Tuesday, October 30, 2007

just sex and nothing else...


this postcard from postsecret reminds me of the movie, "just sex and nothing else," which i watched last night at cine europa. was supposed to watch it with bats and my friends from the network pero naubusan sila ng ticket. basta talaga sex at libre, ubusan talaga!

at dahil galing kami ni bats sa boxing at mas gusto niyang matulog na lang sa bahay nila kesa manood ng movie, she gave up her ticket.

at sino ba pinakamahilig sa sex among claring, rose, danica and winnie? isang kaibigan who happens to be a writer ng pambatang lastikman... siya ang nakasama ko sa movie! :D

i wanted to watch the movie noong unang basa ko pa lang sa premise. it was about a 32-year-old writer who found out her boyfriend was already married. she gave up on men pero she wanted to have a baby so she went in search for a donor. un lang ang kailangan niya... "just sex and nothing else."

maganda ang movie. ang daming funny lines and situations. mga eksenang nakaka-relate ako. iyong kasama ko nga ay early 20s pero tawa din siya ng tawa. bumenta ang movie. pang-star cinema. and no, it's not about sex. title lang yun. walang sex scenes, which i think disappoints several male audience who thought it would be a sexy movie.

anong konek ng postcard sa movie? sa movie kasi, when the girl gave up on men, she was attracted to this assholic gwapo pero she wasn't sure if he feels the same way for her, or if he is serious with her. so sabi niya, anak na lang ang habol niya dito. pero there's this male friend, who has been nice to her for years, and asks her to marry him and be the mother of his children. the male friend promised he would not hurt her, and that he will take care of her.

she said yes to him. kahit na iba ang mahal niya. kasi iyong mahal niya, di naman nag-alok ng marriage eh. iyong mahal niya, ayun, nakikipaglandian with other girls.

while watching the movie, i was surprised to realize that i was rooting for the male friend. ako, na mahilig sa bad boy, na laging nauuto ng mga assholes, na ang tingin sa mga nice guy ay boring -- ay nagwi-wish na the girl would end up with the good guy.

if i were younger, im sure, i'd root for the bad guy. eh ano kung asshole? mahal siya nung girl. sabi niya mahal niya rin iyong girl. sabi ng girl "you love me now. pano next week? next month?" sabi nung guy, "hindi ako psychic." ibig sabihin, may chance na he would hurt her eventually. pero kebs na, mahal naman niya.

ano ending ng movie? siyempre, romantic film, so the girl ends up with the assholic guy. oh well... keri na rin. movie lang naman ito eh. pero if it were in real life, at ako iyong girl... hmmm... ewan, di ko sure kung ganun din pipiliin ko. sabi ko nga kay claring nung naglalakad kami pauwi at nagkukuwento ako about the movie, does this mean mature na ako? bweheehehehe

***

watched ang lee's lust, caution with claring, rose, danica and winnie right after our workshop graduation last sunday.

different reactions after watching:

danica: shet, graphic nga (ang sex scenes)! ang galing ni tony leung, pati pawis niya umaakting.
rose: kailangan ko magpapayat. at uminom ng anlene.
winnie: walanghiyang babae, inuna ang pekpek kesa sa rebolusyon!
claring: ang sarap ng tulog ko... ano nangyari?

text sa akin ni kareen, "grabe, ang ganda pa rin ng katawan niya kahit matanda na. nawindang ako sa mga positions nila. huwaw."

pinag-usapan namin kung kami iyong babae sa lust, caution, would we do the same? uunahin ang pag-ibig kesa sa bansa at mga kasama/kaibigan? uunahin ang pag-ibig (at pekpek, sabi nga ni winnie), kahit alam mong mamamatay ka lang?

Song of the Moment: Sean Kingston's Me Love

Question for the Day: Kung ikaw ang babae sa Lust, Caution, gagawin mo rin ba ang ginawa niya, na tatalikuran ang pinaglalaban mo, para sa lalakeng mahal mo, who will eventually kill you?

What I Learned Recently: May Avenue Q uli sa December!

2 comments:

rina said...

wow galing, nandun din ako sa "just sex and nothing else" kagabi! at nung sunday, nanood din ako ng "lust, caution," sa rockwell naman! sayang di tayo nagkita sa shang kagabi!

korek, ang funny nga ng "just sex and nothing else," i loved it! and yeah, i was rooting for the bad guy, he he. kasi at least si bad guy, na-realize nya agad na mahal nya si girl. si good guy, wala lang, parang he's just looking to get a steady family thing going.

as for lust, caution naman, grabe nakakawindang nga ang mga positions. at ang hirap ng decision na ginawa nung girl, di ko rin alam what i'd do. parang either way you'd end up cheating yourself. haayy...

as for tony leung...nagd download ako ng "in the mood for love ngayon," he he...

Anonymous said...

na-miss ko yung cine europa kagabi kahit nasa "things to do" ko yan for the weekend.

tingin ko winner naman ang Lust, Caution - p*cha si Tony Leung, laman ng pantasya ko ngayon na mas matanda na sya. Buti na lang niyaya ako ng utol ko (at nalibre pa) sa sine kagabi - windang ako sa sex scenes!!! Ol da wey ang Tony! luwa mata ko! hahahaha.

i was rooting for Kuang kasi ubercute sya at nagpipigil lang - pero inuna nya ang "resistance" ayan tuloy - too late na nga sya. hahaha. Saka nagnanasa na talaga si Chiang kay lolo Tony eh - performance level!!! tama lang na unahin nya yun - mga bobo yung mga kasama nya sa kilusan eh. Hahaha.

woooooo! i heart Tony Leung. muy delicioso!