Thursday, December 20, 2007

ikakasal ka na...

alam niyo ba iyong song ni jessa zaragosa na ikakasal ka na?

noong lunes, pinilit akong kumanta nun sa harap ni charo, cory, at iba bang heads ng network bilang "gimik" ng aming presentation. biglaan. thirty minutes before the presentation, sinabihan ako ng business unit head namin na kumanta nun.

"do or die na ito, noreen," he said. "kung kinakailangan maghubad ka ma-approve lang ang show natin, gawin mo."
"sir, pwede bang maghubad na lang ako?"
tawanan sila.
"sir, hindi nga. kapag pinakanta niyo ako, mare-reject ang show natin!"

sa halip na makinig sa akin, pinalabas ako para pag-aralan ang kanta with the gitarista. namputsa, ni-text ko pa si claring for the lyrics. at ayun, with the gitarisa, prinaktis namin ang song.

on our way to ma'am charo's office, naiiyak ako. sa takot. the last time na naiyak ako sa takot was when i was about to donate a blood and my friend dan was telling us kung gaano kalaki ang karayom na itutusok sa amin. ganung-ganun ang naramdaman ko habang pasakay kami sa elevator. gusto kong umuwi na. gusto kong bumuka iyong sahig at lamunin ako. huwag lang akong kumanta.

ok lang sana kung maganda boses ko pero ask my friends, they have been enduring my singing voice for years....tunay na kaibigan nga sila.

at kahit na kumanta ako dati sa harap ng presidente ng kompanya namin ng pinoy big brother theme song (click this for details), ibang-iba ang sitwasyon na ito. it would be my first time to present a show, my first time to meet the network's top executives... tapos i would make a fool out of myself by singing "ikakasal ka na" na sintunado?

the program manager must have seen me in panic kaya ayun, nagpakuha na lang siya ng cd ni jessa at iyun ang pinatugtog namin.

ang ending? our show was approved. yey.

salamat nga pala sa mga nagpadala ng couple pictures sa email. :D

***

"sige na, noreen, magpakamatay na tayo para sa show na ito," sabi sa akin ng headwriter ko a few weeks ago. ito iyong mga araw na halos sa abs na ako nakatira dahil sa pagbuo ng concept ng show.

ok lang... parehong na-approve ung dalawang show na binuo namin. iyong pangatlo, sure na daw un kasi sequel naman siya. kaya lahat ng pagod, puyat at pagpapahirap sa sarili ay sulit dahil nagustuhan naman ng mga bossing.

next week, and the succeeding weeks, magpapakamatay na naman kami para sa dalawang shows na ilalabas first half ng 2008.

sige lang... kailangan magpaka-pokpok. and, this is it. the realization of my dreams!

when i became a tv writer in 2005, isa lang ang pangarap ko -- ang makapagsulat ng soap sa primetime. kasi sabi nila, un daw ang basehan ng success ng writers eh... ang mapasama sa soap.

akala ko first soap ko ung fantasy series with direk j. na-shelved. tapos may soap na ako with the network's reyna ng drama series, naantala. now, heto na... dalawang soaps. sa primetime. this is it. salamat sa headwriter ko na nagbukas ng pinto para sa akin.

***

alas tres na ng umaga. in a few hours, lilipad na ako papuntang davao. di pa ako tapos mag-empake. dami ko pa sana gusto ikuwento. hindi tungkol sa career kundi sa personal life. pero, saka na lang... mahaba-haba iyun eh. :D

wala na munang song of the moment, quote for the day saka what i learned recently. wala nga ako maisip na matinong title ng entry na ito.

3 comments:

BabyPink said...

yehey! todo na 'yan, miss noringai! go na!!!:)

caffeinejunkie said...

go miss noreen! congrats sa iyo! sabi nga nila, kapag mej sablay ang isang bagay, babawi yan sa isa.

yung sisterette ko, nananawagan sa iyo na gawan mo daw ng your song ep sina donnie at gaby. meron na nga syang storyline. sabihin mo lang daw at ieemail ka nya.

maligayang merry christmas din sa iyo! Godbless

boinkie said...

-->ito ba yan?

Teledrama nina Juday at Derek, kukunan sa San Francisco

ALFIE LORENZO

Binalikan namin sina Juday at Ryan sa 14th floor ng 9501 Bldg. kung saan may presentation kay Juday ang team ng Habang May Buhay na teledrama nina Juday at Derek Ramsay na sa January ay kukunan sa San Francisco ang mga hospital portions ng Nurse story.

Bago nakasalang ang mga presenter ay miniting muna namin si Juday for her final calendar in January na hiningi sana niyang rest month pero napuno rin ng schedules niya.

Iyung plano niyang holiday vacation nang January 1-7 ay naudlot uli dahil ‘yung Awards Nite ng MMFFP ay iniurong for January 4 eh ano nga naman ang mababakasyon ni Juday sa 2 days eh Enero 11 fly to Los Angeles na kami for the premiere nite ng SSS then fly to Hawaii the next day for another preem nite -- then fly back to California the next day para sa San Francisco taping? One week stay rin doon si Juday.