Thursday, October 11, 2007

pinagpapala ang mga nagpaparaya...

may naalala lang akong kuwento na nangyari last week...

nag-brainstorm kami nun ng mga kasamahan kong writers para sa new show. anim kami at 1,200 ang binigay na budget para sa merienda at dinner. so tig-200 kami. di na kami nag-merienda kasi hinintay na lang namin iyong dinner. kumain kami sa dencio's. nag-sisig, sinigang at kare-kare kami. plus bottomless drinks. 1,100 lang ang bill namin. may sobrang 100 pa.

sabi ko, gusto ko mag-dessert. payag naman sila. may murang ice cream sa mini-stop, 14 lang isang cone. okay na iyun sa amin...

so ako bumili ng anim na ice cream. tapos, pinapapasa ko na lang sa kanila habang inaabot sa akin nung tindera. noong meron na silang lima at dinidilaan na nila lahat, sabi nung tindera sa akin, ubos na... in short, naubusan ako. silang lahat meron, ako wala.

noong lumabas ako ng mini-stop at binalita sa kanila na naubusan ako, naawa sila sa akin. lalo na iyong isang writer na ayaw naman sanang kumain ng ice cream pero dahil napasahan ay dinilaan na lang. sana daw nauna na lang ako kumain para ako iyong may ice cream.

"kaya kami pumayag na mag-ice cream dahil sa iyo," sabi nung isang writer.

"bumili ka na lang ng iba," sabi nung isa pa.

so bumalik ako sa mini-stop at bumili ng cornetto drumstick.

nung nasa elevator na kami, napansin nung isa na lahat sila kumakain ng sundae worth P14, ako naman ay may drumstick worth P30.

"mas masarap iyong sa iyo," sabi niya. "ganun pala kapag pinapauna mo ang iba."

sagot ko, "ganyan talaga ang nagpaparaya, pinagpapala..."

***

iyong latest episode na sinulat ko sa your song (na this month ipapalabas) ay tungkol sa pagpaparaya. nagparaya iyong bidang babae kasi feeling niya, mas mabibigay noong isa iyong love na hindi niya kayang ibigay sa dyowa niya.

ano ending? secret na lang ... tandaan: pinagpapala ang nagpaparaya....

***

sa ice cream lang ako handa magparaya... sa dyowa? ewan. never ako nagparaya. selfish ako eh. nang-aagaw pa nga ako dati. hehehe kaya siguro hindi ako pinagpapala noon... naalala ko lang iyong exchange of banter namin ni claring several years ago...

me: grabe, i have the makings of a battered wife...
claring: hindi ah... battered mistress kamo!

pero noon iyun, nagbago na ako ngayon.

pramis.

pahabol lang. may isa pa pala akong behavioral idiom na nagustuhan, ang acting out. ito iyong when the individual is forbidden to do something but does it anyway. :)

Song of the Moment: Wake Up Call ng Maroon 5.

What I Learned Recently: Pinagpapala ang mga nagpaparaya...

2 comments:

Anonymous said...

Don't let someone become a priority in your life,
when you are just an option in their life... - bka lng po mgamit mu s susunod na blogs mu o script. goodluck! =)

caffeinejunkie said...

totoo yang pinagpapala ang nagpaparaya. sabi nga nila, brownie points yan sa langit. in my case, madalas akong magparaya. panganay kasi ako, so expected na unahin ko muna ang needs ng iba before my own. kaya sabi nga ng mga tita ko, bumabalik naman dahil kapag nangailangan ako (ng pera o kaya oras), me extrang perang dumadating o kaya nabibigyan ako ng time to finish stuff.