Thursday, October 25, 2007

residual objects

isa sa narrative objects na tinuro sa scriptwriting workshop ay ang residual objects. at heto ang sample ng residual objects na nakita ko the other day, habang naglilinis ako ng cabinet... coffee cups from starbucks.

kung isa akong character sa pelikula, this is a crucial part of the story. iyong parang may epiphany. kasi now i see them as mere styro cups. di ko na maalala the story behind each cup.

sabi nga ni kareen nong pinadalhan ko sya ng mms nito, itapon na ang basura kasi di naman ako basurera.

***

had inuman last night with friends from peyups. ang saya lang to see new and familiar faces, and reunite with old friends na tagal ko na di nakikita.

bangenge si kareen. riot ang mga kuwento ni ergoe. nakakawindang ang hirit ng mag-asawang vien at cortz. pero, syempre, mas masaya na nung may isang nagbigay ng kanyang mga "ginintuang aral." tip no 1. tungkol sa kaliwang kamay na inuupuan para maging manhid. tip no 2. tungkol sa kurot sa may batok bago mag-chorva habang nagcho-chorva at tip no 3. paano mag-shoot ng piso sa cleavage ng isang kainuman.

late dumating si gitz. naubusan ng beer ang bar (brian, next time, kapag darating si kareen, paghandaan mo.... alcoholic iyan eh!) at nabitin sa inuman ang mga tao. pero masaya ang oldies night out. masarap ang sisig at chicken skin pero mas masarap ang kuwentuhan at kantyawan.

i went home around 2:30, and woke up, surprisingly, without a hangover... walang residual objects. hehe

***

a co-writer/friend is getting married this weekend. napilitan lang ata imbitahin ako kasi hiniritan ko dati na "bakit di kami invited sa kasal mo?" kaya ayun, tinext ako this week para mag-invite. pero sayang, last two days na ng workshop kaya di ako makaka-absent.

a few months ago, rose and i were at gram's diner with this co-writer/friend. we asked him bakit siya magpapakasal and he said, sawa na daw siya maging single. tinanong namin kung sawa na siyang mambabae and he replied di nga daw sya nambababae.

"minsan ko lang sinubukan, walang nangyari, naubos lang pera ko... wala akong napala," he said.

rose and i commented na mukha kasi siyang mabait. he replied, "akala nila mabait ako pero hindi, baboy din ako..."

tawa kami ng tawa ni rose. at di ko makakalimutan ang hirit niya na iyun.

para sa iyo, B, best wishes sa iyong pagpapakasal. salamat sa pag-imbita (kahit napilitan ka lang, hahaha) pero di rin naman ako makakapunta. sana kung anuman ang di mo nagawa nung binata ka pa (like pambababae), wala ng residual objects ngayong ikakasal ka na... :D

Song of the Moment: Love is real, real is love... ewan sino kumanta. Kinakanta kasi ito ni Direk Connie nun sa workshop kaya na-e-LSS ako.

Quote for the Day: "Bibilhin sana kita kaya lang may-asawa na ako eh," Sabi ni Mama Vien kay Kristhian nung sinabi kong binubugaw ko siya sa mga babae.

What I Learned Recently: Basta, it has something to do with the right hand and the left hand. Natutunan ko sa ONO kagabi. :)

3 comments:

caffeinejunkie said...

at wag kalimutan ang equations about the acceptable ages for a mate.

it was nice to see you (in the flesh) finally, miss noreen. ayush talaga yung kagabi.

isfeeking of residual objects, the whole time, masakit ang katawan ko at lethargic ako every now and then. paggising ko kanina, umayos and pakiramdam ko (though sumakit ang ulo ko ng onti)--kahit na feeling ko sumusuray ako pag-uwi wehehehe...

noreen said...

ay oo nga pala, yohan. iyong equation. ito naman, puro equation kasi sinasabi mo kagabi eh. hehehe

pero magandang info din un ha. :D

Anonymous said...

dami kong residual objects - 4 times ako sumuka the next day: 1 sa office CR at 3 times sa taxi. shet. sumpa ko na muna ang alak.

yan si rio upakan ko yan minsan - ansakit nung piso. aray. di na ako mag-vi-v-neck pag may ONO. buset.

-K