Sunday, October 7, 2007

anong natutunan mo ngayon?

masaya ako dahil sumali ako sa workshop. kasi marami akong natututunan. pero kung ano ako nung estudyante ako, ganun pa rin ngayon... pasaway, maingay sa klase, nakikipagdaldalan sa katabi, at hindi gumagawa ng assignment. pero marami naman ako natututunang bago...

isa sa mga idioms na natutunan ko sa workshop ang irony of occupation. sample daw iyong manicurista na marumi ang kuko. or kalbong barbero. pero di namin kinaya ang example ni rose... sepulturerong buhay! ayan tuloy, laging punchline si rose sa mga kuwentuhan.

kanina, ang lesson namin ay behavioral idioms. mga different coping mechanisms daw. among the 40 behaviors, peborit ko iyong rationalization, reaction formation saka iyong variable reinforcement effect.

ang rationalization ay ang pag-justify sa isang unpleasant act or experience.

ang reaction formation ay ang pag-convince sa sarili na tama ang ginawa nila kahit hindi. ito iyong mga pinaninidigan ang desisyon at may dialogue na "wala akong pinagsisisihan."

ang variable reinforcement effect naman ay iyong isang individual ay nagiging addict na sa negative activity dahil sa pagiging unpredictable nito. kaya maraming may gusto sa isang kumplikadong relasyon kasi di alam kung anu mangyayari sa susunod na araw. hahaha.

basta sobrang enjoy ako sa klase kanina.

***

had dinner at chocolate kiss with claring, rose and michiko. ang ganda ng set up namin. claring and i are housemates. si rose at michiko din ay housemates. claring and michiko met sa workshop and became friends. rose and i met sa sharon show and became friends. so kanina, ayun, dinner kami. and kuwentuhan galore. weird kasi mukhang parallel ang mga buhay namin. kung ano si mich kay rose, ganun naman si claring sa akin.

sa isa sa mga kuwentuhan kanina, claring mentioned di daw siya umuulit ng pagkakamali. sabi ko, bakit ka uulit ng pagkakamali eh pwede ka naman gumawa ng bago? hehehe

basta masaya kami. tawa lang kami ng tawa. at syempre, pinag-usapan ang buhay-buhay bilang scriptwriter at bilang single.

nag-agree kami na kung writer ka sa TV, wala kang pinagkaiba sa pokpok. kasi binabayaran ka at kahit di mo gusto, wala kang choice kundi sumunod.

sabi nga nung isang kakilala ko, kapag sinabi sa pokpok na blowjob, mag-blowjob!

kaloka!

No comments: