Saturday, September 15, 2007

not everything is meant to be...





sixty percent ng premyo ko sa phil star ay napunta sa nine na libro.... sex and the city kiss and tell. all i really need to know i learned from chick flicks. dalawang harry potter na libro. dalawang paulo coelho novels. five people you meet in heaven ni mitch albom. isang chick lit. at ang pinakamahal, iyong libro ni nora ephron.

kulang pa iyan... madadagdagan pa iyan. ang saya-saya! thanks to the person who broke my heart... ayan, may mga bago akong libro. hehehe

***

first day ng workshop kanina. (ay kahapon pala...). punta na lang kayo sa blog ni rose para sa kuwento. hehe tinatamad ako eh.


***

was having dinner with my friend A in glorietta last wednesday.

me: kelan ka huling umiyak?
A: last year...
me: noong nag-break kayo ?
A: (tango...)
me: hindi ka umiyak this year?
A: (iling)
me: halika, iyak tayo... sige na, sabay tayo....
A: ano ka ba!!!

he didn't cry with me but A and i ended up having dessert at sugarhouse. his treat! salamat, A. didn't know you badly needed a drink that night. sana margarita na lang nilibre mo sa akin at sabay tayong naglasing. hehe baka nasabayan mo pa akong umiyak...

***

simula sa lunes, wala na ako sa kompanya. freelance writer na ako. shet. penge nga ng raket. tama kaya naging desisyon ko?

Song of the Moment: na-e-LSS ako ng Super Sonic. Kasalanan niyo ito, rose and claring!!!

Quote for the Day: "Not everything is meant to be, but everything is worth a try," text sa akin ni kristhian.

What I learned recently: May isang "prinsesa" ang lilipat ng istasyon soon. abangan!!!









5 comments:

caffeinejunkie said...

huwaw, andaming libro! peram ako isa (joke!). well, at least me pakinabang ka sa iyong heartache, unlike other girls na naglabas na nga ng luha at sanity, olats pa rin.

ako din, gusto ko ng raket! Lord knows na di sapat ang pinapasweldo sa kin ng pamahalaan sa mga kailangan (at gusto ko...wait, saka na yung gusto. yung pangangailangan muna).

oi, clue naman kung sino yung prinsesa--ano yan, from dos to siyete, o vice versa?

Angelo said...

hehehe. san naman ninyo balik umiyak ng friend mong si A kung saka sakali?! hehehe!

ang daming libro. kainggit.

libre mo kong isa?!

noreen said...

JOHANN, tara, sabay tayo hanap ng raket!

iyong prinsesa? taga dos! clue? hmmmm... mataas ata ang pangarap nya ngayon eh kaya siya lilipat. :D

ANGELO, depende kung san nya ako gusto ilibre ng margarita! :D

Anonymous said...

wow! ang dami! pahiram naman. ang sarap naman, you have all the time to read..hehehe...and im sure, magaganda lahat yan.i already finished reading "five people you meet in heaven" and the other books from mitch albom. thanks to you and mildred, natuto akong magbasa 'ulit'..hehe..take care sis.--sallybabes--

Anonymous said...

mataas ang pangarap? oh no wag sana si maja or sarah!