Saturday, October 6, 2007

eight

anong nangyari sa iyo noong eight years old ka?

eight years old ako when i lost my first best friend. lumipat kasi siya ng school noong grade two kami. i remember, it was the first day of school nung tiningnan ko ang lahat ng sections ng grade two, hoping to find her there. but she was not in another section. she was in a different school. sobrang lungkot ko nun. and it took me five years to find another best friend.

eight years old din ako when my lola died. first time ko na namatayan nun ng someone na kilala ko talaga. tapos, first time ko rin nun na-aksidente. papunta kami nun sa cotabato kung san nakaburol ang lola ko. na-aksidente ang fierra namin. as in bumaligtad ang fierra. kaming apat na magkakapatid ay nasa likod. nasa front seat ang nanay ko, at tito ko ang nagda-drive. gumulong ang ate ko sa kalsada, nahulog sa bangin mga gamit namin. pero ok naman kaming lahat. kapag naiisip ko ang aksidente na iyun, naaalala ko iyong dunkin donut na gumulong sa kalsada. pauso pa lang ang dunkin nun. at ang ate ko, umuwi sa davao from manila at may dalang isang box ng donut. na hindi namin nakain.

eight years old ako nung una akong lumandi. hahahaha. ayoko na uli isulat iyon pero kung matagal na kayo nagbabasa ng blog ko, am sure maaalala niyo iyong ginawa namin ni ching nung grade two. basta may bintana at may paldang involved.

eight years old ako nung last akong naging honor student. nakakagulat kasi grade one ako, nag-third honor pa ako. tapos, nung grade two, iyun na iyong last. wala na, nawala na sa honor list si noringai.

eight years old ako nung nakipagsabunutan ako sa isang kaklase. how many years after, naging newscaster siya sa abs-cbn zamboanga. ako naman, naging writer sa abs-cbn. natatandaan pa kaya niya ako? ako, tandang-tanda ko pa ang pagkakahila niya sa buhok ko. kumusta na kaya si diana ann welborn?

eight years old ako noong una akong nakakita ng toot ng lalake. tanghaling tapat iyun nang naglalakad kasi kami ng ate ko noon papuntang kabilang tindahan nung pagliko namin, may jeepney driver pala na umiihi sa pader. tiyempong pinapagpag niya iyong chorva nya at nakita namin. napatingin kami ng ate ko sa isa't isa at nagtawanan. we never talked about what happened pero alam ko pareho naming nakita iyun...

ang daming nangyari nung eight years old ako. pero ang pinaka-nakakawindang, eight years old na ako noong ipinanganak ang bagong lalaking magpapangiti sa akin. potah! walang magtatanong. basta para akong nagdadalaga ngayon. kadiri lang kasi parang ang dami na nangyari sa akin, dun pa lang pinapanganak ang bagets na ito...

eight years old pala ako nung sumikat ang bagets. shet, isa sa favorite local movies ko, di man lang niya siguro alam kung ano iyun. yaaaak.

***

sabi ni claring nagmamaganda daw ako dahil sa isang "guy from the past" na nagpaparamdam ngayon. panay kasi ang "eeeew!" ko. kulang na lang sabihin niyang huwag akong maging pihikan dahil wala akong karapatang maging pihikan. eh sa nalo-loser-an ako sa kanya eh. ayoko naman pilitin sarili ko, no? so nagiging polite na lang at nagre-reply sa kanya para kunwari, mabait ako. hehehe pero hanggang dun lang. saka hello, tama bang bigyan ng malisya ang isang old friend na nangungumusta? wala iyun...

***

sabi nila kapag nagdasal ka daw, huwag maging makasarili. kaya ang dasal ko ngayon, "lord, sana bigyan niyo na ng son-in-law ang parents ko. am sure gusto na ng nanay ko ng bagong apo. at gusto niya, sa akin naman mang-galing. kaya lord, son-in-law, ha?"

***

"when you can't remember why you're hurt, that's the time you're already healed," ang shoutout ko ngayon sa friendster.

am i healed? sabi ni mama lhen, di daw siya convinced. sige na nga huwag pilitin. basta masaya ako ngayon... bakit? maraming dahilan. isa na nga si eight-year-younger guy. hihi

5 comments:

Anonymous said...

ate noreen, spring season na ba itech? :)

buti naman nagiging hapy k na ulet...

lushlips

Anonymous said...

miss noreen hayan ka na naman. baka in the end ma-hurt ka uli. tama na sisig ok? magvegetarian ka na lang! at tama bang maging cougar ka! try to think about it. nung 20 ka 12 years old siya? di ko ma-take.

--kalanporter

noreen said...

LUSHLIPS, hehehe sabi nga nila, happiness is a choice. :)

KALANPORTER,yak kadiri nga un! pero, ayoko ng gulay eh. mas masarap talaga ang karne!

Anonymous said...

ano 'to?! ano 'to?! ano 'to?! bakit di ko alam 'to?! haha.

a friend once said na yung age gap naman nagma-matter lang habang bata pa kayo. like when you were 8, he was 0. you were 20, he was 12. pero ngayon, pwede na yun. :)

isipin mo na lang, pag 70 mo, 62 na siya. kulubot na rin yun.

another friend told me na we've reached the point daw na everyone we meet is younger than us. kasalanan ba natin yun?

osha, kwento ka ha.

waterfowl

p.s.
napaisip ako bigla, when i was 14, may 9 y/o na 'nanligaw' sa 'kin. super cute na bata, pero eeew yung idea at the time. asan kaya siya ngayon?! haha!

Anonymous said...

miss noreen, so you would prefer longganisa, hotdog, or sausage over talong or patola(maloloka ka pag nalaman mo ang ilokano word ng patola)? hahaha

--kalan