Friday, November 9, 2007

ang nagagawa nga naman ng limang frozen margarita...

last night, i attended a very sosyal event where i got to party with the network's brightest stars, award-winning directors and other people from the production.

two years na ako nagsusulat for the network pero kagabi ko lang talaga na-feel ang makasama ang mga artista sa party. hindi counted ang mga christmas party or mga story con or press con or ang mga dinner after the taping ha. iba ito. to the highest level talaga.

ang venue? at the embassy sa the fort. syempre bumili pa ako ng damit for that. naamoy nga yata ng headwriter ko na bago ung damit ko kaya pinuna niya na maganda suot ko that night. niloko ko rin kasi siya na kagalang-kagalang japorms niya.

anyway, sobrang saya sa party... i was talking to several directors. i expressed disappointment to direk g when i learned na bibitawan na niya iyong isang show na pinasikat niya. i thanked direk m for recommending me to be part of the fantasy series next year. and i invited direk je to the dance floor. nakipag-kampay sa akin si direk a nung nagkasalubong kami, and nakipag-chikahan din ako with other directors, some of them ay dun ko lang nakilala.

pero ang pinakamasaya was being with the stars! zanjoe. jake. vhong. in one bar with me... haaaay i love them. at syempre lumabas ang pagiging jologs ko, was observing some celebrities... kita ko kung sino nagpe-pda, kung sinong nagwawala sa dance floor, at sinong showbiz couple ang sabi hiwalay na pero hayun, nagbubulungan at sweet pa rin sa isa't isa. nung dumating ang dalawang housemates from previous season na kinaiinisan ko, parang gusto ko sila tapunan ng drinks. hehehe. isang character actor ang nakipag-sayaw sa amin at nung winawasiwas ako ng kapartner ko sa dance floor, nabangga ko ang isang matinee actor.

***

blooper of the night: pagdating namin sa venue, dumiretso kami ng mga kasama ko sa second floor. nagulat ako dahil ang daming food eh ang sabi sa invites, "after-dinner" party. kumuha ng plato iyong isang kasama ko dahil natakam siya sa pasta. hawak pa niya iyong plato nung biglang tinawagan siya sa cellphone at pinababa kami kasi pang VIP lang iyong second floor. nakakahiya!!! buti wala pa masyadong tao.

***

pero hindi dun nagtatapos ang gabi. i had five frozen margarita. 1 smirnoff. 2 vodka cruiser na blueberry. 1 vodka cruiser na kulay pula at 1 san mig light.

hindi ako lasing! pero nung naka-limang margarita na ako, i found myself holding hands with someone sa bar! kaloka! natatawa ako nung may isang co-writer na minamanyak si danica at sabi ko kay danica, patulan na niya dahil "lamang tiyan" din iyan. ganun din ba ang nangyari sa akin kaya hindi na ako pumapalag nung hinahawakan, inaakbayan at niyayakap ako noong isang bisita sa party? in fairness cute sya pero alam ko naman na after that party, i doubt kung maghoholding hands at maglalandian pa rin kami...

shet, sana walang nakakabasa nito na kakilala niya. (danica, kunwari wala kang alam ha...)

looking back, i realized na dami kong kasamahan na nakakita na sumasayaw kami ng halos magkayakap na. ano na lang sasabihin nila sa akin??? my god, ang reputasyon ko! nyeeeee at di ko alam kung ano magiging reaction ko kapag makasalubong o makita ko siya...

oh well. ang iniisip ko na lang... merong ibang tao na mas nakakahiya ang ginagawa that night. hahaha. kasi naman... uminom ng hindi nagdi-dinner tapos hinalo-halo pa ang drinks (beer, margarita, cruiser, red wine, beer, tequila, etc) kaya ayun... naghuhuhubad at nagwawala sa dance floor, minamanyak pa lahat ng babaeng makita. so okay lang... some people did worse things that night kaya keri na, pinapatawad ko na sarili ko.

***

in other news, kristhian, bats and i watched beyonce's concert. salamat, bats, for the free tickets. di ako masyado nag-enjoy pero hearing beyonce sing irreplaceable live was enough...


Song of the Moment: i could have another you in a minute, matter of fact, he'll be here in a minute - beyonce, irreplaceable

Quote for the Day: "huwag ka mag-thank you sa akin, you did that to yourself," sabi sa akin ni direk m nung nilapitan ko siya at pinasalamatan kagabi kasi she suggested that i should be part of the new show.

What I learned Recently: you are never too old to do stupid things. i'm not saying it's good but, it's okay to do things you don't normally do... as long as you know your limits.

1 comment:

Angelo said...

anong reputasyon ang tinutukoy mo, friend? mwehehe! just kidding. kainggit. sobrang saya ng party na iyon ah. ingats!