Saturday, September 8, 2007

nostalgia

sabi nila, hanggat hindi ka daw natututo sa pagkakamali, paulit-ulit itong mangyayari sa iyo. and after reading my previous blog entries in the past four years, parang gusto ko kumanta ng song ni gary v... "di na natuto..."

gusto ko lang i-share ang magkakaibang blog entries galing sa tatlong magkakaibang taon: september 2004, september 2005 at september 2006.

self-preservation (september 10, 2004)

Kapag hindi mo gusto ang isang tao pero sa kadahilanang ikaw lang ang may alam ay papatulan mo pa rin, ang tawag dun, nag-se-settle ka.

Kapag may naka-set ka na na standards pero hindi siya umabot doon o kaya may listahan ka ng mga gusto mo sa isang partner pero may mga bagay sa listahan na wala siya; pero bibigyan mo pa rin ng chance kasi sabi mo, puwede na yun kesa wala, ang tawag dun, nagse-settle ka.

Pero paano kung okay naman siya, may hitsura, may matino siyang trabaho, napapatawa ka niya, maasikaso, mabait, matalino, responsable, family-oriented, may takot sa Diyos, pero ayaw mo sa kanya. Ano ang tawag dun? Ano ang tawag sa iyo? Tanga?

read the rest of the entry here.

***

distracted (september 1, 2005)

when you and a friend decided to cross the line, hindi mo alam kung saan kayo patutungo. do you move forward or do you retreat?

paano kung ang isa, gustong ituloy, tapos iyong isa, na-realize na hindi tama ang ginagawa niyo at gusto nang umatras? paano niyo maaayos ang gulong pinasukan niyo na hindi magbabago ang friendship niyo?

nandito ang buong kuwento.

***

uulit ka pa? ( september 15, 2005)

some mistakes are too much fun to only make once --> this has been my YM status for two days now.

i was telling myself, it's okay to commit the mistake you once made, as long as you're having fun doing it. and, as long as you are not hurting other people.

but then, at this age, i already know that getting involved with an unavailable guy is never fun. sure, it can bring ephemeral bliss but i am bound to hurt someone in the process -- me.

gusto mo pa? andito lang.

***

iskeyri (september 14, 2006)

sabi nila, "if it's too good to be true... it probably is."

that's why im scared.

ilang araw na akong masaya. ilang araw na kasing sobrang bait, sobrang sweet at sobrang consistent ni sb. as in... sunod-sunod. kahit iyong ibang taong kontra sa kanya, kinikilig na ngayon para sa amin dahil sa mga sinasabi at ginagawa niya lately.

napapangiti na lang ako kapag naiisip ko. sabi noong officemates ko, obvious daw na masaya ako.

oo masaya ako pero at the same time, kinakabahan ako...

meron pa dito...

***

basta (september 22, 2006)

sabi nga sa grey's anatomy: whoever said "what you don't know won't hurt you" is a complete and total moron. because... not knowing is the worst feeling in the world.

true! ang hirap mabuhay sa uncertainty, ha! di mo alam kung kasama mo pa rin siya bukas. di mo sigurado kung isang away lang, akala mo ordinaryong away, yun na pala ang tatapos sa lahat.

kaya nga gusto ko malaman, kaso ayaw ko naman tanungin. bakit ayoko tanungin? wala pa akong lakas ng loob.

bitin? click mo ito.

wala na munang song of the moment at quote for the day, ilang blog entries din iyan na kinarir ko. wala munang what i've learned recently... di naman daw kasi ako natututo... hehehe

1 comment:

Anonymous said...

minsan nga nakakatuwa/tawa na basahin ulit yung mga entries na sinulat natin kahit gano na katagal kasi minsan parang deja vu. hehehe.

- blueskies