Thursday, September 20, 2007

pano yan, mahilig ako sa kangkong...

"iwanan na sa kangkungan ang mga taong nanakit sa yo. unless mahilig ka sa kangkong," sabi ng aking dating teacher at scriptwriter/director na si jun lana sa isang blog entry niya. eh pano yan, mahilig ako sa kangkong? joke. di naman ako mahilig sa kangkong. keri lang. pero natuwa ako sa linya niya.

pero mas panalo ito: "ito ang tandaan oras na ikaw ay nagdadalamhati: hindi masama ang umiyak. siguraduhin lang na maganda ka pa rin. asan na lang ang hustisya kung depressed ka na nga, mukha ka pang kasuklam-suklam."

***

naalala ko iyong minsan, naiiyak na ako nun at mega emote nang bigla akong tumakbo sa cr at humarap sa salamin. gusto ko makita hitsura ko habang umiiyak. pero hello, syempre di ka na makakaiyak kung nakikita mo na iyong sarili mo di ba?

oo, clarissa, hindi ampon si maya! si maya, iyong aking pamangkin na lumaking inisip na ako ang nanay niya! kapag umiiyak siya noon, humaharap siya sa salamin. may balak ata mag-artista.

***

isang quote galing sa aking headwriter: "sa script, dapat ma-justify kung bakit na-in love iyong bida. kailangan may dahilan. sa totoong buhay di naman ganun iyun eh. ang totoo, libog lang iyan, tapos nag sex kayo. kapag nagustuhan niyo, ayan, kayo na..."

hindi ata ako sangayon dun. :)

***

kakatapos ko lang mabasa ang five people you meet in heaven in mitch albom. inuumpisahan ko na ngayon ang the zahir ni paulo coelho. sabi sa cover, "a novel of obsession." kaya ayun, binili ko. hehehe

sabi sa libro, ang zahir daw ay something or someone na nag-o-occupy ng ating isip hanggang sa wala na tayong ibang iniisip kundi iyun. anuman gawin natin, san man tayo pumunta, iyun at iyun na lang lagi ang nakikita, naiiisip at nararamdaman natin. "this can be considered either a state of holiness or of madness."

***

may pinost ako na entry sa multiply ko. pero iilan lang ang puwedeng makakita nun. kahit ibang contacts ko, di ko pinakita. nahihiya ako eh. baka lang ang pathetic ng dating. so pinili ko lang iyong mga taong sa tingin ko ay matutuwa dun sa ginawa ko. natuwa naman silang lahat. :) curious? send an email to noringai at gmail dat com. sabi ko nga kay claring, post ko kaya sa blogspot? sabi niya, handa ba ako... hindi pa.

***

"huy nabasa ko blog mo. ano iyong preno? ha?"

"noringai! nabasa ko blog mo. sino iyung bangin na muntik mo na mahulugan?"

"bakit di ko alam iyong tungkol dun? ano un?"

dami nagtatanong tungkol sa entry ko na preno... moment of weakness lang iyun. buti na lang, naagapan ko. kaya di ko kinuwento at tanging si claring at si kristhian lang ang may alam, kasi, nakakahiya...


Song of the Moment: there are 8 billion people in this world 8 billions live are changing and you're the one i need - hale, the ballad of

Quote for the Day: "iwanan na sa kangkungan ang mga taong nanakit sa yo. unless mahilig ka sa kangkong," sabi ni jun lana sa blog niya.

What I learned recently: sa taong gutom, bigyan mo ng isang matigas na tinapay, tuwang-tuwa na siya. pero ang totoo, ayaw naman talaga niya ng matigas na tinapay. ok lang siguro pantawid-gutom kaso pano kung dahil sa nagtiyaga siya sa matigas na tinapay, pagdating ng masarap na pagkain, hindi na niya ito makakain dahil busog na siya?

3 comments:

BabyPink said...

nakakatuwa ang mga linya. hehehe:) nakakatawa pero tagos!

:)

Mina_Jalcotia said...

I like the comment regarding sa 'matigas na tinapay'...

kHitee` said...

Panalo to ate, "ito ang tandaan oras na ikaw ay nagdadalamhati: hindi masama ang umiyak. siguraduhin lang na maganda ka pa rin. asan na lang ang hustisya kung depressed ka na nga, mukha ka pang kasuklam-suklam."

Kanino galing to ate? quote ko sana. Ganda e.