Sunday, October 21, 2007

may limit ba ang emosyon?

tanong ni sir bing lao sa workshop kanina, "may limit ba ang emosyon?"

ano ba ang sagot?

sabi ko, "oo. meron..."

buti na lang di niya ako narinig, baka pina-explain sa akin.

hindi ko alam pano ipaliwanag pero naniniwala ako na may hangganan ang emosyon. love ends. fear disappears. lahat ng emosyon, natatapos, nawawala... love, hate, anger, happiness, sadness. basta.

***

may mga tinanggal na eksena dun sa jake-roxanne na episode kanina sa your song. pano naman, nung ginawa ko iyun, five gaps at 45 mins ang total running time namin. tapos biglang naging four gaps na lang at bawas na ang trt dahil sa may changes sa schedule. ayun, parang nagbawas ng mga eksena. mismong eksena na, binawasan ng mga dialogues at iba pang chorva.

sayang. pero oks lang... seeing jake na shirtless was enough. :)

nominated pala ang your song sa star awards for best drama anthology. kalaban niya ang maalaala mo kaya at magpakailanman, kumusta naman iyun? hehehe

your song na ang pinakamatagal ko na show. iyong unang sitcom ko, seven months lang ang tinagal sa ere. tapos, iyong talk show, umalis ako after a couple of months. tapos iyong isang show, bigla na lang akong hindi tinawagan after two meetings, tapos, nalaman ko, nag-reformat na ang show. (naalala mo ito, barcy? hehe)

so ayun, magto-two years na ang your song sa february. :) sana umabot kami two years... hehe

***

excited na ako sa super inggo 1.5. di ko alam pano ilagay ang video dito pero when i figure out how to do it, ipo-post ko ang teaser... expect more exciting adventures from pareng budong and pareng jomar. watch kayo ha...

***

birthday ni direk j ngayon. i sent him a text message kaninang 12:05 ng umaga. told him i feel blessed to have known him, and that i owe him a lot. ang reply niya ay forever na ma-se-save sa cellphone ko. "maraming salamat, noringai. swerte ko rin na naging anak kita."

lagi ko sinasabi, if it weren't for direk j, wala ako dito ngayon. he opened the doors for me and i will be eternally grateful to him...

i take back what i said na may limit ang emosyon. may isa palang walang hangganan... gratitude. :) teka, emosyon ba iyun? nalito na ako. :D

Song of the Moment: And I hate how much I love you boy (yeah...) / I can't stand how much I need you (I need you...) / And I hate how much I love you boy (oooh whoa...) / But I just can't let you go / And I hate that I love you so...

Quote of the Day: "It's hard to wait around for something you know might not happen... but it's harder to give up when you know it's everything you ever wanted," isang forwarded message galing kay danica.

What I learned recently: I learned a new word sa workshop kanina: Solipsism. It means an experience or consciousness that can't be shared.

2 comments:

Anonymous said...

hi ate noreen! tagal kong nde nakacomment... wahahahaha... kakalungkot naman yong quote... pero sabi mo nga may limit ang emosyon, e di darating din yong time na kaya ng igive up... baka marealize na nde pala yon ang "everything"...

-pango-

Tiradauno said...

Gusto mo ba ng online work?
Earn while you enjoy time with your Family & Lovedones!
Email me: tirade_uno_23@yahoo.com / tiradauno@gmail.com / n.helphelphelp@gmail.com
Contact Number: 09465046302
For more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/