Sunday, December 23, 2007

habang nasa isang coffee shop sa davao...


jologs na kung jologs but i've always liked zanjoe since his pbb days.


and when i got the chance for a photo op last week while having our christmas party, di na ako nagdalawang isip.

bakit ba? eh like ko siya. hindi dahil sa kamukha siya ng isang tao in my past, but because he's zanjoe. who doesn't like zanjoe? hehehehe

dami pa pics from the two christmas parties that i attended in abs. andito lang, if you're interested. may mga pics with the stars. para akong paparazzi. even before lumabas sa the buzz, alam na namin sino ang next na matsi-tsismis kasi witnesses kami sa mga nangyayari. but no, i didn't post those pics. sabi nga ng co-writer ko, iyun mga pics na yun ang binabayaran ng mahal. pang-scoop. kaya di ko na muna ipo-post.

***

am now in davao and im supposed to be taking a vacation but i'm not. busy-busyhan para sa high school reunion namin next week. i am one of the organizers kaya ngarag din. the other day, we checked out the venue, then met with other organizers to finalize the plan. and then today, kinausap namin ang musician na magpe-perform. in the next few days, iisa-isahin namin ang mga batchmates to personally invite them.

super excited na ako for the reunion. too bad, di daw pwede si C. kung matagal na kayo nagbabasa ng blog ko, am sure kilala niyo si C. may fans club pa nga kami, di b? (hello, sissy!) he's in cebu now. so di siya makaka-attend. pero keri lang. the last time we had a reunion, nasunog ang buhok ko dahil sa kanya. kasi naman may pausong candle-candle activity pa. tapos di ko inexpect na hahalikan niya ako. ayun, nasunog ko ng kandila ang buhok ko dahil sa gulat. tapos, si C pa pumatay nung apoy sa buhok ko. sayang ang pagpa-parlor ko sa buhok ko. pagbalik ko ng manila, short hair na ako. i swear, gagawin kong eksena iyan sa script ko.

***

my headwriter called me up the other night. may pinapagawang plot points and characterization. to be submitted on dec 26. ang saya-saya! :D magtatrabaho ako during christmas break.

***

seven hours na ako andito sa isang coffee shop sa davao. libreng wifi kasi. hehe. nagpost lang ako ng pics sa multiply kasi ang demanding ng mga tao. nagtetxt sa akin to ask kung kelan ko malalagay mga pictures nila. ampotah! (nix, di ka nag-iisa.... dalawa kayo!)

***

iba talaga mga tao sa davao... warmer, friendlier at always ready to help. nakakakiya tuloy maging bitch. di ako puwede dito. :)

di na siguro ako makaka-online uli dahil busy-busyhan nga... kaya sa lahat ng nagbabasa ng blog ko, kilala ko man o hindi, nagpaparamdam man o nag-i-stalk... Merry Christmas sa inyong lahat :)

2 comments:

Anonymous said...

wow.. na miss ko naman ang davao!! i was there last oct for a week vacation. gusto ko rin ma.experience ung pasko jan, tahimik daw pag new year.. pero keri lang.. gusto ko pa ren. hehe..

when i was there, lagi kame coffee bonding ng friend ko sa kasagingan.. na try mo na don? try mo ung "two-ron" ehhe

happy holidays ate noreen!!

stay happy and busy!!

-lushlips

BabyPink said...

iba talaga mga tao sa davao... warmer, friendlier at always ready to help. nakakakiya tuloy maging bitch. di ako puwede dito. :)

korek ka diyan! naramdaman ko din talaga 'yan noong kababalik ko dito sa amin. ibang level talaga ang mga tao! hehehe:)

Belated merry christmas, miss noringai! happy 2008! :)