Tuesday, October 16, 2007

para akong binugbog ng sampung maton...

iyan ang text ko sa mga kaibigan ko after ko mag-boxing for the first time kahapon... para akong binugbog ng sampung maton.

men, di ko kinaya! kasi naman, kelan ba ako huling nag-workout? di ko matandaan. two years ago yata since i last used the treadmill. ni ayoko nga maglakad eh... tapos biglang nagboxing ako. one hour.

leche, first time ko iyun, di ko akalain na ganun kahirap. three rounds ng jogging. pinag-jumping jack. tapos pinag skipping rope ng ilang libong beses. ok, exagg na iyong ilang libong beses pero parang ganun ang pakiramdam ko...

tapos iyong trainer ko, masyadong strict. walang patawad sa speedball saka nung nagsha-shadow boxing na kami. akala nya siguro fast-learner ako at matatandaan ko lahat ng tinuro nya.

pero in fairness, masaya... kahit na pagdating na pagdating ko ng bahay, nahiga lang ako ng ilang minuto sa harap ng TV, di kumikibo. tulala. masakit ang buong katawan.

i slept early kasi i wasn't feeling well. six hours after my training, nagising ako and i threw up four or five times. para akong na-food poison. i told claring na dalhin na ako sa hospital around 1 am.

then i changed my mind. sabi ko, isusuka ko na lang lahat. claring and mira bought me gatorade sa ministop sa baba. (salamat talaga, claring... kahit naka pajama na kayo nun). while my housemates were away, balik ako sa harap ng toilet bowl... wala na lumalabas pero suka pa rin ako ng suka... until lumabas ang bula. bula talaga siya. siyet. sabi ko totoo pala iyong kapag nagpapakamatay sa lason, bumubula ang bibig. na-food poison nga ata ako kahapon. or epekto lang ba iyun ng sobrang training?

bottom line, ok na ako... ang trick lang naman kapag na food poison ka ay ilabas mo lang. ang tanong, babalik pa ba ako sa pag-boxing? oo. dahil sayang ang binili kong gloves. sayang ang membership fee ko. at higit sa lahat, masokista ako... gusto kong magpabugbog uli sa sampung maton. pero baka sa susunod, siyam na lang sila. tapos walo. then pito. hanggang sa okay na ako... hehehehe

Song of the Moment:
Now being without you
Takes a lot of getting used to
Should learn to live with it
But I dont want to
Living without you
Is all a big mistake
Instead of getting easier
Its the hardest thing to take
Im addicted to ya babe
Youre a hard habit to break

Quote for the Day: "It's so much easier to say that you don't love someone... than try to explain to everyone all the reasons why you still do..."

What I learned Recently: November 3 na ang Super Inggo 1.5. Sa Sunday na, October 21, ang episode na sinulat ko sa Your Song. At back to the drawing board na naman kami dun sa soap. Ang hirap naman hanapan ng bagong kuwento ang teleserye queen na ito!

3 comments:

Angela said...

si Judy Ann ba ang Teleserye Queen?
sana....

noreen said...

nope. :D hindi si juday...

caffeinejunkie said...

i know how you feel, miss noreen. this week, kakabalik ko lang sa aking wellness activities (read: yoga at aerodance) after almost two months dahil sa hectic na buhay ng gradschool at trabaho.

ansakit ng katawan ko after yoga (anlupet kasi ng routine this time, walang child's pose--yung rest position sa yoga), tapos the next day, nag-aerodance ako! wala akong magagawa, masokista din ako e..ehehehe!

(but then, at least lalo pa'kong papayat. di ako makapaniwala na kahit wala akong exercise ng almost two months, pumapayat pa rin ako!)