw ng "ay p*ke ng ina din!"

hindi ko sure kung true nga ang kuwentong ito or isa lamang eksenang magandang ilagay sa script. pero nung narinig namin ito, sabay-sabay kaming napa "aaaaawwww!" tapos yuko at sabing, "judy ann, pray for us!"

***

sa day 2 ng workshop kahapon, merong dalawang bilao ng pancit na merienda. iyong isa, pancit bihon, iyong isa pancit malabon. lahat halos ng tao ay dun pumunta sa lamesa ng malabon. walang pumansin sa bihon.

sabi ko, "oi, kawawa naman ang bihon, walang gustong kumain."

then i kidded to rose na "isa akong bihon. mas gusto nila ng malabon kaya ayun, dinedma ako at hindi pinili."

dahil naawa kami (at naka-relate sa bihon?), after namin kumain ng malabon ay tinikman namin ang bihon. in fairness, masarap siya! masyado lang siguro maganda tingnan ang malabon dahil mas maraming sahog pero mas malasa ang bihon. sa unang tingin, akala mo lang, bland. pero kapag natikman mo na, magugulat ka...

isa akong bihon. hindi ako ang pinili. pero, dahil sa malabon ang gusto nila, di nila alam what they are missing. (at talagang magbuhat ba ng sariling bangko!)

***

last year, sinulat ko ito sa blog ko: "every year, as we watch UP's performance (sa cheerdance), we'd hope, sana mag-champion ang UP. and every year, nadi-disappoint lang tayo kapag inannounce na ang winner at hindi na naman tayo ang champion. pero i like UP's optimism kasi lagi na lang sinasabi, "may next year pa naman..."

oo, may next year pa. magho-hope tayo, madi-disappoint, magsu-sulk konti pero looking forward na naman na next year, baka next year... makukuha na natin ang inaasam natin na championship.

as long as hindi nawawala iyong hope sa atin, okay lang...

this year, nanalo na uli ang UP! after five years! kung kaya ng UP mag champion uli, kaya ko rin magka.... fill in the blank na lang! hahaha


Song of the Moment
: Invitation only grants farewell - Stolen by Dashboard Confessional

Quote for the Day: "Aanhin mo ang gwapo kung mas malandi pa sa iyo?"

What I learned recently: For two days, dami ko natutunan sa workshop. Two down, 12 more sessions to go!

2 comments:

Anonymous said...

parang c tj trinidad ata un sosyal na guy. well anyway, i always drop by your blogs. hehehe. more power.. --jagrulez!

Anonymous said...

im a fellow UPian hindi nga lng sa diliman, but i am a follower of UP Pep! hehe

nice blog.kudos to you!