Tuesday, December 11, 2007

dear santa

dear santa,

it's that time of the year again. :) two years ago, i wrote this letter to you.

humingi ako ng taxi... kasi sabi ko, "para sa mga single at walang kotse na katulad ko, ang hirap umuwi at pumunta sa kung saan sa mga ganitong panahon. ayoko ng kotse. mahal ang parking sa condominium namin. saka mahal ang gasolina. kaya taxi na lang. sana, iyong may kasamang taxi driver, na isang text ko lang, andyan na agad."

sige pwede mo na i-cross out iyan ngayon sa listahan ko. kasi, bukod sa may "suki" na ako na taxi driver na one text away lang, meron na naghahatid ngayon sa akin na may kotse. plus andyan pa si kristhian na laging maaasahan kapag pinakiusapan ko na samahan ako sa taguig o sunduin ako sa tandang sora. baka nga sa kanya na ako magpasundo sa airport pagbalik ko galing davao eh. (parinig, parinig...)

humingi rin ako ng makinang nagbabalot ng regalo. pero sa ngayon, di na muna. kasi namili na ako ng sangkaterbang gift pouch at paper bag. ilalagay ko na lang dun iyong mga regalong nabili ko...

hindi ko na rin kailangan ng clone. hindi pa. mukhang okay pa naman ang schedule ko eh. natantiya ko naman ng maayos. sayang, di nga lang ako makaka-attend ng party ng unit namin dahil flight ko na sa davao iyon. di bale, dun na lang ako sa christmas party ng network sa friday.

kailangan ko pa rin ng little black dress. "hindi lang siya ordinaryong black dress ha. size 4 na dress na kapag sinuot ko, automatic na mag-a-adjust ang katawan ko para kumasya. puwede kaya iyon? parang blusang itim ni snooky serna noong 1980s, iyong kapag sinusuot niya, gumaganda siya. ako, little black dress na kapag sinuot ko, magiging size 4 din ako. pero huwag naman liliit lahat ng bahagi ng katawan ko. ganun pa rin ang size ng boobs ha. iyon na nga lang ang asset ko, paliliitin mo pa?"

ang huling wish ko that time ay magpapainit ng pasko ko. santa, dumating na ba siya? hindi ako sure kung siya na yun. pero sana siya na. hahaha. he drives me home. he carries my bag. he texts me every now and then. hay. he makes me smile, kahit di ko siya nakikita o nakakausap. kahit naiisip ko lang siya, nangingiti na ako... siya na kaya magpapainit ng pasko ko? two weeks na lang pasko na. andami pa puwedeng mangyari in two weeks. :)

pero kung hindi man, sige lang... sanay naman ako na malamig ang christmas. kaya nga naisulat ko itong article na ito noong 2004.

santa, kung di mo man mabigay iyong wish ko ngayon, sige lang, i have my family and friends. they can make my christmas extra special. lalo na iyong mga nag-pledge na ng regalo nila... buti pa sila, sinununod nila iyong nasa wishlist ko. ikaw, 30 years na ako humihiling sa iyo, dedma ka pa rin. ganyan ka naman eh. may peboritism ka yata. hmp.

sige na nga, di na kita gagambalain. ay last wish na lang, pero hindi para sa akin. para sa tatlong kaibigan ko na broken-hearted --> si ching, si bats, at si rose. sana santa, bigyan mo sila ng gamot na isang inuman lang, makakalimutan na nila iyong mga gagong lalakeng nanakit sa kanila. doblehin mo iyong para kay rose. kailangan niya nun. ay, damihan mo na rin, am sure, maraming nangangailangan niyan ngayon. ako? di ko na kailangan iyan. gaya nga ng sabi ko kay ching, i have moved on... i am healed. :)


3 comments:

Anonymous said...

hmmm.. mukang may bagon prospect ah.. just take one step at a time.. nakakapagod ang umasa at umiyak. you've been through a lot.

wag ka na lang umasa para ndi ka masaktan

Anonymous said...

girl, thanks. napaiyak mo na naman ako. pero nang nakangiti. mahirap yun ha, para kong luka-luka dito sa internet shop.

don't worry, kahit gaga ako, your words (and claring's and mitch's) don't go entirely unheeded.

love you.

wtrfwl :)

btw, ang cute talaga ng
candyman mo! yun lang masasabi ko. walang himig ng pag-iimbot yun ha. love u.:)

Angelo said...

hala!