Sunday, November 18, 2007

ang wish list ni noringai

noong bumili ako ng relo last month at pinigilan ako ng housemate ko dahil sobrang mahal, sabi ko, regalo ko sa sarili ko for christmas. hindi ko na napansin, in three weeks, sobrang laki na ng nagagastos ko bilang "regalo ko sa sarili ko."

fossil watch
undies and bra from marks and spencer
two more pairs of havaianas
two blouses from debenhams
three blouses and one pants from rustans
esprit bag (na pinag-isipan ko talaga at kinunsulta sa tatlong tao bago ko bilhin)
burberry weekend, 100ml
victoria's secret bras na overruns
at ang pinakamahal... sony cybershot t20

ang dami ko na nabili sa sarili ko. kaya tama na, hindi na ako magsha-shopping for myself hanggang next year.

sa mga nagtatanong kung ano gusto ko gift sa pasko, heto, ililista ko na... ito iyong mga bagay na di ko na puwedeng bilhin (kasi sobrang laki na ng gastos ko bilang "regalo sa sarili") pero gusto ko sana makuha sa pasko...

heto na ang noringai's christmas wish list

1. bath lily from the body shop (matagal ko na gusto magkaroon nito. kaso am too kuripot to buy one. eh hello? 150 lang kaya siya) --> salamat, ANGELO :)

2. the kite runner by khaled hosseini --> salamat, LARLYN

3. original dvd ng maging sino ka man volume 5 to 14 (meron na akong 1 to 4 para sa nanay ko. one week pa lang siyang wala sa Pinas, naubos na niya ang apat at naghahanap na ng kasunod...)

4. pirated dvd ng grey's anatomy season 1 and 2 --> salamat, KAREEN

5. pirated dvd ng desperate housewives seasons 1 to 3

6. pirated dvd ng complete season ng friends --> salamat sa sarili ko, hihihihi

7. original dvd ng when harry met sally (meron na akong orig cd at pirated dvd)

8. chocolates/biscuits from marks and spencer (i buy these to give to other people but i havent bought one for me) --> thanks, MAGZ

9. water lily body lotion from marks and spencer (paubos na iyong ganito ko, huhuhu. para may ka-alternate naman vs lotion ko)

10. victoria's secret body wash na love spell (to complement my love spell body spray and lotion) --> salamat, DONSKIE. :)

11. peppermint na sabon from soap opera

12. fluffy pillow (iyong malaki. kasi di na fluffy mga unan ko) --> salamat, CLARING

13. garfield desk calendar from powerbooks (i really want one! huhuhuhu)

14. grey's anatomy calendar from powerbooks

15. havaianas cartunista (kulay white or blue) size 35/36

16. knickers from marks and spencer (size 12)

17. extra battery para sa digicam ko -- itutuloy mo ba ito, Kristhian? :P

18. external hard drive na 180 gb


so kung may gusto mag-pledge ng gift, hehe, sabihin agad sa akin para mabura ko na sa listahan na ito. (demanding ba!)

last week lang, nung sinusulat ko ang wish list ko sa journal ko, nasa listahan na "super wish list" iyon esprit bag saka sony cybershot t20. nakalagay pa na kulay pink iyong camera at kulay grey iyong bag. in three days, nakuha ko pareho iyong gusto ko. dapat pala nilagay ko sa wish list ko iyong... basta iyun. hehehehe alam niyo na iyun.

pero isang wish ko talaga ngayon, planner ng starbucks. every year, meron ako nun. nag-iipon ako ng sticker para magkaroon ng planner nila. this year, di ko na magagawa kasi nagda-diet chorva ako. bawal ang kape.

so sana, sa mga friends ko na lagi ko nakakasama sa lakad (kikays, kareen, bats, kristhian, angelo), kapag magkasama tayo, mag-starbucks tayo. kayo lang oorder, sasamahan ko lang kayo, or siguro oorder ako bottled water. tapos, sa akin na iyong resibo nyo para sa sticker. enough na sa akin iyon na regalo from you sa pasko... as in.

teka, baka isipin nyo mapili or pihikan ako. hindi. madali naman akong i-please. kahit walang gift, okay lang. your friendship is enough. let's celebrate our friendship over coffee... sa starbucks! hehehe

ang mga ito ay wish list ko lang naman. sabi nga ng kamikazee, libre lang mangarap...

6 comments:

Angelo said...

o siya, siya. akin na iyong bath lily from body shop. hehehe! at pag maganda ganda ang xmas, baka may maidagdag pa from your list. mwehehe!

Anonymous said...

ambait ni angelo! hehehe

ako na magbibigay ng seasons 1 and 2 ng greys anatomy :P wala akong bonus eh :(

-kiyoko

caffeinejunkie said...

ako din, gusto ko ng starbucks planner, pero nag-iisip din ako, dahil (as i told you sa jeep nung saturday) nangako yung friend ko from ADB na bibigyan nya ako ng planner nila.

twas nice to see you that day, miss noreen!

ano nga ba iplepledge kong gift sa yo? isip lang ako from your list...

Anonymous said...

Puede bang pledge of love? :rotflmao:

-resty

Anonymous said...

Noreen, ako na ang magbibigay ng Kite Runner. Pero, most likely lampas na ng Pasko mo makukuha dahil holiday rush ngayon at mabagal ang balikbayan box.

Mabel

bats said...

sagot ko na si #9, water lily lang pala eh. marami nyan sa marikina river ...