Tuesday, November 6, 2007

noong araw na muntik na akong mamatay...

last wednesday, muntik na akong mamatay.

ok, siguro exagg na dahil wala naman ako sa glorietta nung sumabog ito pero parang ganun na rin iyun.

pumunta ako ng ayala office para mag-internet. at para pumatay ng oras kasi gabi pa kami magkikita ng sister ko sa trinoma.

bandang alas tres, sumakay ako ng elevator sa ground floor. dalawa lang kaming pasahero. sa 38th floor ako, sa 41st naman siya. sa may parking floor sa 6th, may sumakay na tatlo -- mga dati kong officemates, papunta din sa 38th.

kinumusta ako nung isang manager at tinanong ako tungkol sa work ko sa network. pagdating sa 38th floor, tumunog ang elevator, bumukas ang pinto... at biglang bumaba ang elevator... habang bukas ang pinto!

nakita ko iyong mga cable at mga bakal-bakal. sumigaw ung dalawang babaeng kasama ko. habang ako, i stood there, frozen.

mamamatay na ba ako?

we were stuck between the 37th and the 38th floor, hindi alam kung makakalabas pa ng buhay sa elevator na iyun.

i texted my close friends... kayo na bahala sa friendster account ko. alam niyo na password ng email ko. pakisabi sa mga kaaway ko, pinapatawad ko na sila.

after ten or fifteen minutes, nakalabas naman ako ng buhay at buo mula sa elevator. parang gusto ko bawiin iyong sinabi kong pinapatawad ko na iyong kaaway ko.

so, pinapatawad mo na si sb? tanong ni ching sa akin pagkatapos ko siyang i-text.

wala na akong magawa. touch move na. oo, sb, kung nagbabasa ka ng blog ko, pinapatawad na kita. kahit di ka naman directly nag-apologize sa akin at di mo na-acknowledge na may kasalanan ka sa nangyari. kahit na puro "pakisabi kay noreen, sorry," lang ang nakarating sa akin ... pinapatawad na kita.

***

i cleaned my room for three days. huwag magtanong bakit tatlong araw. eh sa makalat ang kuwarto ko eh. sampung bags ang natapon ko. apat na pares ng sapatos. at limang malalaking plastic ng damit. tapos ilang dosenang libro din yung nilagay ko sa karton at ayun, nasa storage room na.

buti na lang wala si clarissa, so dun ako natulog sa kuwarto niya for three days. kasi di ko na makita ang kama ko, natambakan na ng mga gamit.

***

the last time i slept in clarissa's room was on march 29, the night before my trip to davao. magulo din kasi ang kuwarto ko noon at umuwi si claring sa bahay nila kaya dun ako sa kama niya natulog.

earlier that night, habang nag-e-empake ako ng gamit, sb went to our condo. that was the last time i saw him. that was how and when it all ended.

at nung nakahiga na ako sa kuwarto ni claring, which used to be my room, i remembered the times that sb and i spent in that room. and then i cried. and i said to myself, tangina, tama na. tapos na talaga. wala na karugtong.

napanindigan ko naman ang sinabi ko. finally!

***

i chatted with a couple of friends abroad and they asked me about sb. kumusta na kayo ni sb?

ang standard answer ko, "i haven't seen him and haven't talked to him for months now." and then i switched to a different topic.

dati, namumulaklak sa expletives kapag nagkukuwento ako tungkol sa kanya. kung nakakamatay lang ang mura, ang dami ko na kakilalang nakakulong dahil pati sila, nakikimura sa akin. pero ngayon, wala na. when people asked me about him, sinasabi ko lang na wala na ako balita sa kanya.

when you are faced with the fact that any moment, wherever you are -- nasa kalye, nasa mall, nasa bahay or nasa elevator ng opisina niyo -- maaari kang mamatay, nagbabago tingin mo sa mundo. you learn to live your life to the fullest, you start to forgive the people who caused you pain and anger, and you appreciate every happy moment in your life, no matter how little or trivial they may seem... life is too short to dwell on anger, bitterness and pain. sayang ang oras. :)

pero ipokrita ako kung sasabihin ko na di ako nagsesenti. nung isang gabi lang, nag-emote ako. narinig ko kasi iyong song ni claire marlo. i'm the one who left, but you're the one who's fine without me...

hai... dahil nasenti ako, i headed to shangrila and shopped! sale sa debenhams! iyun ang pangontra ko para di ako masenti... kaya nga mga april hanggang june, anlaki ng binayaran ko sa cards.

pero oks lang... life is short. mag-enjoy!

Song of the Moment: Without me... how can you live without me? My world is gone, but you carry on without me... - Claire Marlo, Without Me

Quote for the Day: "You don’t have to be tough every minute of every day. It’s okay to let down your guard. In fact there are moments when it’s the best thing you can possibly do… as long as you choose your moments wisely," Meredith Grey, Grey's Anatomy

What I Learned Recently: Life is too short to dwell on anger, sadness and bitterness. So learn to let go, move on and forget. Mahirap? Kapag sinabi mo sa sarili mo na kaya mo, kaya mo. Gaya nga ng sabi ko nun sa essay ko sa phil star, "being hurt is something we can't stop from happening but being miserable is always our choice."

5 comments:

Angelo said...

ba't sa kin wala kang bilin? text lang na naipit ang elevator? hehe!

yvette said...

love your mushy quotes noreen. hope you don't mind if i post some of them in my blog. been going thru some rough times lately but i dunno if i can be as strong as you.

but with the bitterness and anger issues, i am resolved with it... that life is really short to be hating someone. i'd rather love even if i'm at the losing end than to hate someone and appear to be the winner.

Anonymous said...

dapat yata tumagal tagal ka pang naipit sa elevator para mas marami kang nabilinan, hehe, jowk!

-K

Anonymous said...

naglinis na rin ako ng kwarto. inabot lang naman ng 24 hours. mas matindi ka pa rin sa kin. :)

sana hindi na ko ma-stuck sa elevator bago matauhan. haaay...

mahaba siyang proseso, pero nai-inspire ako sa 'yo.

wtrfwl

noreen said...

ANJ, friend, sige sa iyo na iyong adult magazine na bigay sa akin. hahahaha ihahabilin ko sa iyo

YVETTE, nope i dont mind. :) ano url ng blog mo?

K, kareen? magpakilala kasi. :P

W, pagkahaba-haba man daw ng proseso, ganun din ang ending kaya now na, to get it done and over with. :D