Saturday, November 17, 2007

malungkot ang entry na ito...

malungkot ang entry na ito, hindi dahil sa akin, kundi dahil sa isang kaibigan. kaka-break lang niya sa boyfriend niya of two years. at nalaman niya wala pang one month since nag break sila, may ibang girlaloo na ang guy. so ayun, hagulgol siya noong nakausap ko siya kanina. ako naman, lahat ng pinagdaanan ko, sinabi ko. normal lang iyong mga nararamdaman niya, iyong ayaw na niya gumalaw or kumilos. ayaw niya magtrabaho. tapos iyak lang siya ng iyak.

kanina din nakausap ko ang isa pang kaibigan. depressed din siya kasi iyong guy na gusto niya, hindi siya gusto kasi in love pa sa ex. sabi niya, di daw siya makatrabaho, di sya makasulat. iyak lang din siya ng iyak.

noong kausap ko si friend 1 sa phone, hindi niya alam na i was crying with her. kasi dama ko pain niya. sabi niya: bakit ganun? paulit-ulit na lang akong nasasaktan, wala naman ako ginagawang masama. i had to tell her, ganun talaga, may mga bagay na mahirap i-explain kung bakit nangyayari sa atin, pero wala tayong choice kundi tanggapin... that's life.

this week lang din, may ka-YM ako na kaklase sa workshop. sabi niya, he believes in karma. at kaya daw siya nasaktan ng ex niya ngayon ay dahil sa marami siyang ginawang masama before. marami siyang nasaktan na babae kaya siya nakarma. naghihintay na lang siya na iyong ex naman niya ang ma-karma.

me: life isn't fair. take it from someone who has been good all her life pero lagi pa ring nasasaktan.
him: you're a good person, noreen. libre kita ng mcdo kapag nagkita tayo. paalala mo sa akin ang ym na ito.
me: huwag mo na lang ako ilibre. ikuwento mo na lang buhay mo para mapagkakitaan ko...

***

paano mo nagawang mag-survive? iyan ang tinanong sa akin ng mga kaibigan kong broken-hearted ngayon. a few months ago, ngumangawa ako. walang gana magtrabaho at kumilos. konting kibot, iiyak na . a few months ago, ako ang broken-hearted. ngayon, ako na taga-comfort sa mga kaibigang depressed.

ano ginawa ko to survive? hindi ko pinipigilan ang sarili ko to be depressed. lagi akong nagse-senti. lagi akong umiiyak. panay ang sound trip ng mga heartbreaking na kanta. nagsho-shopping. nagspe-spend ng time with my friends who have been supportive. and most of all, nagba-blog. iyun talaga ang nakatulong sa akin to survive... ang magsulat. kaya sabi ko kay friend 1, mag-blog sya uli. at ang sabi ko kay friend 2, wala... dedma. alam niyang wala akong sasabihin tungkol sa sitwasyon niya. hehehe

***

may lalakeng nagpakamatay sa trinoma this week. tumalon mula sa 4th floor. i was there with my former officemates when it happened. nandun kami noong nagkagulo ang mga tao sa ground floor. nakita ko nilagay sa stretcher iyong mama. duguan. naka-blue na polo siya.

may balita din na may batang nagpakamatay. 12 years old lang siya. napailing ako. tama si lhen sa blog niya, a child doesn't commit suicide. ano nangyari sa mundo natin ngayon?

***

na-sad din ako sa nangyari sa mga saguisag. kaklase ko dati si lara, iyong anak nila. she was a good writer. nagustuhan ko iyong autobiography na sinulat niya. and i remember her as a nice person. very unassuming. kaya noong nakita ko siya sa tv, nalungkot ako. and i offered a silent prayer for her mom. and her dad who is still in the icu.

why do bad things happen to good people? lagi ko rin tinatanong sa sarili ko iyan. at hanggang ngayon, wala akong makuhang sagot... pa-kunsuwelo ko na lang, things happen for a reason. kahit hindi natin alam kung ano iyun, kahit di natin mapaliwanag... they just happen. and we have no choice but to accept things as they come...

sabi ko sa inyo, malungkot ang entry na ito...


Song of the Moment: Every now and then I cry, every night... all my friends say I'll survive, it just takes time - Anne Murray, Broken-hearted me

Quote for the Day: "People have scars. In all sorts of unexpected places. Like secret roadmaps of their personal histories. Diagrams of all their old wounds. Most of our wounds heal, leaving nothing behind but a scar. But some of them don't. Some wounds we carry with us everywhere and though the cut's long gone, the pain still lingers," Meredith Grey, Grey's Anatomy.

What I Learned Recently: Lahat tayo, may dinadala. Lahat tayo nasasaktan. We can't say my pain is worse than yours. Or yours is bigger than mine. Kasi, kahit na magkakaiba tayo ng experience, the feeling of pain is common to all of us.

2 comments:

BabyPink said...

sabi nga ng coach ko, when you're in pain, just feel it. feel it until it doesn't hurt anymore.

days after ng aksidente ng mga saguisag at pagpapakamatay ni manette amper, 'yung papa naman ng isa sa closest friends ko ay nabangga ng isang crosswind habang siya ay naka-motorcycle. dead on the spot. such sad, sad happenings.:(

Anonymous said...

hehehe rin ang sabi ni friend 2 mo. and yes, mas marami pang ibang pains sa mundo na mas malaki kesa dun sa kanya. salamat daw sa friends for guiding her towards a more proper perspective. and yes, pinipilit na niya ang sarili na magtrabaho.

nakakatawa lang, kasi dati kahit ga'no siya ka-sad, ang deadline ay deadline. and even her faraway friend knows that very well.

sabi ni faraway friend sa friendster testimonial noon, fave line daw ni friend2 mo, "i have a deadline to meet!" kasi ganun sinasabi niya everytime they'd talk over the phone.

it's just so different now. this is all new to your friend2.

kung kelan siya tumatanda, saka nara-ruffle ang feathers! hahaha.

wtrfwl :)