Friday, December 28, 2007

paalam

it is really difficult when you're ending a chapter in your life... lalo na when you know it will be gone forever. that's why im so sad that my first blog is going offline when the new year starts... kasi naman, wala akong balak magbayad ng blog kung pwede naman magkaroon ng libre. so paalam na, noringai@blog-city.

buti na lang i was able to copy all my blog entries in word document. at least, meron pa akong kopya ng mga kabaliwan, kasentihan at kakikayan ko for four years.

i have been blogging in blogspot for almost a year now but still, nakaka-miss ang dati. ung familiar. iyong nakasanayan mo na. at nakakalungkot malaman na iyong dating alam mong laging nandyan, one click away lang, ay mawawala na ng tuluyan.

pero, life goes on... ganyan talaga. moral lesson? huwag maging sobrang attached sa isang bagay kasi walang permanente sa buhay, lalo na sa mundo ng internet.

***

bago mawala ang blog-city ko, gusto ko lang i-share ang aking yearender entry for 2006. sabi ko kasi, it was the best year of my life.

i have yet to make my 2007 yearender entry pero alam ko na mas makulay pa rin ang 2006. nothing monumental has happened in 2007 -- yet. may tatlong araw pa ako. hehehe.

maraming blessings ang dumating sa akin this year lalo na sa career. sa lovelife? magandang pangyayari na iyong finally, nauntog at nagising na ako... (kulang na lang magpa-party mga kaibigan ko sa sobrang tuwa)... sobra man akong nasaktan, now, people say na wala ng trace nung heartache and pain na iyun. hindi na daw ako bitter. hehe. and, at the latter part of the year, there was "a dream of someone" na malay natin, may spillover for next year.

gagawa ako ng detailed yearender kapag nasa manila na ako uli. am supposed to go back to manila on the 30th kasi may nakaplano na kaming gagawin sa new year's eve kaso... haaay... another moral lesson, lahat ng bagay nagbabago... nagbabago ng plano, nagbabago ng isip, nagbabago ng desisyon. magpapa-rebook man ako ng flight, i have to pay 4K more. bad trip.

iyun lang muna. happy new year sa lahat. bihira akong mag online dito sa davao pero nababasa ko naman mga blogs nyo. di nga lang ako nakaka-comment.

high school reunion na namin in a few hours... yey!

4 comments:

VaNs said...

ang sad nga kasi ang saya pa naman ng blogcity na blog mo..

happy new year noreen!!!

xoxo

vans :)

blueskies said...

namiss ko rin yung blogcity ko pero iniwan ko ng mas maaga at nabura ko na rin yung account ko. sana nga isa-save ko rin yung mga posts ko pero naiisip ko wag na lang siguro. pwede na kalimutan iba. hahaha.

happy new year! :D di bale, dito na lang tayo sa blogger. hehe

the Zookeeper said...

happy new year, friend! oist, markahan mo na yung march 8 sa kalendaryo mo ha. =)

caffeinejunkie said...

yep. blog-city was my home din for almost three years. at pag inaccess mo yung blog-city site mo, nakalagay, this page does not exist. oh well. buti na lang i spent my last days dito sa office saving my blog entries, na baka ipost ko ulit sa blogger.

happy new year po! bee happy!